Narito ang mga epekto ng stress sa kalusugan at mga tips kung paano ito maiiwasan.
Epekto ng stress sa kalusugan
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Base sa mga pag-aaral, may malaking epekto ang stress sa kalusugan ng sinumang nakakaranas nito. Ang stress hindi lang sa katawan maaaring makaapekto, pati na sa isip at feelings ng isang tao.
Bagama’t may mga uri ng stress na may mabuting epekto. Tulad ng maaari itong maging dahilan para ma-motivate, maging alert at inspired ang isang tao. Karamihan ng epekto nito ay iniuugnay sa mga negatibong epekto sa kalusugan gaya na lang ng mga sumusunod:
Epekto ng stress sa katawan
Epekto ng stress sa mood ng isang tao
- Anxiety o labis na pag-aalala o pag-iisip.
- Hirap makapag-relax.
- Kawalan ng motivation o focus.
- Pagkaramdam ng pagka-pressure o pagka-overwhelmed.
- Pagiging irritable.
- Kalungkutan o pagiging depress.
Epekto ng stress sa ikinikilos ng isang tao
- Labis na pagkain o kawalan ng gana sa pagkain.
- Madaling magalit.
- Paggamit ng ipinagbabawal na gamot o pag-inom ng alak.
- Paninigarilyo.
- Social withdrawal o pagnanais na laging mag-isa.
- Kawalan ng gana sa pag-eehersisyo.
Ang mga nabanggit na epekto ng stress sa kalusugan ay maaaring mauwi sa mga malala at seryosong sakit kung hindi agad malulunasan o maiibsan. Tulad nalang ng high blood pressure, heart disease, obesity at diabetes.
Signs na stress ang isang tao
Coffee photo created by wayhomestudio – www.freepik.com
Kaya naman para maiwasan mauwi sa mga sakit na ito ang stress na nararanasan ay dapat maging aware ang isang tao na siya ay stress na. Ito ay upang agad siyang makagawa ng paraan para malunasan ang stress na nararanasan.
Ang mga palatandaan ng stress sa isang tao ay ang sumusunod:
- Pagiging makakalimutin.
- Hirap maka-concentrate sa maingay na paligid na nagagawa mo naman dati.
- Hindi ka nakakainom ng mga gamot at vitamins mo.
- Mas pinipili mong kumain ng pagkaing madaling ihain o kainin tulad ng junk foods at fast foods. Iniiwasan mo ang kumain ng mga kailangan pang hiwain at nguyain.
- Wala kang interes sa mga bagay na mabilis o magagawa sa loob ng limang minuto.
- Pinipili mong i-delay ang mga bagay na puwede mo namang gawin na. Tulad na lang ng pagre-reply sa mga text message.
- Tinitiis mo ang discomfort o pananakit sa katawan kaysa bigyang lunas ito.
- Iniiwasan mong tumawag sa customer service kung may concerns ka sa iyong telephone o internet bill. O kaya naman ay pinipili mong hindi i-return ang item na in-order mo online kahit na mali o may sira ito. Dahil feeling mo ang paggawa nito ay aksaya pa sa oras mo.
- Hindi ka na natutuwa sa mga dati mong ginagawa. Tulad na lang sa pakikipaglaro sa iyong anak na para sa ‘yo ay kasayangan lang sa oras mo.
- Puno ng expired o sirang pagkain ang ref ninyo dahil walang kang oras o ganang kainin ang mga ito.
Mga mapapansing pagbabago sa mga kinikilos mo
- Nagiging magugulatin o masyado kang ninenerbyos tulad na lang sa mga biglang sumusulpot na sasakyan sa tabi mo habang ikaw ay nagmamaneho.
- Ang mga cognitive task na kailangan ng buo mong atensyon ay parang inuubos ang energy mo.
- Nahihirapan kang mag-organize tulad na lang ng mga schedule ng lakad mo.
- Nahihilig ka sa pagkain ng matatamis na dapat sana ay energy booster mo lang. Pero nakakarami ka at sumusobra sa pinalano mo ang kinakain mo.
- Ayaw mo mag-commit sa mga bagay-bagay o activities ng walang dahilan.
- Feeling mo sa mga bagay na ginagawa mo ay lagi kang pine-personal ng kapwa mo o ibang tao.
- Tinatamad kang kumilos o gawin ang mga bagay na tama at dati mong ginagawa.
- Gumagamit ka ng self-criticism para i-motivate ang iyong sarili.
- Umiiwas ka sa mga activity na kailangan mong makisalimuha sa iba. Mas gusto mong manood ng movie sa loob ng iyong kwarto ng mag-isa.
- Pakiramdam mo’y walang puwedeng makatulong sa ‘yo kahit marami ang nagsasabing sinusuportahan ka nila. Dahil kahit maganda ang intensyon ng mga tao sa paligid mo ay agad kang naiirita.
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Paano maiiwasan at malulunasan ang stress?
Kung ikaw ay nakakaranas ng mga nabanggit na sintomas ay dapat malunasan na ang stress na nararanasan mo. Ito ay para maiwasan ang mga epekto ng stress sa kalusugan mo at sa iyong pagkatao. Para magawa ito ay narito ang ilang tips na maari mong gawin.
- Ugaliin ang paggawa ng mga regular physical activity.
- Magpraktis ng mga relaxation technniques tulad ng paghinga ng malalim, meditation, yoga at tai chi massage.
- Magkaroon ng sense of humor sa lahat ng bagay at subukang i-enjoy ang bawat minuto ng iyong buhay.
- Mag-spend ng time sa iyong pamilya at kaibigan.
- Maglaan ng oras sa mga paggawa ng iyong mga hobbies tulad ng pagbabasa ng libro.
- Mag-praktis ng self-care matulog ng maaga at kumain ng masusustansiyang pagkain.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!