Ayon sa pag-aaral, ang stress sa partner ay kadalasang pinagsisimulan ng hindi magandang pakikitungo sa isa’t isa.
STUDY: Stress may malaking epekto raw kung paano tignan ang partner
Epekto ng stress sa relasyon| Larawan mula sa Pexel
Kung ikaw ay tension, mas madali mong nakikita ang pagkakamali o pagkukulang ng iyong partner. Ang mga taong satisfied sa kanilang relasyon ay mas mahaba ang pasensya. Ang mga sumusunod ay ang mga epekto ng stress sa relasyon mo sa iyong partner:
1. Walang tiwala sa partner
Wala na ang pagtitiwala sa iyong partner sa mga decisions na nakakaapekto sa inyong relationship.
2. Nawawalan ng gana maglambing sa partner
Boring na ang inyong relasyon sa iyong paningin kaya hindi na naglalambing sa partner. Maaari rin na ang iyong romantic activities ay hindi na ginagawa kaya maari ito makadagdag sa iyong tension.
3. Madalas ang pagsisi sa kanilang partner sa mga problema
Epekto ng stress sa relasyon | Larawan mula sa Pexel
Napapadalas ang pag-aaway at ang pagbubuntong ng sisi sa iyong partner sa mga problema. Ito rin ay kadalasang nangyayari sa isang mag-asawa lalo na sa financial problems.
4. Ang pag- aaway ay mas dumadalas at lumalalim
Dahil na rin sa mga problema, nagiging pressured kaya nagiging negative ang tingin sa partner. May problema man sa relationship, maari pa rin na maiwasan ito. Ang mga sumusunod ang mga maaring gawin para maiwasan ang stress sa partner
5. Mag-usap ng masinsinan
Mas maging open sa isa’t isa dahil kayo ay team sa inyong relationship. Ang pag-uusap sa mga problema ng mahinahon ay mas madali itong mareresolve kaya makakaiwas sa stress.
6. Gumawa ng weekly date plans
Para maiwasan ang pagkawalang gana sa romance, maaring gumawa ng date nights para maiwasan ang stress sa partner.
Hindi dapat mawala ang romantics sa inyong relationship dahil ito ay isang important key for long-lasting relationship.
7. Understanding sa partner.
Iba iba ang ating emotional level at hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng misunderstanding sa relationship. Mahalaga na maging understanding sa partner lalo na sa panahon ng problema.
Ang tension sa relasyon ay nagkakaroon ng masamang epekto sa iyong relationship kaya kung maari ay ito ay iwasan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!