5 epekto kay baby at mommy kapag naninigarilyo si daddy
Kaya please daddy at iba pang miyembro ng family itigil na ang pagyoyosi!
Narito ang mga epekto ng third hand smoke sa buntis at sa kaniyang baby na maaaring maiwasan kung ang paninigarilyo ng mga taong nasa paligid niya ay titigilan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto ng third hand smoke sa buntis
- Ano ang third hand smoke?
5 epekto ng third hand smoke sa buntis
Hindi naman kaila sa atin ang masamang epekto ng paninigarilyo sa pagdadalang-tao. Lalo na kung ang mismong babaeng buntis ang gumagawa nito. Pero maliban dito na tinatawag na first hand smoke, labis ding nakakasama sa buntis at sa dinadalang niyang sanggol ang second hand at third hand smoke.
Sa isa sa mga programa ng theAsianparent Philippines na pinamagatang Project Sidekicks: No Smoking for a Healthy Pregnancy ay ito ang pinag-usapan ng ating Tapfluencer na si Mommy Janelle Ferrer kasama ang mga OB-Gynecologist na sina Dr. Jennifer Rose Francisco at Dr. Kristen Cruz-Canlas.
Pahayag ng mga doktor
Ayon kay Dr. Francisco at Dr. Canlas, ang second hand smoke ay ang usok na nalalanghap ng isang buntis mula sa kasama niyang naninigarilyo. Habang ang third hand smoke naman ay ang mga residue ng usok ng sigarilyo na kumakapit sa mga surfaces sa paligid ng buntis. Tulad ng damit, furniture, sasakyan, gamit sa bahay o kaya naman ay laruan. Bagama’t hindi deretsahang malalanghap ng buntis ang usok ng sigarilyo sa pamamagitan ng third hand smoke delikado pa rin ito. Dahil ang residues ng sigarilyo ay hindi basta maaalis sa surface na pinagkapitan nito. Kaya naman malaki ang tiyansa na tulad ng first hand at second hand smoke ay malanghap parin ito ng sinumang magkakaroon ng contact sa gamit na nakapitan ng third hand smoke. Ito ay ayon kay Dr. Jennifer Rose Francisco.
“Yung 3rd hand smoke pwedeng kumapit kahit saan at hindi basta nawawala sa pagpapagpag.”
Ito ang pahayag pa ni Dr. Francisco.
Dagdag pa nga ni Dr. Kristen Cruz-Canlas, mas mataas ang tiyansa na ma-expose sa third hand smoke ang isang buntis kung ang mister o asawa niya ay naninigarilyo. Tulad nga ng first at second hand smoke ay nakakatakot din ang epekto nito sa buntis at sa dinadala niyang sanggol. Ilan nga sinasabing epekto ng third hand smoke sa buntis at sa kaniyang sanggol ay ang sumusunod:
Photo by Amina Filkins from Pexels
1. Maaari itong magdulot ng miscarriage at iba pang komplikasyon sa pagbubuntis.
Hindi naiiba ang epekto ng first at second hand smoke sa third hand smoke, maaari rin itong magdulot ng miscarriage sa pagbubuntis. Ganoon din ang iba pang komplikasyon tulad ng stillbirth at ectopic pregnancy.
2. Maaaring makaapekto ito sa development ng sanggol.
Ang nalalanghap na toxic mula sa third hand smoke ng isang buntis ay maaring makaapekto sa dinadala niyang sanggol. Maaaring magdulot ito ng premature birth at may low birth weight sa sanggol. Pinapataas din nito ang tiyansa sa pagkakaroon ng disability o abnormalidad sa sanggol kapag siya’y ipinanganak na. Ayon sa isang pag-aaral, ang toxins na mula sa third hand smoke kapag napunta sa ipinagbubuntis na sanggol ay napatunayang nakakaapekto rin sa kaniyang cognitive development. Makikita ito kapag siya’y nagsimulang mag-aral na at magpakita ng learning difficulties.
BASAHIN:
STUDY: Ilang dahilan kung bakit hindi pa handang maging tatay ang ilang lalaki
Paninigas ng tiyan ng buntis sa huling buwan: Senyales na ba ng panganganak?
3. Posibleng magkaroon ng health problems ang kaniyang ipinagbubuntis na sanggol.
Ayon pa rin kay Dr. Francisco at Dr. Canlas, ang third hand smoke toxins kapag nalanghap ng buntis ay maaring makaapekto hindi lang sa kaniya kung hindi pati na rin sa development ng ipinagbubuntis niyang sanggol. Dahil sa ang toxins nito kapag nalanghap ng buntis ay maaaring humalo sa kaniyang bloodstream at mapunta sa kaniyang ipinagbubuntis na sanggol. Ang epekto nito ay maaaring ang pagkakaroon ng hirap sa paghinga. O kaya nama’y iba pang respiratory problems sa sanggol kapag siya ay ipinanganak. Partikular na ang hika na maaaring magpahirap sa kaniya at maglagay sa kaniyang buhay sa peligro habang siya ay lumalaki.
Photo by Laura Garcia from Pexels
4. Tumataas ang tiyansa na makaranas ng Sudden Infant Death Syndrome o SIDS ang ipinagbubuntis na sanggol kapag ito ay naipanganak na.
Maaari ring maging biktima ng kondisyon na kung tawagin na Sudden Infant Dead Syndrome o SIDS ang sanggol na nakalanghap ng third hand smoke. Tumutukoy ito sa hindi maipaliwanag na pagkamatay ng sanggol na wala pang isang taong gulang. Iniuugnay ito sa pagkakaroon ng defect sa portion ng utak ng sanggol na kumokontrol sa kaniyang paghinga at paggising mula sa pagkakatulog.
5. Mas mataas ang tiyansang makaranas ng postpartum depression ang buntis na nakakalanghap ng third hand smoke.
Ayon sa isang pag-aaral, ang mga babaeng nai-expose sa third hand smoke ay mataas ang tiyansang makaranas ng postpartum depression matapos makapanganak. Natukoy ito ng pag-aaral matapos magsagawa ng survey sa 725 na babaeng nanganak at na-expose sa third hand smoke noong sila ay nagbubuntis. Natuklasan ng pag-aaral na 17.8% ng mga babaeng nakilahok sa survey ang nakaranas ng postpartum depression.
Ang postpartum depression o PPD ay tinatawag ding postnatal depression na isang seryosong mood disorder na umaapekto sa mga bagong silang na ina hanggang sa mag-isang taong gulang ang anak nila.
Photo by Kat Jayne from Pexels
Kaya payo nina Dr. Francisco at Dr. Canlas, kung nagbubuntis ay pakiusapan ang mga taong naninigarilyo sa paligid na itigil na muna ito. Dahil hindi lang ito para sayo kung hindi pati narin sa kinabukasan ng baby mo.
“Paunti-untuin hanggang sa matanggal ‘yung pagyoyosi niya a day. Kung 10 sticks ka before baka pwedeng pagtapos kumain na lang. Unti-untiin hanggang sa halos mawala na. Pwede rin ‘yan mag-chew sila ng gum.”
Ito ang pinapayong paraan ni Dr. Canlas na maaring gawin ng iyong mister o sinuman sa inyong tahanan na naninigarilyo.
Source:
- Daddy, wag kang manigarilyo malapit kay mommy! 6 epekto ng secondhand smoke sa buntis
- STUDY: Baby na nasa tiyan ni mommy, mataas ang tiyansang magka-asthma paglaki kapag naninigarilyo si daddy
- 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan
- Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”