Ina, tinorture ang sariling anak para makaganti sa ex-husband

Mabilis na kumalat sa social media ang video ng inang tinotorture ang sariling anak para asarin ang kanyang asawa. Ano nga ba ang epekto ng torture sa bata?

Hindi maitatama ng kamalian ang isang bagay kung saan hindi ka umaayon. Arestado ang isang ina sa Abu Dhabi nang makita nitong tinotorture ang sariling anak para asarin ang kanyang asawa. Ano nga ba ang epekto ng torture lalo na kung sa bata ito nangyari?

Ina, tinorture ang sariling anak para makaganti sa ex-husband

Noong February 19, mabilis na kumalat ang video ng isang ina na tinototure ang kanyang sariling anak sa social media.  Makikita sa video na ang nanay na hawak ang paa ng kanyang anak habang hinihila ito pababa ng hagdan at sinisigawan. Wala naman ibang magawa ang anak kundi sumigaw.

Ina, tinorture ang sariling anak para makaganti sa ex-husband | Image from Twitter

Maririnig pa sa background ang pagsigaw ng nanay at sinasabing kailangan nitong mabugbog at dalhin sa CR.

“You are an Arab, must use violence with you, go to the toilet.”

Ayon sa awtoridad ng UAE, kinuhaan ng video ng nanay ang pagtorture sa kanyang anak upang asarin lamang ang Emirati nitong asawa na kamakailan lang ay nakipag-divorced sa kanya. Sa kasalukuyan ay meron na ring kinakasamang iba ang ina.

Nang makita ng ama ng bata ang video ng pagtorture sa kanyang anak, agad rin itong nagsampa ng kaso laban sa dati nitong asawa.

May isa pang video ang kumalat na pagtorture ng ina sa anak. Ang kawawang bata ay nakitang nakasuot lamang ng kanyang panloob habang umiiyak at may mga sugat sa kanyang katawan.

Arestado naman ang ina sa kasong Child Abuse.

Ina, tinorture ang sariling anak para makaganti sa ex-husband | Image from Twitter

Child Abuse in the Philippines

Ang Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination ay karaniwang nangyayari dito sa Pilipinas ngunit isang pangunahing problema pa rin ng lipunan.

Ayon sa bagong pag-aaral ng Council for the Welfare of Children (CWC) at United Nations Children’s Fund (UNICEF), ang child abuse ay karaniwang nangyayari sa mga loob ng bahay.

Matuturing na menor de edad pa ang isang bata kung ito ay wala pa sa wastong gulang na 18 years old. Umaabot ng 62.8 % ang psychological violence samantalang tumaas sa 66.3% ang pisikal na pang-aabuso.

Pasok sa uri ng  Child Abuse ang mga ito:

1. Physical Abuse

Ito ay kung may pisikal na pananakit katulad ng pagmamaltrato sa isang batang wala pa sa wastong gulang. Maaaring makapag-iwan ito ng bakas tulad ng sugat at peklat sa bata.

2. Psychological Abuse

Pasok dito ang masasakit na salita at traumang ibinabato sa bata. Ang batang makakaranas nito ay maaaring makakuha ng trauma na tatatak sa pag-iisip. Naapektuhan nito kadalasan ang kilos ng bata at mismong paglaki nito.

3. Hindi pagbibigay ng kailangan

Maituturing na child abuse rin kapag kinuhaan ng karapatan ang bata sa kanyang pangangailangan katulad ng tirahan, pagkain, o agarang lunas kung sakaling siya ay na-injured na magreresulta sa kanyang pagkamatay.

Ina, tinorture ang sariling anak para makaganti sa ex-husband | Photo by Arwan Sutanto on Unsplash

4. Nasa panganib na kondisyon

  • Kung ang isang bata ay nasa lugar kung saan delikado ang kanyang kalagayan at kaligtasan.
  • Pagtira ng isang bata sa kalsada na walang kalinga ng magulang, ito ay kung inabandona na sila.

5. Child Prostitution

Ang Child prostitution ay ang pagpilit sa isang bata na magprostitute o mga batang nagsasagawa ng sex kapalit ang pera. Kasama rin dito ang iba pang uri ng sexual abuse sa mga bata.

6. Child Trafficking

Ang Child Trafficking ay ang sistema ng pagbebenta o pagbili ng bata. Sila ay kadalasang inaalipin, pinipilit magtrabaho o kaya naman ay bilang isang prostitute.

Ang taong may kasong Child Abuse ay magkaroon ng sentensyang reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong.

 

Ang pananakit ng bata ay kailanman hindi naging tama. Kaya naman ipagbigay alam agad sa awtoridad kung sakaling makakaita ng pananakit ng bata o child abuse.

 

Source:

Gulfnews

BASAHIN: 

Batang naglalako ng pagkain para matulungan ang magulang, sinampal at sinipa ng mga bully

Child abuse at preschool: What should parents do?

Sinulat ni

Mach Marciano