Walang awang tinulak, sinampal at sinipa ng walong kalalakihan ang isang batang lalaki na nagtitinda ng pagkain bilang pangkabuhayan, kuha sa video ang bullying na kanilang ginawa sa bata.
Batang naglalako ng pagkain, sinampal at sinipa ng mga bully
Mabilis ang pagkalat sa social media ng video ng isang batang lalaki na binubully ng walong kalalakihan. Ang batang ito ay napag-alamang si Rizal, 12 na taong gulang.
Makikita sa video na isang lalaki na nag ngangalang Firdaus, 26 taong gulang ang sumampal at sumipa kay Rizal dahilan para ito ay masubsob at malaglag sa lupa.
Trigger warning: Naglalaman ng maselan at sensitibong tagpo ang video.
Si Rizal ay 12 years old na batang lalaki at naglalako ng jalangkote; isang uri ng pagkain sa Indonesia. Siya ay nakasakay lagi sa kanyang bike habang nagbebenta ng kanyang paninda araw-araw.
Ayon sa kwento, hindi lang ito ang unang beses na pinagtripan at mabully ang bata. Ngunit sa halip na magsumbong at sabihin ang pangyayari, nanatiling matatag ang bata at patuloy pa rin siyang nagtinda ng pagkain para matulungan ang kanyang nanay.
Video ng bullying | Image from Facebook
Ayon naman sa pulisya, dahil sa nangyaring pagsubsob ni Rizal sa lupa dala ng pagtulak ng lalaki, siya ay nagkaroon ng gasgas sa kamay.
“The victim suffered abrasions on his hand because he was pushed by the perpetrator.”
Dahil sa mabilis na pagkalat ng video sa social media, agad na nahuli ng mga pulis ang mga nang bully kay Rizal. Ang 26 years old na si Firdaus ay sinampahan na ng kaso dahil sa pananakit nito sa bata.
Hindi naman nakalimutan si Rizal ng kanyang mga kapitbahay. Nagpakita ito ng simpatya bilang pagsuporta sa bata. Binigyan rin siya ng bagong bike at food packages para sa kanyang pamilya.
Si Rizal ay pangalawa sa tatlong magkakapatid. Hindi nito nakakalimutang tumulong sa magulang sa pamamagitan ng pagbebenta at paglalako ng pastry araw-araw.
Video ng bullying | Image from Detik News
What to do when bullied?
Ang bullying sa bata ay hindi agad napapansin. Ang ang akala natin ay simpleng pang-aasar lang ito ngunit hindi alam ng karamihan, ay paunti-unti na itong nagkakaroon ng epekto sa bata.
Marami ang pwedeng pagmulan ng bullying. Maaring sa school, kaibigan, playground, o mismong sa loob ng bahay pero isa lang ang naaapektuhan dito. Ito ang mental health ng bata.
Nagsisimula ang bullying sa bata kapag ito ay inasar tungkol sa kanyang itsura, katayuan sa buhay o iba pang bagay.
Sa una, akala natin ay ito ay simpleng asar-bata lamang na nagkakatuwaan. Ngunit malalaman mo nang binubully ang iyong anak kapag ang mga salitang binabato sa kanya ay masakit at alam mong nasasaktan na ito. May pagkakataon rin na gumagamit na ng pisikal ang isang bata sa pagbubully nito. Kung mapapansin mo ito, mas mabuting agad na bigyang pansin dahil nakasalalay dito ang mental health ng anak mo.
Senyales na binubully ang anak mo
Bilang isang ina, mapapansin mo agad sa iyong anak kung may problema ba ito. Narito ang mga senyales na biktima ng bully ang anak mo.
- Hindi makakain ng maayos
- Malungkutin
- Pagiging tahimik
- Pagpayat
- Pagbaba ng grades sa school
- Ayaw nang pumasok sa school
- Pagkakaroon ng sugat o pasa sa katawan
Video ng bullying | Image from Freepik
Epekto ng bullying sa bata
Malaki ang nagiging epekto ng bullying sa bata. Halimbawa na lang nito ay ang kanyang mental health.
Kung nabubully ang iyong anak, mapapansin mo ang pagiging malungkutin at matamlay nito. Takot o iniiwasan niyang pumasok sa school dahil maaaring nagkaroon ito ng trauma dahil sa bullying. Bababa rin ang kanyang mga grado dahil nawawalan ito ng gana sa pag-aaral.
Magkakaroon rin siya ng tila barrier sa mga dating kalaro. Iniiwasan niya ang pakikipaghalubilo.
Kung magpapatuloy at hindi mabibigyang pansin ang pang bubully sa bata, tuluyang babagsak ang self-confidence nito at maaapektuhan ang kanyang paglaki.
Source:
World of Buzz
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!