Araw-araw ay ginagamit natin ito. Sa bawat restaurant o coffee shop, madalas bago umorder ay hinahanap na natin ito.Ang mga magulang maging mga bata ay madalas online na at halos lahat ng tahanan ay may WIFI nang nakakabit. Pero may dapat ba tayong malamang masamang epekto ng WIFI sa ating pamilya?
Epekto ng WIFI Radiation sa Kalusugan: Masama Nga Ba Ito?
Ang WIFI hotspot o router ay tulad lang ng ibang electronic devices na nagpo-produce ng electromagnetic fields (o EMF), na nasusukat base sa frequency nito, kung low o high ba ito.
Ayon sa mga pagsasaliksik at sa World Health Organization (WHO), ang isang WIFI hotpsot ay naglalabas ng radiation na 0.002 hanggang 2% na mas mataas kaysa sa recommended safe levels.
Sa katunayan, halos 100,000 times less dangerous daw ang WIFI kaysa microwave oven. Less dangerous din daw ang EMFs ng WIFI kaysa TV, radio, at cordless na landline.
Pero may masamang epekto ng WIFI ba na dapat malaman natin?
Ang sagot ay oo at hindi.
Oo, mayroon masamang epekto ito lalo na kung sa murang edad pa lamang ay exposed na sa WIFI radiation ang mga bata. Dahil kapag bata pa, manipis pa ang skull at mahina pa ang immune system nila.
Oo, hindi naman instant ang masamang epekto ng WIFI, pero sa kalaunan, maaaring may epekto ito sa kalusugan. Pero importanteng tandaan ay wala pang sapat na pag-aaral ukol dito.
Paano Protektahan Ang Pamilya Sa Radiation?
Oo, wala pang napapatunayang panganib ang WIFI radiation, pero hindi ibig sabihin nito ay walang mga radiation paligid natin.
Alam niyo ba na marami ring radiation ang cellphones, tablets, at iba gadgets? May pag-aaral na nagsaad na ang sobra-sobrang paggamit ng cellphone ay nakapagpataas ng risk of tumors. Maaari ring delikado ang paggamit ng cellphone habang nag-chacharge.
Kung kaya’t mag-ingat na lahat ng cellphone o laptop ay huwag gamitin habang nag-cha-charge ito, kahit na naka-earphones pa. Antayin munang matapos ito para makasiguro na walang electrocution o explosion na maganap.
Narito ang mga iba pang tips:
- Siguraduhing one meter away ang WIFI hotspot o router mula sa katawan mo o ng iyong anak.
- Huwag kandungin ang laptop. Sa halip ay gumamit ng lamesa o tray.
- Limitahan ang paggamit ng tablet kasama ang iyong anak. Huwag hayaang umasa lamang ang iyong anak sa mga gadgets para maaliw o magpalipas oras.
- Huwag hayaang matulog ang iyong anak na may katabing mobile devices tulad ng cellphone o tablets.
- Puwede ring mag-switch from WIFI to cable internet.
Wala mang panganib ang WIFI sa pang-araw araw nating buhay, mas mabuti nang maging maingat dahil hindi pa natin lubos nalalaman kung ano nga ba ang magiging epekto ng araw araw na radiation exposure sa paglaki ng ating mga anak.
source: Scientific American, TIME
Also READ: Cyber Nightmare: Ang danger signs ng internet at social media