Nagkakaroon na ba ng problema si mister sa kama? Napapansin mo bang lumalambot ang kanyang ari sa kalagitnaan ng inyong pagtatalik? Alamin sa artikulong ito kung iyan ba ay senyales na ng pagkakaroon ng erectile dysfunction.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang erectile dysfunction?
- Sanhi, sintomas at diagnosis
- Mga pwedeng gawin ni mister kung mayroong erectile dysfunction
Ano ang erectile dysfunction?
Larawan mula sa Pexels
Naranasan niyo na bang mag-asawa na nabibitin sa love making dahil lumambot ang alaga ni mister? Kung dumadalas na ito, nahihiya man ang iba na aminin pero maaaring ito ay erectile dysfunction na. Bago natin pag-usapan kung ano ito, alamin muna natin kung ano ang “erection”.
Ang erection ay ang resulta ng pagtaas ng blood flow sa ari ng mga lalaki. Sa makatuwid, ito ay paninigas ng ari ng nila. Ito ay nakukuha kung nagiging sexually excited dahil sa sexual thoughts o direktang paghawak sa ari.
Ang erectile dysfunction (ED) naman ay tumutukoy sa kawalan ng kakayahan na magkaroon ng erection. Madalas na nagbibigay lungkot ito sa mag-asawa dahil may mga oras na nauudlot ang kanilang paglalambingan sa kama.
BASAHIN:
12 signs na rough sex ang pagtatalik niyong mag-asawa
Ilang tips sa sex para maglevel-up ang experience ng mag-asawa sa kama
3 reasons kung bakit mahalaga ang after sexcare
Sanhi, sintomas at diagnosis
Larawan mula sa Pexels
Sanhi
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng erectile dysfunction. Ang arousal kasi ng mga lalaki ay isang complex na proseso. Kasama rito ang utak, hormonal imbalance, emosyon, nerves, blood vessels, at muscles ng katawan. Isa pang maaaring sanhi ay mula sa mental health problems na nakapagpapabagal ng sexual response ng mga lalaki. Ilan sa maaaring sanhi nito ay:
- heart disease
- diabetes
- hypertension
- obesity
- hormone imbalance
- kidney disease
- stress
- anxiety
- depression
- relationship problems
- too much alcohol
- drug use
- smoking
- damage of pelvic area
Sintomas
Ang pinakakaraniwan na sintomas nito ay ang kahirapan sa pagkakaroon ng erection habang nagtatalik. Ang ilan sa maaaring obserbahan din ay premature ejaculation, delayed ejaculation o hindi pagkakaroon ng orgasm sa kabila ng matagal na pagse-sex.
Diagnosis
Paano nga ba ginagamot ang pagkakaroon ng erectile dysfunction? Ito ang ilan sa maaaring pagdaanan:
- Physical exam – makikinig ang doctor sa iyong puso at lungs, susuriin ang blood pressure, eexamine ang iyong rectum, at titignan ang testicles at iyong ari.
- Pyschosocial history – magbibigay ang doktor ng questionnaire kung saan sasagutan mo ang lahat ng tungkol sa sintomas, sexual history, at health history.
- Karagdagang test – maaari ring mag-request pa ang doktor ng mga karagdagang test para masigurado ang iyong kalagayan. Ang ilan sa mga ito ay ultrasound, injection test, urine test, at maging blood test.
Mga pwedeng gawin ni mister kung mayroong erectile dysfunction
Larawan mula sa Pexels
Ang paggamot sa erectile dysfunction ay iba-iba depende sa underlying cause nito. Ang ilan sa paraan kung paano ito binibigyang lunas ay ang mga sumusunod:
Medicines
Para maagapan ang mga sintomas ng ED, kinakailangang resetahan ka ng doktor para sa mga iinuming gamot. Ilang mga gamot din ang kinakailangan subukan para malaman kung ano ba talaga ang pwede sa kondisyon mo. Ang ilan sa mga ito ay makapagbibigay ng mga side effects.
Kumontak kaagad sa iyong doktor kung sakaling nakakaranas na ng hindi magandang pakiramdam o kaya ay may iniinom na gamot na maaaring magpalala pa sa kalagayan.
Talk therapy
Ang mga sanhi na tulad ng stress, anxiety, post-traumatic stress disorder, at depression kaya nagkaroon ng ED ay maaaring gamutin through talk therapy. Ilan sa maaaring pag-usapan ay ang mga major stress o factors na iyong anxiety, pakiramdam sa tuwing nakikipagtalik, at iba pang subconcious conflicts.
Kung ang pagkakaroon naman ng erectile dysfunction ay mayroong nang bitbit na hindi magandang epekto sa inyong relasyon, mabuting sabay na kayo ng asawa na kumausap ng counselor.
Normal na magkaroon ng problema sa usaping sex ang mag-asawa. Hindi naman kasi tulad lang sa pelikula ang pagse-sex kung saan parehong nag-eenjoy at punong-puno ng spice ang dalawa. May mga pagkakataong hindi ito palaging masaya at masarap. Darating at darating ang time na makakadaupang palad niyo ang problema.
Ang kinakailangan lamang dito ay dapat alam niyo kung paano haharapin kung sakaling dumating ang ganitong mga suliranin. Hindi dapat magsisisihan kung sino ang mali at tama kung bakit ito kayo humantong sa ganoong kalagayan. Kinakailangang magkaroon ng open mind sa mga ganitong usapin.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!