Eric Fructuoso may mga realizations sa pagiging mabuting ama. Dahil sa kaniyang mga naranasan may payo rin siya sa mag-asawa para maayos ang kapakanan ng mga anak nila.
Mababasa sa artikulong ito:
- Eric Fructuoso as a father
- Payo ng aktor sa mga mag-aasawa para hindi masira ang pamilya.
Eric Fructuoso as a father
Sa isa sa pinaka-latest na vlog entry ng kilalang entertainment reporter at comedian na si Ogie Diaz ay ininterview nito ang aktor na si Eric Fructuoso. Ang panayam umikot sa mga realizations ni Eric bilang isang ama sa mga anak niya.
Kasagsagan ng career niya noon bilang aktor ng maging batang ama si Eric. Sa edad na 21-anyos ay nabiyaan siya ng isang anak na lalaki.
Kuwento ni Eric, isa sa mga dahilan kung bakit ginusto niyang magkaanak noon ay dahil may sakit na ang tatay niya. Ninanais niya sanang bilang nag-iisang anak ay mabigyan na ito ng apo bago pa ito mawala.
Pero ang hindi akalain ni Eric na ang pagiging magulang pala ay isang napakalaking responsibilidad. Isang bagay na aminado siyang wala siyang kaalam-alam noon.
“The reason why gusto ko ng magka-baby noong time na iyon, ang Tatay ko noon in and out of the hospital na e nag-iisang anak ako.
Kailangan ko ng bigyan ng apo ito. Kaya ko minadali na magka-baby. Iyon nga lang I had my son at a very young age na wala akong kaalam-alam. Ang alam ko lang noon mag-enjoy.”
Ito ang pagkukuwento ni Eric na naniniwala siyang dahilan kung bakit hindi nagtagal ang pagsasama nila noon ng nanay ng anak niya.
Makalipas ang ilang taon ay muling nag-asawa si Eric. Siya ay nagpakasal at nagkaroon ng apat na anak. Pero sa kasamaang palad, tulad ng naunang relasyon ay nagkaroon din ng problema sa pagsasama nila ng misis niya.
Ngayon, si Eric at ang misis niya ay hiwalay na. Ang mga anak niya ay naiiwan sa pangangalaga ng kanilang ina. Si Eric naiwang nag-iisa.
Image screenshot from Eric Fructuoso’s IG acccount
Realizations ni Eric bilang isang ama
Sa kaniyang pag-iisa, kuwento ni Eric ay marami siyang natutunan. Higit sa lahat ay marami siyang na-realize sa kung paano magiging mabuting ama sa mga anak niya.
Sa edad na 44-anyos, ayon kay Eric, aminado siya sa mga mali niyang nagawa. Partikular na sa pagkukulang niya sa panganay niyang anak na si Tres na ngayon ay 23-anyos na at magiging isa na ring ama.
“I was proud of myself kasi nagising-gising na ako. Nagising na ako sa reality na, it takes a real man to admit his own fault, his own errors, his own flaws.”
Kuwento ni Eric, hindi man lumaki sa kaniya ang anak. Sinikap niya naman punan ang pagiging ama niya dito mula ng ito ay maging teenager niya. Dito niya ibinahagi ang parenting approach na ginawa niya sa anak na masasabi niyang naging effective naman.
BASAHIN:
John Lloyd Cruz on fatherhood: “Akala mo ready ka because you wanted it…”
Hands-on ba si Daddy? 8 ways kung paano siya nakakatulong sa development ng anak
Parenting style ni Eric Fructuoso
“Itong ginawa ko sa anak ko, sa panganay kong si Tres, ang napansin ko lang ang pagpapalaki ng magulang sa bata iisa lang eh.
Paulit-ulit lang eh. Huwag mong papayagan, o huwag kang lalabas, huwag kang pupunta sa ganito. Huwag itong mga taong ito ang sasamahan mo.
Over and over, every generation, ganun ang nangyayari. Pero ang nangyayari nagiging pasaway ‘yong bata.
Sabi ko iibahin ko ‘yong approach. Sabi ko anak kung di mo kayang makinig, ganito nalang, gawin mo gusto mo.
Huwag ka lang gagawa ng bagay na masasaktan kami ng lola mo. ‘Okay ba tayo? Sabi niya, Opo, Dad!’ edi tumino siya. Umayos siya.”
Nakakilala siya ng maayos na partner and now he’s on the right track. Doon proud ako sa ginawa kong ‘yon.”
Image screenshot from Eric Fructuoso’s IG acccount
Dagdag pa ni Eric, ang mga magulang ay dapat nag-lelead by example sa mga anak nila. Tulad niya ay tinigil niya ang mga bisyo niya tulad ng paninigarilyo para hindi umano tularan ng anak niya.
“Tinigil ko ‘yong paninigarilyo ko. Bakit? Mga anak ko huwag kayo maninigarilyo kasi hindi ako naninigarilyo.”
Ito ang sabi ni Eric.
Pagsubok na pinagdaanan ni Eric bilang isang ama
Tulad ng marami sa atin, ngayong pandemic ay dumaan din sa matinding pagsubok si Eric. Dahil sa mga lockdowns ay nawalan siya ng trabaho.
Dito mas naging masakit para kay Eric ang lahat dahil ilang buwan din umano ang lumipas na hindi siya nakabigay ng sustento sa mga anak niya.
Laking pasalamat niya nga umano sa mga mabubuting tao sa paligid niya. Mula sa maliit na negosyo na sinimulan niya sa halagang limang libong piso, ito ay lumago.
Siya ngayon ay may motor parts shop na nadagdagan pa ng food business na matagal niya ng pinapangarap. Ang dating pang-tuition na pinoproblema niya noon ay madali niya umano na naibibigay na sa mga anak niya ngayon.
Dagdag pa ni Eric, ang tagumpay niya ngayon ay hindi para sa kaniya. Ito lahat ay ginagawa niya para sa kaniyang mga anak.
“‘Yong feeling na dati na wala ka, tapos ngayon kapag maglalabas ka ng pera, ang sarap lang ng feeling na lahat ng ginagawa mo para sa anak mo, hindi yung para sayo.”
Lahat ng pakikisama ko sa tao, lahat ng tinatanim ko sa lahat ng tao na mabuti ang gusto kong umani mga anak ko. Di baleng wala ako sila na lang.”
Ito ang nasabi pa ni Eric.
Image screenshot from Eric Fructuoso’s IG acccount
Payo ng aktor sa mga mag-asawa
Dahil sa mga naranasan, may payo si Eric sa mga mag-asawa. Ayon sa kaniya, hindi paghihiwalay ang solusyon sa hindi pagkakasundo. Para sa mga anak, dapat daw ay gawin ng mag-asawa ang lahat para ayusin ang sarili nila.
“Itong hate na hate ko sa kapwa Pinoy. Hindi kayo nagkakasundo, maghiwalay na lang kayo. Kawawa ‘yong mga bata. Ganyan laging naririnig lahat ‘di ba?
Payo ng mga kaibigan. Hanggang sa na-realize ko hindi. Lagi kayong nag-aaway, ayusin ninyo sarili ninyo. Kawawa ‘yong mga bata.
Dapat ganun. Ayusin ninyo yung sarili ninyo. Kayo ‘yong may isip na, kayo yung umayos. Kawawa ‘yong mga bata.” sabi pa ng aktor.