John Lloyd Cruz, maraming naging realizations ng saglit na namaalam sa pag-aartista. Kuwento pa ni John Lloyd, hindi siya handa na maging ama bagama’t ito ay nagbigay sa kaniya ng kakaibang saya.
Mababasa artikulong ito:
- Pananaw ni John Lloyd Cruz sa pagiging ama.
- Co-parenting set-up nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna para sa anak na si Elias.
John Lloyd Cruz on fatherhood
Taong 2017 nang pansamantalang iwanan ng aktor na si John Lloyd ang pag-aartista. Ito ay sinundan ng mga balita na ito ay kaniyang ginawa upang bumuo ng pamilya kasama ang aktres na si Ellen Adarna na kung saan siya ay nagkaroon ng anak na pinangalanan nilang Elias.
Sa isang interview na ginawa ng TV host at reporter na si Karen Davila kay John Lloyd Cruz ay nagkuwento ito sa kaniyang saglit na pagkawala sa limelight ng pag-aartista. Nagbahagi rin siya ng kaniyang feelings at saloobin sa pagiging ama.
Pag-amin ni John Lloyd, bagama’t gusto niya ng maging ama, na-realize niya ng dumating ang anak na si Elias na siya pala ay hindi pa ready sa napakalaking responsibilidad na ito.
John Lloyd, hindi pa handa sa responsibilidad ng pagiging ama
“Tingin ko, isang bagay siya na akala mo ready ka because you wanted it.”
Ito ang pahayag ni John Lloyd tungkol sa pagiging ama niya sa anak na Elias Modesto na tatlong taong gulang na ngayon.
Dagdag pa ng aktor, noong una’y akala niya handang-handa na siya. Pero sa pagdaan ng panahon, habang lumalaki si Elias at mas nakikita niya ang malalim na responsibilidad ng pagiging magulang at ama, nagbago ang pananaw niya. Matapang niyang inaamin na siya pala ay hindi pa handa.
“It took me a while na para matanggap na akala mo ginusto mo, akala mo pinalano mo. But in reality especially ngayon, after tatlong taon iba.
And it won’t be as humbling kung talagang naplano mo. Paano mo naplano ‘yong ganoong bagay kasi it’s beyond words, describing how to being a father especially nung lumabas siya.
There’s no way na mayroong tao na naplano ‘yong ganoon ka-weird, ganoon karadikal na bagay. That’s a life. Buhay ‘yong lumabas because of your responsibility.”
Pero paliwanag ng aktor hindi siya natakot sa responsibilidad ng pagiging ama sa anak na si Elias
Image from John Lloyd Cruz official Facebook account
Paliwanag ni John Lloyd, bagamat na-overwhelmed siya sa responsibilidad ng pagiging ama hindi siya natakot dito. Ngunit inamin niya na sobra-sobra ito sa mga inakala at inaasahan niya.
“Hindi I didn’t get scared at all. I was scared to admit na parang uy! Medyo it’s a little bit too much than what I expected. Pero ‘yon yata ‘yon I think that’s the whole essence of it.”
Sa pagdating nga umano ng anak na si Elias ay marami siyang natutunan. At kung isasalarawan niya ang anak, ayon kay John Lloyd, si Elias ang pinaka-fascinating sa buhay niya ngayon. Pahayag ni John Lloyd,
“Probably the most fascinating thing in my life right now what I’m learning from him, what I learning about him. Galing eh!”
Kung mabibigyan nga lang umano ng pagkakataon ay gugustuhin ni John Lloyd na mas magkaroon ng maraming oras sa anak at maging active father para dito.
Pero sa estado ng relasyon nila ni Ellen na ngayon ay engaged to be married na sa aktor na si Derek Ramsey ay wala siyang magagawa. Kailangan nilang maghati sa oras sa pagiging magulang sa anak na kung saan tutuusin ay mas madalas umanong nakakasama ng kaniyang inang si Ellen.
John Lloyd Cruz ayaw maging imposing father sa anak
Image from John Lloyd Cruz official Facebook account
Pero bilang isang ama, ayon kay John Lloyd, lagi lang siyang nandyan para sa anak na si Elias. Kung may isang bagay nga umano siyang gustong matutunan nito, ito ay ang maging responsible para sa sarili niya.
Gawin ang mga bagay na gusto niya. Habang nandyan lang siya, bilang isang ama na nakaalalay at handang gumabay sa anak anumang oras.
“As a father ako, simple lang I guess I want to lead without imposing. Dito lang ako on the side I’m not gonna dictate on you. If anything, yun yung gusto kong ma-hone niya I want him to think for himself.”
Sa kabuuan, ayon kay John Lloyd, bagama’t siya’y hindi ready, perfect timing ang pagdating ni Elias sa buhay niya. At ito ang hindi niya pagsasawaang ipakita at iparamdam umano sa anak.
“Gusto ko lang makita niya and hindi mawala sa kanya na ‘yong timing niya sa buhay ko napakaganda!”
Ito ang pahayag pa ni John Lloyd cruz tungkol sa anak niya kay Ellen Adarna na si Elias Modesto.
BASAHIN:
LOOK: John Lloyd Cruz, namataan na namamalengke
6 co-parenting tips para sa mga mag-ex
Kylie Padilla: “Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.”
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna co-parenting relationship
Image from John Lloyd Cruz official Facebook account
Nito lamang Hunyo 27 ay ganap ng nag-tatlong taong gulang ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias. Ito ay magkahiwalay nilang ipinagdiwang kasama ang kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.
Matatandaang 2017 ng mapabalitang may relasyon sina Ellen at John Lloyd. Sinundan ito ng pagkawala ng aktor sa mukha ng telebisyon.
Sa pagdaan ng buwan at taon, napabalitang sila’y may anak na ngunit nanatiling tikom ang bibig nila ukol dito. Pati ang pagbabahagi ng mga larawan ni Elias noon ay pinipili nilang limitahan.
Hanggang sa nitong 2019 ay nabalitang naghiwalay na si Ellen at John Lloyd. Muling nagpakita si John Lloyd sa publiko at unti-unting bumabalik na ngayon sa pag-aartista.
Kasabay nito ang proud niya ring pagbabahagi ng mga moments kasama ang anak niyang si Elias na pinapalaki nila ngayon ni Ellen sa pamamagitan ng co-parenting set-up na napagkasunduan nila.
Source:
YouTube
Photo:
Image from John Lloyd Cruz official Facebook account
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!