LOOK: John Lloyd Cruz, namataan na namamalengke

LOOK: John Lloyd Cruz, namataan na namamalengke

Excited ka narin bang makita ulit si John Lloyd sa big screen? Mukhang ito na ata ang mga palatandaan na magbabalik na siya.

John Lloyd Cruz News: Ang mga sightings kay Popoy ng pelikulang Pilipino?

John Lloyd Cruz News

Sa isang larawang kumakalat sa Facebook ay makikita ang actor na si John Lloyd Cruz na namimili ng isda sa isang palengke sa Cebu.

Hindi naman magkamayaw ang mga fans na nakakita sa actor para magpalitrato. Lalo na’t lumabas ng muli ang kagwapuhan nito dahil bahagya ng nabawasan ang kaniyang mahabang buhok at balbas.’

Dahil sa kumalat na larawan ng actor sa Cebu, ay marami tuloy tanong ang nabubuo sa isip ng kaniyang mga taga-hanga, nagkabalikan na nga ba si John Lloyd Cruz at si Ellen Adarna? At babalik na nga bang muli ang actor sa pag-aartista dahil sa new look nito?

Tikom parin ang bibig nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa estado ng relasyon nila. Ngunit ayon sa isang source ng isang beteranong kolumnista nagkabalikan na ang dalawa.

"Halatang nagkausap nang masinsinan ang mag-partner dahil nakitang nagpagupit na si John Lloyd at nag-ahit ng kanyang balbas. Hindi na siya mukhang ermitanyo ngayon”, pahayag ng kolumnista.

Iba pang sightings kay John Loyd Cruz

Bago pa man kumalat ang larawan ng actor na namamalengke sa Cebu ay makikita rin ang isa pang larawan ng actor sa Instagram na may kargang batang lalaki kasama ang dalawa niyang fans. Pinaniniwalaang ang batang ito ay anak niya na si Elias sa aktres na si Ellen Adarna.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Lloydie ? ? Courtesy to Owner #JohnLloydCruz

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on

Hindi rin mapigilan ng iba pang fans ng actor na ibahagi ang ilan pang close encounter nila kay John Lloyd Cruz na talagang pinanindigan ang pagiging simple niya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

? #JohnLloydCruz

A post shared by Idan & Tisay ? (@lloydiebeaforever) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Hi Pogi ?? #JohnLloydCruz #simplengbuhay

A post shared by Idan & Tisay ? (@lloydiebeaforever) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Poy pataba ka na ulit ?Ituloy na ang DP kasama si Idan juskooo ? Makibaka wag matakot! lol #JohnLloydCruz ctto

A post shared by Idan & Tisay ? (@lloydiebeaforever) on

Sa ngayon ay wala pang kompirmasyon kung magbabalik na nga ba sa pag-aartista si John Lloyd Cruz. Pero isa lang ang sigurado, maraming fans at Pilipino ang nag-aabang sa muling pagbabalik ng aktor.

Source: ABS-CBN ,The Philippine Star

Basahin: Ellen Adarna, nag-file diumano ng TPO laban kay John Lloyd Cruz

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner