LOOK: Scarlet Snow kasama ang anak ni John Lloyd Cruz?

LOOK: Scarlet Snow kasama ang anak ni John Lloyd Cruz?

Narito ang pagsasama ng dalawang cute na cute na bata na sina Scarlet Snow at Elias Modesto.

John Lloyd Cruz son, ipinakilalang bagong kalaro ng batang influencer na si Scarlet Snow Belo. Ito ang ibinalita ng isang artikulo ng ABS-CBN News. Ang tinutukoy na anak ni John Lloyd Cruz? ay si Elias Modesto, ang anak ng sexy actress na si Ellen Adarna na ipinangalan sa great grandfather niya na si Alan Modesto.

Scarlet Snow with John Lloyd Cruz son

Sa isang Instagram post ay ibinahagi nga ni Scarlet ang pagkakakilala at bonding nila ni Elias. Ayon sa kaniyang post ay very cute daw si Elias at willing siyang maging ate nito. Tinawag niya nga itong “Smiley Elias” dahil lagi daw itong nakangiti.

“I found a very cute boy I can play big sister to. I call him ‘Smiley Elias’ because he’s always smiling.”

Ito ang caption ng larawan ni Scarlet Snow at Elias ng magkasama.

Bago pa man lumabas ang larawan ng bonding ni Scarlet at Elias ay nauna ng ibinahagi ni Scarlet ang encounter nila ng kaniyang new found friend umano na si JL. At ito ay ang aktor na si John Lloyd Cruz. Sa caption ng video na ipinost ni Scarlet ay ito ang nasabi niya.

“I made a new friend today. He’s pretty good with kids. His name is JL. Do you know him?”

Sa unang parte ng video ay maririnig ang actor na si John Lloyd Cruz na nakikipag-usap kay Scarlet tungkol sa mga wild animals. Hanggang sa naisipan nito na mukhang handa na si Elias na makipaglaro.

“I think Elias is ready to play? You want to play with him?"

Ito ang maririnig na sinabi ng actor sa bandang dulo ng video na sinagot naman ni Scarlet ng “yes”.

Reaction ng mga netizens

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang muling pagpapakita ng mailap na actor na si John Lloyd Cruz sa publiko. At lalo na ang naging pagsasama nina Scarlet at Elias na kung saan wiling-wili ang mga netizens sa kakyutan ng dalawa.  Ito nga ang ilan sa naging komento ng mga netizens sa larawan ni Elias at Scarlet na magkasama.

“Super adorable Elias and Scarlet.”

“Both cute..lovely scarlet..& handsome elias?”

“Love this two adorable kids, Scarlet Snow and new baby heartthrob Elias Modesto...yeheey??”

Pagbabalik ni John Lloyd Cruz

Ang bonding ni Scarlet at Elias ay naganap sa Kyoto, Japan na kung saan ginanap ang kasal ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro at long-time girlfriend nitong si Tanya Bautista. Sa kasal ng dalawa ay present ang actor na si John Lloyd Cruz na nagbigay pa nga ng nakakatuwang mensahe sa bagong kasal.

Sa kaniyang mensahe ay mararamdaman kung gaano ang pagkawili ni John Lloyd Cruz sa mga bata.

“Gawa kayong baby, pare. Gawa kayong maraming baby. Masaya. Parang iyon ang magpapaganda sa mundo ... maraming babies para palitan ‘yong mga katulad natin”

Ito ang pabirong mensahe ng aktor sa TV host at kaibigan niyang si Vhong Navarro.

www.instagram.com/p/B5aUBexnsWU/

Ang mensahe na ito ay na-record at ibinahagi ni Dra. Vicki Belo na tumayo namang godmother sa bagong kasal nina Vhong at Tanya. Kasama niya ngang dumalo sa kasal ay ang long-time partner nitong si Hayden Kho at anak na si Scarlet Snow.

Si Dra. Vicki Belo at si Hayden Kho ang sinasabing naghahandle ng social media accounts ng anak nilang si Scarlet Snow.

Samantala, magpa-hanggang ngayon ay hindi parin deretsahang inaamin ng aktor na si John Lloyd Cruz na siya ang ama ni Elias Modesto. Ngunit, sa mga pagkakataong makikita ang dalawa na magkasama ay makikita sa mga mata ng aktor ang saya at ligaya ng isang ama sa tuwing kasama ang anak niya.

Labis naman ang saya ng mga fans ng aktor sa muling pagpapakita niya. At ang hiling nga ng nakakarami sana ay magbalik na siya.

Source: ABS-CBN News

Basahin: John Lloyd at Ellen, nag-Bagong Taon sa Disneyland kasama ang kanilang anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner