LOOK: Erich Gonzales, ikinasal na nga ba?

Aktres na si Erich Gonzales ikinasal na nga ba sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Lorenzo. Alamin dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikinasal na nga ba ang aktres na si Erich Gonzales sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Mateo Lorenzo? Alamin dito. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Ikinasal na nga ba si Erich Gonzales at Mateo Lorenzo
  • 4 tips para sa mga bagong kasal 

Ikinasal na nga ba si Erich Gonzales at Mateo Lorenzo

Matatandaang noong nakaraang buwan kumalat ang weddings banns nina Erich at Mateo. Bagama’t wala pang opisyal na pahayag si Erich kung ikakasal na nga siya nang kumalat ang wedding banns nila ay marami mga netizen ang natuwa sa kanilang nabalitaan. 

Sa kumalat na wedding banns ng dalawa, nakatakda silang magpakasal ngayong araw, ito umano ay gaganapin sa St. James The Great Parish sa Ayala, Alabang Village, Muntinlupa City, kung saan nakuhaan ang kanilang wedding banns.

Ngayong araw napabalitang kasal na nga ang aktres na si Erich nang ibinahagi ni Andres Lorenzo, kamag-anak ng kaniyang boyfriend ang picture nina Erich at Mateo sa simbahan. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni  Andres Lorenzo

Matatandaang noong 2017 ibinahagi ni Kris Aquino na mayroong manliligaw si Erich Gonzales na hindi taga showbiz. 2018 naman nang kinumpirma ni Erich na siya nga ang manliligaw na isa ngang non-showbiz. Nakasama pa niya umanong magbakasyon sa Japan. 

Larawan mula sa Instagram account ni Erich Gonzales

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit noong mga panahon na iyon ay hindi pinangalanan ni Erich kung sino nga ba ang kaniyang manliligaw, pero ibinahagi niya na kapatid ito ng kasintahan ni Claudia Barretto na si Basti Lorenzo. 

Nais kasing panatilihin ni Erich ang relasyon nila kaya mas pinili niya na hindi ibahagi kung sino ang nagpapaligaya sa kaniyang buhay pag-ibig. Pagbabahagi niya, 

“I think it’s for the best. I want to protect something so precious to me, something beautiful. And I don’t want to ruin it so sa akin na lang iyon.”

Larawan mula sa Instagram account ni Erich Gonzales

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero ngayon nga ay ibinahagi ni Andres Lorenzo sa kaniyang Instagram account sa pamamagitan ng isang IG story na ikinasal na ang aktres kay Mateo Lorenzo.

Si Mateo Lorenzo ay isang anak ni Martin Ignacio Lorenzo na kilalang serial industrialist sa bansa. Siya ay isa sa labindalawang anak ni Martin, na nagmula sa pamilyang nagmamay-ari ng Del Monte Philippines. 

Katulad ng kaniyang Tatay, si Mateo rin ay kilala ring businessman sa bansa at marami rin siyang negosyo. 

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kay Erich Gonzales o kay Mateo Lorenzo kung sila nga ba ang kasal na. 

BASAHIN: 

LOOK! Dimples Romana pregnant sa kaniyang 3rd baby

After 18 years bilang magkarelasyon, Aubrey Miles at Troy Montero engaged na!

LOOK! Angelica Panginiban pregnant sa kaniyang 1st baby

4 tips para sa mga bagong kasal 

Dahil kayo ay kasal na ay may mga dapat din kayong paghandaan. Hindi lamang kasal ang pinaghahandaan kundi at pagsasama habambuhay sa iisang bubong. Kaya narito ang ilang tips para mga bagong kasal. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Gawing tahanan ang inyong bahay 

Hindi magiging tahanan ang isang bahay kundi hindi ito nabubuo ng pagmamahalan. Hindi ibig sabihin na kasal na kayo ay automatic na mayroon na kayong tahanan. Lumikha ng mga memories at mag-spend ng oras sa isa’t isa. 

Kayo ang bubuo ng inyong tahanan kung saan punong-puno ng pagmamahal at mga alaala ng inyong pagsasama. Mas maganda rin na gumawa kayo ng space niyong dalawa sa loob ng inyong bahay para makapag-bonding.  

Halimbawa na lang may space kayo para makapanuod ng movie bukod sa inyong bedroom. 

2. Tandaang may mga pagkakataong mag-aaway talaga kayo

Sa isang pagsasama hindi talaga maiiwasan at mawawala ang hindi pagkakaintindihan o mga pag-aaway. Pero bilang mag-asawa lagi niyong tandaan na matutong magpatawad at maging mapagkumbaba.

Isa pang tip ay lagi dapat kayong nag-a-adjust sa isa’t isa. Bilang bagong kasal at magkasama na sa bahay marami pa talaga kayong adjustment sa isa’t isa. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lagi ring maging open sa isa’t isa lalo na kapag may problema kayo. Mas maganda ang mayroon maayos na komunikasyon sapagkat kapag meron nito ay madaling na lamang maayos ang inyong mga problema. 

3. Alagaan ang sarili, ganun din ang isa’t isa 

Hindi ibig sabihin na kasal na kayo, at hindi niyo na pagtutuunan ng pansin ang inyong mga sarili. Sapagkat paano tayo magmamahal kung hindi natin minamahal ang sarili natin? Mas kaya nating mas mahalin ang iba o ang ating asawa dahil mahal natin ang ating sarili. 

Kaya naman mahalaga rin na maglaan pa rin ng oras sa self growth at self happinees. Katulad ng mga hobbies ninyong dalawa. Sa kabilang banda, dapat din na alagaan natin ang ating mga asawa.

Hindi lamang sa pagsisilbi sa kaniya o pag-provide ng mga finances kundi sa pagpapakita lagi ng pagmamahal at pagiging concern sa kanila. 

4. Palaging gumawa ng adventure kasama ang isa’t isa

Sinasabi ng iba na sa una lamang umano ang kilig at sweetness ng mga mag-asawa, lalo na sa mga bagong kasal. Pero magiging sa una lang ito kung hindi kayo nag-e-effort na dalawa para sa inyong love sa isa’t isa. 

Hindi ibig sabihin na kasal na kayo o magkakaroon na kayo halimbawa ng anak, na isang panibagong responsibiliad at hindi na kayo maglalaan ng oras para sa quality time niyo. 

Gumawa ng mga panibagong adventures na magkasama, pwede kayong mag-hiking, mag-date, o mag-discover ng mga lugar na magkasama. Sa ganitong paraan lalong titibay ang inyong pagsasama. 

Ang pag-aasawa ay talaga namang napakalaking step sa dalawang nagmamahalan, marami kayong mapagdadaanang pagsubok pero tandaan na kahit anong pagsubok ang dumating ang mahalaga ay mahal ninyo at isa’t isa at mayroon kayong magandang komunikasyon. 

 

Sinulat ni

Marhiel Garrote