Narito ang espesyal na relasyon ng ina sa anak na babae at kung bakit mahalaga ito sa buhay ng iyong anak habang siya ay lumalaki.
Mababasa sa artikulong ito:
- Espesyal na relasyon ng ina sa anak, ayon sa mga pag-aaral
- Payo sa mga ina para sa pagpapalaki sa kanilang anak na babae
Espesyal na relasyon ng ina sa anak, ayon sa mga pag-aaral
Ayon sa mga pag-aaral, hindi lang basta paggabay at pangangalaga, may espesyal na relasyon ang ina sa kaniyang anak na babae. Ang relasyon na ito’y mayroong malaking impact sa kaniyang pagkatao. Ang mga ito’y ang sumusunod.
1. Ang closeness at support mula sa isang ina ay nakakaapekto sa self-esteem o pagpapahalaga sa sarili ng kaniyang anak na babae.
Ayon sa mga pag-aaral, ang closeness ng ina sa kaniyang anak na babae ay may malaking papel na ginagampanan sa development ng self-esteem ng anak niya. Kung mas close o positive ang relasyon ng mag-ina ay mas mataas ang level ng self-esteem ng anak niya.
Mas din na magkakaroon ito ng healthy body image. Kung sila naman ay may conflictual relationship, mataas ang tiyansa na lumaki siyang may mababang level ng self-esteem. Magkakaroon din siya ng mataas na level ng insecurities sa physical appearance niya. Ganito rin ang maaring maging epekto kapag lumaking malayo ang loob ng anak na babae sa kaniyang ina.
Paliwanag ng isang pag-aaral, ito ay dahil ang mga taong may mataas na self-esteem ay naniniwala na sila ay karapat-dapat sa pagmamahal at support mula sa mga tao sa paligid nila. Partikular na sa kanilang anak na babae na tinitingnang modelo ang kaniyang ina habang siya ay lumalaki.
2. Mas confident ang isang ina sa kaniyang sarili, mas magiging confident din ang anak niyang babae kapag ito’y lumaki.
Kaugnay pa rin sa unang halimbawa ng espesyal na relasyon ng ina sa anak na babae, sinasabi ng mga pag-aaral na kung ang isang ina ay confident sa kaniyang katawan at sarili, mataas ang tiyansa na makuha rin ito ng kaniyang anak na babae.
Kung ang ina naman ay ikinahihiya ang kaniyang katawan ay mataas rin ang tiyansa na magkaroon ng negative body image ang anak niya. Tulad na lang halimbawa sa naging resulta ng isang pag-aaral na nai-report sa Wall Street Journal.
Ayon sa pag-aaral, natuklasan na 80% ng batang edad sampung taong gulang ang nagsisimula ng mag-diet. Ito ay dahil sa nakikita nila ito sa mga nanay nila. Isang pag-aaral rin ang nakapagsabi na mas nagiging conscious o nag-woworry na ang mga batang babaeng edad 5 taong gulang sa kanilang body image. Ito ay dahil sa ina nilang paulit-ulit na nagrereklamo na sila ay mataba at hindi na maganda.
Kaya naman payo ng mga pag-aaral sa mga ina, ipakita sa inyong anak na babae ang katawan nating mga babae ay acceptable o katanggap-tanggap anuman ang itsura nito. Gawin ito sa pamamagitan ng pagiging satisfied o confident sa katawan ninyo.
Hangga’t maaari ay iwasan ang mga negatibong komento sa sarili mong katawan. Mahalin ito at i-appreciate na makikitang magandang halimbawa ng anak mo/ Para mas maging confident siya sa kaniyang sarili at mabawasan ang kaniyang insecurity.
Dapat din ay maging mabuting halimbawa upang lumaking healthy ang anak. Kumain ng masusustansyang pagkain, matulog ng sapat at mag-ehersisyo na kung saan maaring gamiting quality time ninyo ng anak mo.
Photo by Kamaji Ogino from Pexels
3. Ang presensya ng ina ay nakatutulong para ma-handle ng kaniyang anak na babae ang negative emotions na nararamdaman niya.
Ayon sa isang 2017 study, ang maternal support ay nakakatulong para ma-comfort ang mga anak na babae. Nakakatulong ito para maiwasan silang ma-frustrate o ma-distress sa isang sitwasyon.
“By maternal support, we mean behaviors like validating the child’s experience. As well as comforting the child and providing reasons for parental requests. Depending on the context, support might also mean distracting the child away from the situation that is causing him or her to feel frustrated or distressed.”
Ito ang paliwanag ni Niyantri Ravindran. Siya ay estudyante sa Human Development and Family Studies sa University of Illinois na bahagi ng ginawang pag-aaral.
Halimbawa nito ang ginawa ng isang pag-aaral na kung saan naipakita kung paano naapektuhan ng presensya at physical connection mula sa ina ang stress level ng anak niyang babae.
Sa ginawang pag-aaral na kung saan kinailangang magbigay ng 3-minute impromptu speech ang mga teenage girls nakitang ang mga batang babae na hawak-hawak ang kamay ng kanilang ina habang nagsasalita ay nagpakita ng mas mababang level ng anxiety.
Ito ay kumpara sa mga teenage girls na nagsalita na kung saan present ang kanilang ina ngunit malayo sa kanila. Kaya naman konklusyon ng pag-aaral, ang physical touch mula sa isang ina ay nakakatulong para maprotektahan ang emosyon ng anak niyang babae.
BASAHIN:
Kailan dapat mag-alala sa temper tantums ng mga bata?
AlphaMom Georgina Wilson Shares How to Raise Smart Children
Mga lehitimong anak, legal o pupwedeng gamitin ang apelyido ng kanilang ina
Kaya panatilihin ang positibo at espesyal na relasyon ng ina sa anak na babae ninyo. Para sa kaniyang maayos na paglaki at pagtatagumpay sa buhay.
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
4. Ang authoritative parenting approach ng mga ina ay nakakatulong upang lumaking may positibong tingin sa kaniyang sarili ang mga anak na babae.
Ayon pa rin sa mga pag-aaral, ang authoritative parenting approach ng mga ina o ang pagiging warmth at sensitive na pagpapalaki sa kaniyang anak na babae ay nakakatulong din upang siya ay lumaking confident, friendly at independent. Naiiwasan din na magkaroon siya ng mental at behavioral health problems.
Maiiugnay rin ito sa naging resulta ng isa pang pag-aaral. Ayon sa pag-aaral, ang pag-i-ignore sa behavior ng isang bata ay maaaring maging dahilan upang mapigilan siyang matututunan kung paano niya ima-manage ang emosyon niya. Mahihirapan din siyang kontrolin ang emosyon niya kung lagi siyang nate-threaten o pinaparusahan.
5. Ang mataas na expectations o pagtitiwala ng ina sa kakayahan ng kaniyang anak na babae ay nagpapataas ang tiyansa na maging successful ito.
Base pa rin sa isang pag-aaral, ang pagtitiwala ng ina sa kakayahan ng kaniyang anak na babae ay nagiging dahilan upang ito ay magkaroon ng maayos na kontrol sa kaniyang buhay. Napatunayan ito ng pag-aaral, matapos pag-aralan ang grupo ng mga anak na babae na higit 20 taong gulang na.
Natuklasang ang mga inang nagtiwala sa kakayahan ng kanilang anak at nag-predict na makakatapos ito ng pag-aaral ay nagkatotoo nga. Ito ay sa kabila ng iba pang factors tulad ng ethnicity, career choice at intellectual ability.
Pati na rin ang mental health problems, socio-economic status, at parental family structure. Pahayag ng pag-aaral, ganito ang ginagawang epekto ng pagtitiwala ng isang ina sa kaniyang anak na babae. Upang mas ma-boost ang confidence at lakas ng loob nito.
Love photo created by pressfoto – www.freepik.com
Ang pagmamahal nating mga ina ay napakahalaga para sa ating mga anak. Ang suporta natin at pagtitiwala ay ang pinagkukunan nila ng lakas ng loob at tiwala sa kanilang sarili. Tayo rin ang tinitingnan nilang modelo na kanilang tinitingala at tinutularan.
Kaya panatilihin ang positibo at espesyal na relasyon ng ina sa anak na babae ninyo. Para sa kaniyang maayos na paglaki at pagtatagumpay sa buhay. Gayundin para maging confident ang iyong anak na babae at malabas niya ang kaniyang mga potensiyal sa kaniyang paglaki.
Source:
Science Direct, Science Daily, Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!