Ganap nang mag-asawa ang kilalang host at comedian na si Sam YG sa kaniyang non-showbiz girlfriend na si Essa Santos. Tignan ang mga detalye sa kanilang kasal dit0.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sam YG at Essa Santos Wedding
- Mga dapat paghandaan sa pagpapaksal
Sam YG at Essa Santos Wedding
Sa post ni Sam YG, ibinahagi niya ang mga larawan kuha ng photographer na si Pat Dy sa kaniyang Instagram account. May caption ito na,
“Who knows where we’ll go or what tomorrow will bring but we’ll always have each other.”
Ibinahagi naman ng kabigan ni Sam ang isang video mula sa kanilang kasal na si Dj TonyToni,
View this post on Instagram
Makikita sa video na masayang-masaya ang dalawa habang papalabas ng simbahan matapos ang kanilang pag-iisang dibdib. Sinalubong sila ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan. Makakikita ang ligaya ng kanilang mga kaibigan at kapamilya sa pag-iisang dibdib nilang dalawa.
Ibinahagi rin ni Sam sa kaniyang Instagram stories ang mga snaps ng kaniyang mga kaibigan at mahal sa buhay sa kasal nila ni Essa.
Matatandaang bago ang kanilang kasal ay nagbahagi ang dalawa ng kanilang mga prenup pictures sa kani-kanilang Instagram account.
Ito lamang ang ilan sa larawan mula sa kanilang prenup photoshoot. Makikita na sa kanilang prenup photos ay nakasuot din ang dalawa ng traditional na damit mula sa India. Si Sam YG rin kasi ay isang Indian national.
Ayon naman sa pahayag ni Sam patungkol sa kanilang wedding ni Essa Santos sa PEP, sinabi nitong ang kanilang kasal ay magiging intimate wedding ito.
“For our wedding, we plan to do an intimate wedding, you know, just the people that really mean a lot to you.”
“It’s gonna be an intimate wedding, just family and friends in a garden.”
Ginanap ang kanilang kasal sa Tagaytay.
Naging magkasintahan sina Essa Santos at Sam YG taong 2018, at January 2021 ay nag-propose si Sam kay Essa.
BASAHIN:
Glaiza de Castro at asawang si David Rainey magpapakasal ulit dito sa Pilipinas
Elisse Joson kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni McCoy de Leon: “Priorities first, ipon first”
Mga dapat paghandaan sa pagpapaksal
Sa mga nais magpakasal, iniisip natin ano nga ba dapat ang mga paghahanda o dapat nating paghandaan kapag tayo’y ikakasal na? Inilista namin ang ilan sa mga dapat paghdaan kapag gusto niyo nang magpakasal. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ipon
Kung nagnanais nang mag-propose sa iyong kasintahan maganda na may ipon ka para paghandaan ang inyong pagsasama at pagpapakasal. Kung napagkasunduan niyo namang magpakasal na dapat ding may ipon kayong dalawa para sa inyong kasal.
2. Budget plan
Siyempre bukod sa ipon, dapat mayroon kayong budget plan. Sa ganitong paraan makokontrol niyong dalawa kung ano ang mga gagastusin niyo, lalo na kung hanggang saan lamang at dapat niyong gastusin. Mainam ito para rin makatipid kayo.
Mahalaga na paghandaan ang venue, pagkain, damit, at give aways sa inyong kasal. Isama niyo na rin sa inyong budget ang mga photographer o video grapher na magka-capture sa inyong memorable moments sa inyong kasal.
Mas maganda rin na mag-canvass muna ng mga catering o venue para malaman niyo ang price range na swak sa inyong budget. Pati na ang paghahanap o pagpapatahi ng mga damit.
3. Lugar at klase ng wedding na gusto ninyo
Mainam din na pag-usapan niyong dalawa kung ano ba ang wedding na gusto niyo, pwede itong civil wedding, church wedding, garden wedding, o ‘di naman kaya’y beach wedding. Sa ganitong paraan din mapaghahandaan ninyo ang mga gagastusin niyong dalawa sa inyong kasal.
4. Mga iimbitahin
Bago ang inyong kasal, maganda na maglista na kayo kung sino ang mga iimbitahin ninyo sa inyong kasal. Para na rin malaman niyo ang estimate ng inyong gagastusin lalo na sa pagkain o catering.
Piliing mabuti ang mga magiging kasama sa inyong entourage, lalo na ang inyong mga ninong at ninang pati na ang inyong mga abay.
5. Paghandaan ang future niyong dalawa
Ang wedding ay isang araw lamang ginaganap pero higit dito dapat niyong paghandaan ang inyong pagsasama bilang mag-asawa. Kaya naman dapat handa kayo parehas psychically, emotionally, mentaly, at psychologically para sa inyong pagsasamang dalawa.
Sapagkat hindi naman talaga biro ang pagpapaksal at pagbubuo ng pamilya. Isa niyo na dapat din handa kayo financially sa pagbuo ng pamilya lalo na kung nagnanais kayong magkaroon ng anak agad.
Tandaan hindi lamang dapat wedding day ang pinaghahandaan kundi pati na rin ang inyong pagsasama habambuhay.