Essential Oils Para Sa Baby: Safe Ba Ito At Paano Gumamit?

Nagbabalak gumamit ng essential oils kay baby? Dapat mo na munang malaman ang peligrong maaring maidulot ng maling paggamit nito. | Image by Javi Indy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga risk ng paggamit ng essential oils para sa baby at ang mga paraan kung paano maiwasan ang mga ito.

Image from Freepik

Essential oils para sa baby

May ilang pag-aaral na ang nagpatunay sa benepisyong naibibigay ng mga essential oils sa matatanda. Pero ayon sa pediatrician na si Dr. Justin Smith mula sa Worth, Texas kokonti lang dito ang nakapagpatunay ng mga benepisyong naibibigay ng essentials oils para sa baby. Tulad ng ang pagkakalanghap nito ay nagdudulot ng calming effect sa mga maliliit na bata. Ang pagpapahid nito sa balat ay nakakatulong upang malunasan ang acne, lice, warts at sakit ng tiyan. Pero mariin na pahayag ni Dr. Smith wala pa daw mga ebidensyang nagpapatunay na ang mga essential oils ay nakakatulong upang maibsan ang sintomas ng lagnat, ubo, congestion, allergies at teething symptoms sa mga baby.

“There are few human studies, and they are mostly small and of low quality.”

Ito ang pahayag ni Dr. Smith tungkol sa mga isinagawang pag-aaral na tumutukoy sa benepisyo ng paggamit ng essential oils para sa baby.

Bagamat sinasabing ang mga essentials oil ay natural at hindi daw nagdudulot ng side effects, hindi umano ito totoo ayon kay Dr. Smith. Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Dr. David Stukus, isang pediatrician na mula sa Columbus, Ohio.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Risk ng paggamit ng essential oils

Image from Snotty Nose

Ayon kay Dr. Stukus, ang mga essential oils ay maaring magdulot ng irritation sa upper at lower airways. Lalo na sa mga nakakaranas ng chronic medical conditions na asthma o allergy mapa-bata man o matanda.

Mas malaki nga umano ang tiyansa na makaranas ng side effects ang mga bata sa paggamit ng essential oils kaysa sa matatanda. Dahil sa nag-dedevelop pa ang mga organs sa kanilang katawan. Tulad ng kanilang livers at kidney na less efficient pa sa pag-proprocess ng mga compounds. Ito ay ayon kay Dr. Wendy Weber, isang physician at researcher mula sa NIH.

“They are still developing, which makes their brains and other systems more sensitive to potential toxicity from essential oils”, pahayag ni Dr. Weber.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa ito sa dahilan kung bakit inirekumenda ng American Association of Naturopathic Physicians o AANP ang hindi paggamit ng essential oils sa mga sanggol na 3 months old pababa. Habang ang mga major medical organizations na American Academy of Pediatrics at American Academy of Family Physicians ay hindi inirerekumenda ang paggamit nito sa mga bata.

Dahil ang maling paggamit ng essential oils para sa baby ay may kaakibat umanong peligro.

Peligrong maaring maidulot ng essential oils para sa baby

Ilan nga sa naitalang peligrong naidulot ng essentials oils sa mga baby at maliliit na bata ay aksidenteng pagkakainom ng mga ito. O kaya naman ay ang aksidenteng pagkakatapon nito sa kanilang balat o pagkakalagay sa kanilang mata. Ang mga ito ay pawang delikado dahil ang pagkakapahid ng matapang na essential oils sa balat ay maaring magdulot ng chemical burns o iritasyon. Habang ang pagkakainom, naman nito ay nakakamamatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulad ng isang kutsarita ng camphor oil na kapag aksidenteng nainom ng isang bata na 5 taon pababa ay maaring mag-dulot ng seizures sa kaniya. Ang aksidenteng pagkakainom naman ng wintergreen oil sa mga bata ay maaring magdulot ng labored breathing at lagnat. O kaya naman ay organ failure na maaring mauwi sa pagkamatay. Habang ang mga essential oils tulad ng eucalyptus, lavender at tea tree oils ay maari namang magdulot ng sedation at hirap sa paghinga sa mga sanggol at maliliit na bata. Pero ang mga ito ay dahil sa maling paggamit ng essential oils na dapat bigyang pansin ng mga magulang.

“The exposures we see are almost all in children and almost all accidental because essential oils aren’t always stored properly. They need to be kept up and out of the reach of children.”

Ito ang mga pahayag ni Nena Bowman, pharmacist at managing director ng Tennessee Poison Center sa USA.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag naman ni Dr. Smith, maliban sa risk na nabanggit, ang paggamit ng mga essentials oil para sa baby ay nagdudulot ng delay sa medikal na atensyon na kanilang kailangan kapag sila ay may sakit o nararamdaman. Ang resulta hindi agad nalulunasan ang kanilang sakit at ito ay mas lalong lalala pa.

Image from Freepik

Tamang paggamit ng essential oils para sa baby at maliliit na bata

Pero ayon naman kay Dr. Anne Esparham, pediatrician mula sa Kansas City, kung gusto talagang gumamit ng essentials oils para sa baby o iyong anak ay mabuting i-konsulta muna ito sa iyong doktor. At higit sa lahat ay sundin at tandaan ang mga paraang ng tamang paggamit nito.

  • Mas mainam na i-diffuse ang essential oil sa hangin kaysa i-apply ito sa balat. Ngunit hindi ito dapat gawin sa mga sanggol na 6 buwang gulang pababa. Para sa mga batang mas matanda ang mga essential oils tulad ng cedarwood, ginger o sweet orange ay ligtas gamitin. Ngunit dapat ito ay hanggang sa isang oras habang may kasama o nagbabantay na adult.
  • Maaring gumamit ng mga essential oils tulad ng chamomile at cypress sa balat ng batang 3 taong gulang pataas. Ngunit ito ay dapat munang i-dilute o ihalo sa 3-6 drops ng carrier oil tulad ng jojoba o almond oil.
  • Magsagawa muna ng patch test bago gumamit ng diluted oils sa balat ng isang bata. Ito ay upang masigurado na hindi ito magdudulot ng iritasyon sa balat. Gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng maliit na amount ng oil sa balat. At saka maghintay ng 24 oras sa magiging reaskyon nito.
  • Iwasang mapunta ang oil sa mata, ilong o bibig ng sanggol. Huwag din itong i-apply sa mga batang may sensitive na balat tulad ng nakakaranas ng eczema o iba pang skin conditions.
  • Huwag gumamit ng citrus oils sa balat tulad ng lemon o orange. Dahil sa ito ay nagrereact sa UV rays na mula sa araw at maaring magdulot ng rashes, paso at skin discoloration.
  • Hindi dapat ihalo ang essential oils sa tubig pampaligo ng isang bata. Dahil sa ito ay maaring maka-iritate sa balat at aksidenteng mainom.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Iba pang dapat isaisip at tandaan sa paggamit ng essential oils

  • Iwasan ang paggamit ng synthetic oils dahil sa mas marami ang side effects na idinudulot nito.
  • Itabi ang essential oils sa cool at dry na lugar. Ilayo ito sa lugar na direktang matatamaan ng araw at maabot ng mga bata.
  • Sa oras na makaranas ng iritasyon sa balat, sakit ng ulo, ubo at pagsusuka ang isang bata dahil sa paggamit ng essential oils ay agad na tigilan ang paggamit nito. Kung mas lumala ang sintomas na nararanasan ng bata kahit na tumigil na sa paggamit ng essential oils at nahirapan narin siyang huminga ay dalhin na agad sa doktor ang bata.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Source:

Healthline, Medical News Today, New York Times

Also read: Pagpahid ng baby oil at manzanilla, maaring pagmulan ng pneumonia at ibang sakit