Sa edad na 43, successful na ipinanganak ni Ethel Booba ang kanyang unang baby. Inanunsyo niya ito sa kanyang Twitter account.
Unang baby ni Ethel Booba ngayong 43 na siya | Image from Ethel Booba on Twitter
Ethel Booba first baby
Noong February 14, araw ng mga puso, masayang ibinahagi ng singer-comedian na si Ethel Booba ang video ng kaniyang first baby sa kanyang Twitter account na may caption na:
“Hello daw sa inyo sabi ni Baby Michaela, my Little Booba. Charot!”
twitter.com/IamEthylGabison/status/1233295324791263232
Sa video, makikita ang pagka-cute na cute na si baby Michaela. Tahimik itong natutulog ngunit makikita ring pasimple itong ngumingiti na tila maganda ang pinapaginipan.
Matatandaang unang pinasilip ni Ethel sa kanyang Instagram account ang kanyang ultrasound na may mukha ng kanyang baby habang hawak ng kanyang non-showbiz boyfriend si Jessie Salazar.
Dito nagkaroon ng ideya ang publiko na babae ang unang anak ni Ethel at may pangalan itong Michaela.
Unang baby ni Ethel Booba ngayong 43 na siya | Image from Ethel Booba on Instagram
Ethel Booba Pregnancy
Ayon sa isang interview ni Ethel sa Magandang Buhay, unexpected talaga ang kanyang pagbubuntis. Wala daw kasi sa kaniyang plano ang magkaroon ng baby. Dahil na rin sa mga inaalagaan at pinapag-aral nitong mga pamangkin.
Kahit na marami na ang kanyang nararamdamang sintomas ng pagbubuntis, hindi pa rin nagkaroon ng ideya si Ethel na siya ay buntis. At halos mga 4 months rin bago niya nakumpirma ang kanyang pagbubuntis.
Dagdag niya, sobrang nagulat talaga siya sa kanyang pagbubuntis dahil hindi niya inakala na makakabuo pa siya ng baby.
“Hindi ko na ineexpect na makakabuo ako. Sabi ko, okay lang na hindi ako magkaka-baby, basta mapalaki ko lang yung mga pamangkin ko. Pero biglang dumating,”
Sa edad na 43, matagumpay na ipinanganak ni Ethel ang kaniyang unang baby na si Michaela sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.
Napag-alamang nagsimulang magkaroon ng relasyon ang dalawa noong 2017.
Unang baby ni Ethel Booba ngayong 43 na siya | Image from Ethel Booba Instagram
Pagbubuntis sa edad na 40
Ayon sa survey, habang tumatagal ang panahon tumataas ang bilang ng mga babaeng nagbubuntis sa edad na 40 pataas. Marami ang pinipiling magbuntis sa ganitong edad dahil mas inuuna nilang buuin ang kanilang career para na rin sa kapakanan ng kanilang magiging anak.
Maraming babae ang mas pinipiling magpundar muna ng bahay, mag ipon ng pera o magplano para sa kanilang pamilya bago manganak kahit. Ito ay para masiguro ang secred na buhay ng kanilang magiging anak.
Marami ang benepisyo na matatanggap ng nanay kapag nagbuntis ito sa edad na 40. Katulad na lamang ng mas mahabang life span at pagkakaroon ng mas magandang educational outcome sa mga anak.
Delikado ba ang magbuntis sa edad na 40?
Sa panahon natin ngayon, hindi na mahirap bigyan ng solusyon ang mga dati ay komplikadong sakit. Kaya naman para sa mga babaeng magbubuntis pa lamang sa kanilang edad na 40, makakatulong ang teknolohiya para mapadali ang kanilang panganganak.
Ngunit ayon sa pag-aaral, maaaring maging high risk ang mga buntis sa mga sumusunod na kondisyon:
- Gestational diabetes
- Miscarriage
- Preeclampsia
- High blood pressure
- Mababang timbang ng anak kapag pinanganak
Ayon rin sa pag-aaral, ang fertility rate ng isang babae ay bumababa pagsapit ng 36 years old. Dahilan rin ito ng:
- Hindi malusog na itlog
- Hindi maayos na magrelease ng itlog mula ovary
- Pagkakaroon ng iba panghealth condition
- Kaunting bilang ng itlog
Kung sakali namang hindi pa rin nakakabuo ang isang babae sa edad na 40, mas mabuti nang humingi ng tulong sa fertility specialist.
Makakatulong ang pagkonsulta sa espesyalista para isailalim ka sa test na gagawin para masuri ang iyong dertility. Kasama dito ang mga ultrasound para matignan ng maigi ang iyong uterus at ovary pati na rin ang iyong dugo.
Source:
Rappler
BASAHIN:
LOOK: It’s a boy! Coleen Garcia at Billy Crawford inanunsyo na ang gender ng kanilang first baby
Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!