LOOK: It's a boy! Coleen Garcia at Billy Crawford inanunsyo na ang gender ng kanilang first baby

LOOK: It's a boy! Coleen Garcia at Billy Crawford inanunsyo na ang gender ng kanilang first baby

Masayang ni-reveal ng soon-to-be mom na si Coleen Garcia ang gender ng kanyang first baby kay Bill Crawford. Is it a boy or a girl?

Nitong Wednesday lamang, ni-reveal na ni Coleen Garcia ang gender ng kanilang baby ng asawang si Billy Crawford. Is it a boy  or a girl?

Coleen Garcia baby gender reveal

Isang surpresa ang hatid ng aktres na si Coleen Garcia nitong May 1 ng umaga lamang. Sa kanyang Instagram post, opisyal niyang inanunsyo sa publiko na siya ay 5 months pregnant sa kanilang 1st baby sa kanyang asawa na si Billy Crawford. Ipinakita rin nito ang kanyang lumalaking baby bump!

coleen-garcia-gender-reveal

Image from Billy Crawford Official Instagram

Kwento ng aktres, matagal rin niyang hindi muna ipinaalam ang kanyang pagbubuntis. Ngunit ngayon ay proud na niyang sabihin na siya ay soon-to-be-mom na!

Last December 2019 niya nalamang siya ay buntis sa first baby nila ni Billy.

At nito nga lang Wednesday, masayang ni-reveal ni Mommy Coleen Garcia ang gender ng kanyang first baby kay Bill Crawford. Nagsagawa sila ng online gender reveal party na napanood sa ilang social media sites katulad ng Facebook, YouTube at Kumu.

Ang gender reveal party ay hosted by KC Montero kasama na ang iba pa nitong kaibigan sa industriya na sina Kris Lawrence, Jay R, Mica Javier at Ria Atayde.

And guess what? They’re expecting a baby boy!

Ang picture na ito ay may caption na,

#BabyCisaHE! Thank you to everyone who joined our baby shower/gender reveal today! We’re so happy we finally get to share this with you!”

Nagpost rin ng gender reveal photo ang soon to be mom na si Coleen. Sa litrato, makikita na ito ay nakasuot ng lipstick na color blue at kita rin ang ultrasound sa kanyang baby bump.

Coleen Garcia pregnancy

Kuwento ng 27-year-old na aktres, mayroon daw siyang PCOS o polycystic ovarian syndrome. Kaya naman dahil dito, regular siyang nagte-take ng pills. Nawala naman daw ang kanyang PCOS dahil dito at sa frequent na pagbisita sa kanyang OB-GYN. Pero noong sila ay nasa New York, aksidente siyang naubusan ng pills at nag-take ng break mula sa pag-inom nito. Ito naman daw ay payo ng kanyang OB dahil mahigit isang taon na rin niyang iniinom ang pills.

Bukod sa PCOS ni Coleen, inabisuhan din daw si Billy ng doktor na hindi pa noon magandang timing kung susubukan nilang magka-anak. Ito naman ay dahil sa kanyang lifestyle.

Kaya naman para sa dalawa, isang blessing ito dahil akala talaga nila ay mahihirapan silang magbuntis.

Signs of pregnancy

Nalaman daw ni Billy Crawford and Coleen Garcia ang tungkol sa kaniyang pregnancy noong maka-miss siya ng period. Ito ay hindi madalas na mangyari dahil nga nagpi-pills si Coleen at ito ay nakatutulong para maging regular ang pagdating ng period.

Noong una na nag-pregnancy test si Coleen ay hindi niya na muna ito sinabi kay Billy dahil ayaw nga nitong bigyan siya ng false hope. Pero noong pangalawang beses ay medyo nakumbinsi na siya sa resulta ng pregnancy test. Bagama’t dalawang linya raw kasi ang lumalabas, faint line ang isa. Pero nagdesisyon na siyang sabihin ito kay Billy at sa kanyang ina.

Para sa kanya, ang pinakaunang sintomas na naramadaman niya ay ang pagiging antukin.

Susubukan nga ba nila ang unmedicated childbirth?

coleen-garcia-unmedicated-childbirth

Image from @coleen’s Instagram

Ibinahagi ng aktres at soon to be mom na si Coleen Garcia sa Tim Yap LIVE! na kung papipiliin, nais nitong manganak ng natural at dumaan sa unmedicated childbirth.

Ayon sa aktor, nais ni Coleen na manganak ng normal at natural. Dagdag pa niya, ito ang kanyang pregnancy goal. Sa katunayan, nagsimula na itong manood ng iba’t-ibang birthing classes sa ibang bansa.

“And unmedicated is my goal. I started watching my birthing classes yesterday, it’s all online. I started watching it. It’s from the States. It’s centered on natural, unmedicated birth and I watched the first session yesterday and I was crying. I was crying because it looks so hard.”

Pumasok rin sa usapan ang mga pinagpipilian nilang magiging pangalan ng kanilang anak. Bahagi nito na ang first name na naisip nila ay kakaiba at ready na. Gusto rin ni Billy na ang second name ay manggaling sa pangalan nito.

Gayunpaman, lahat ay excited dahil another cute celebrity baby boy na naman ang paparating!

BASAHIN:

New Zealand, COVID-free na! Prime minister, isa rin palang super mom

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner