LOOK AT LITTLE BOOBA: 4 months old na ngayon ang baby ni Ethel Booba

LOOK AT LITTLE BOOBA: 4 months old na ngayon ang baby ni Ethel Booba

Ethel Booba baby picture, shinare niya sa kanyang Instagram. Kilalanin si Baby Michaela o Little Booba na 4 month old na ngayon!

Matatandaan na noong January ay nanganak si Ethel Booba sa kanyang baby na si Michaela. Ngayon ay four months old na siya. At talaga namang giliw na giliw ang netizens sa mga pino-post ni Ethel Booba na baby picture niya!

Ethel Booba baby picture

Ang comedian-singer na si Ethel Booba ay nasa YouTube world na rin ngayon kung saan nagpo-post siya ng mga family videos kasama ang kanyang non-showbiz partner na si Jessie Salazar.

ethel booba baby picture

Photo from @ethelbooba’s Instagram

Ang 43-year old na si Ethel ay binansagang Little Booba ang kanyang baby.

Matatandaang inanunsyo ni Ethel ang kanyang pregnancy sa noontime show na It’s Showtime. Simula noon ay sinubaybayan na ng netizens ang kanilang story sa vlogs nila.

ethel booba baby picture

Photo from @ethelbooba’s Instagram

Dahil siya ay first-time mom din, maraming mga moms ang nanonood ng kanilang family vlogs! Bagama’t 43 years old na nang nanganak ang aktres, successful at walang complications ang kanyang pagbubuntis.

Ipinanganak niya ang kanyang panganay na anak noong Valentine’s Day at naging double celebration ito dahil na rin sa pagkapanalo niya sa isang kompetisyon.

Kuwento pa nila, isa raw itong dream come true para sa kanila. Akala pa nga raw nila ay nagme-menopause siya, ngunit nang siya ay magpa-check up dahil madalas na itong nakararanas ng pagkahilo, dito na nila nakumpirma ang kanyang pagbubuntis.

Very supportive naman din daw ang kanyang family sa pagbubuntis niya. Sa katunayan, itinago niya pa nga raw ito sa umpisa dahil ayaw niyang mag-alala ang kanyang pamilya sa kanyang kondisyon. Kahit nga raw iyong pag-anunsyo niya sa noontime show ay biglaan dahil sa kanyang kaibigan na si Vice Ganda.

Little Booba birthday celebration

Sa vlog na ito, makikita ang simpleng selebrasyon ni baby Michaela. Ipinakita niya rin kung paano puwedeng kumuha lamang ng props para sa birthday celebration ng kids sa inyong garden!

Talaga namang ito ay isang swak na quarantine celebration kung saan marami ring moms ang makaka-relate.

Ngayong siya ay isa nang ganap na mommy, kitang-kita rin na hands on ito sa kanyang little Booba. Sa isa pa nga nilang video kung saan ipinakita niya ang kanilang morning routine, binanggit ni Ethel na mahalagang invested kayo sa paglaki ng inyong anak.

Kahit sa comments ay pansin ng mga netizens na very supportive din ang partner niya sa pagpapalaki kay baby Michaela.

Ethel Booba and Jessie Salazar

ethel booba baby picture

Photo from @ethelbooba’s Instagram

Si Jessie ay isang executive chef sa isang hotel sa Boracay at ngayon ay apat na taon na sila. Siya na rin ang naging manager ni Ethel para raw magkasama sila kahit na sa trabaho.

Sila ay nagkakilala raw sa isang party noong 2017 sa Boracay at mula noon ay tuloy tuloy na silang nag-usap. Kuwento pa ni Ethel, noon daw ay siya palagi ang nag-aasikaso sa mga naging karelasyon niya, ngunit ngayon ay nararamdaman niyang siya naman ang naaalagaan.

“Na-feel ko na, ako naman. Tapos maraming bawal, minsan para siyang tatay. Sasabihin niya, puyat ka na naman, ganyan. Iba siyang magmahal.”

Noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon, ikinuwento ni Ethel na halos linggo linggo siyang pumupunta sa Boracay upang makita ang nobyo. Ito ay tuwing wala siyang trabaho o kailangang gawin sa Maynila.

Ethel Booba issue

Sa kabila ng issue ni Ethel sa kanyang Twitter account na mayroong ibang gumagamit upang magpahayag ng mga political views. Nagkaroon pa nga ng libro ang comedian-actress dahil sa kanyang Twitter fame at tinawag itong “Charotism”.

Bagama’t nilinaw na ni Ethel na nagkaroon siya ng Social Media consultant noong mga panahon na lumalaki ang kanyang Twitter following, marami pa rin ang naguluhan sa paliwanag ng aktres. Paliwanag niya, hindi na kasi ito sumunod sa mga gusto niyang ilagay sa page kaya naman nagdesisyon na rin siyang magsalita tungkol dito.

Gayunpaman, dito na rin nagsimula sa pag-upload ng videos si Ethel sa kanyang YouTube channel. Kaya naman kaagad ding natabunan ang issue.

 

Source:

ABS CBN Push, Rappler

Basahin:

Angel Locsin, hinikayat ang body positivity kasabay ng pag-trend ng kanyang pictures

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

app info
get app banner