X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Eula Valdez at Rocky Salumbides, hiwalay na matapos ang 13-year relationship

4 min read

Matapos ang halos lagpas isang dekadang pagsasama, hiwalay na ang aktres na si Eula Valdez sa long-time partner nitong si Rocky Salumbides.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Eula Valdez at Rocky Salumbides hiwalay na
  • Hiwalayang Eula Valdez at Rocky Salumbides noong taong 2016
  • Paano mapapanatili ang isang long-term relationship

Rocky Salumbides may bago nang karelasyon

Kalagitnaan pa lang ng 2022 ay marami nang balita tungkol sa hiwalayan ng mga celebrity couple.

Kabilang na diyan ang aktres na si Eula Valdez at actor/model na si Rocky Salumbides. Mapapansin sa social media ng dalawa na tila naputol na ang ugnayan nila sa isa’t isa.

Ito ay nang mag-post si Rocky sa Facebook na ‘in a relationship’ na siya sa ibang babae. Makikita sa post ni Rocky na girlfriend na niya ngayon si Pia Pilapil, anak ng beteranang aktres na si Pilar Pilapil.

Sa profile picture pa nito sa kanyang Facebook account at maging Instagram acccount ay makikitang kayakap na ni Rocky si Pia, kumpirmasyon na hiwalay na sila ng kaniyang dating partner na si Eula Valdez.

rocky salumbides pia pilapil

Larawan mula sa Facebook account ni Rocky Salumbides

Samantala, sa Instagram account naman ni Eula Valdez ay mapapansing burado na ang ilang larawan nilang dalawa ni Rocky. Makikita rin na naka-unfollow na sina Eula at Rocky sa social media account ng isa’t isa.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang dalawa tungkol sa kanilang paghihiwalay. Tumagal din ng lampas 13 taon ang kanilang pagsasama.

Sa kabila ng break-up, ilang kaibigan naman ni Rocky ang masaya para sa kaniyang bagong relationship. Habang si Eula naman ay busy sa kaniyang work dahil magkakaroon ng pagbibidahang drama series sa isang TV network.

BASAHIN:

Moira dela Torre sinisi ang sarili sa hiwalayan kay Jason Hernandez: “Saan ba ako nagkulang?”

Zeinab Harake inaming hiwalay na sila ni Skusta Clee: “Nandidiri ako sa sarili ko!”

Mom Confession: “It’s heartbreaking to see your child living without a father”

Eula Valdez at Rocky Salumbides

Larawan mula sa Instagram account ni Eula Valdez

Unang paghihiwalay nina Eula Valdez at Rocky Salumbides

Labis na pinakilig nina Eula Valdez at Rocky Salumbides ang mga fans at friends nila noong muli silang magbalikan matapos ang maghiwalay nang halos isang buwan noong taong 2016.

Sa dating panayam kay Eula Valdez noong 2016, sinabi niya na ipinaglaban niya raw talaga ang relasyon nila ni Rocky. Paglalarawan pa niya sobrang bait daw ng kanyang partner kaya hindi niya magawang magalit dito,

Ito rin daw ang kauna-unahang pagkakataon na kaniyang inuna ang puso niya at piniling ipaglaban si Rocky.

Hindi naman nila nabanggit ang rason ng kanilang hiwalayan noon. Ngunit ayon kay Eula, matapos niyang kausapin ang malalapit na pamilya at kaibigan niya ay doon niya lang na-realize na hindi niya kayang mabuhay nang wala si Rocky.

Matatandaan ding taong 2017 nang inamin ni Rocky na may plano na raw siyang pakasalan ang aktres. Pagbabahagi pa ri, niya tinuturing daw nila ang isa’t isa bilang ‘equal’.

“As far as marrying her is concerned, I have every intention. I guess the secret to having a happy relationship with her is the fact that we treat each other as equals.”

Sa kabila ng parehong mayroon na silang anak sa nauna nilang mga karelasyon, suportado naman ang mga ito sa kanilang pagsasama noon.

Paano mapapanatili ang isang long-term relationship

sweet couple

Larawan mula sa Business photo created by tirachardz – www.freepik.com

Isa sa pinakamahirap na dahilan upang makipaghiwalay na ay ang tagal ng pagsasama. Kasama na kasi diyan ang panghihinayang sa lahat ng mga nabuong nang alaala at maging relasyon labas sa relasyon ninyo kabilang ang pamilya at mga kaibigan.

Sa paglipas ng panahon, hindi naman kasi talaga parating makararamdam ng pagmamahal sa partner lalo kung matagal nang nagsasama.

Para sa mga may karelasyon diyan na nasa long-term na, narito ang ilang tips upang mapanatili ang relasyon ninyong dalawa:

  • Siguraduhing gumagawa pa rin ng paraan upang magkaroon ng joyful date nang kayong dalawa lang.
  • Maging bukas para sa mga bagong karanasan at ideya na kapwa maeexplore ninyo.
  • Huwag mahiyang ipakita pa rin ang love and care sa isa’t isa sa kabilang ng tagal na ninyong ipinaparamdam ito.
  • Panatilihin pa rin ang healthy na communication lalo na sa tuwing may pagtatalo at hindi pagkakaunawaan.
  • Hindi dapat nawawala ang honesty at loyalty sa isa’t isa dahil ito ang pangunahing pundasyon ng masaya at healthy na relationship.
  • Unawain kung paano nga ba nagi-express ang partner ng pagmamahal niya at kung paano mo ito gusto matanggap.
  • Matutuong magbigay ng space pana-panahon lalo kung mainit na ang pagtatalo upang kumalma kayong dalawa.
  • Palaging tandaan ang pagmamahal sa iyong karelasyon at kung bakit kayo umabot na nang ilang taon.

PsychAlive, Facebook

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Eula Valdez at Rocky Salumbides, hiwalay na matapos ang 13-year relationship
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.