Moira dela Torre naglabas na ng pahayag tungkol sa hiwalayan nila ng mister na si Jason Hernandez. May ilang issue na nilinaw si Moira para sagutin ang mga intrigang pinag-uusapan sa internet.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pahayag ni Moira dela Torre sa hiwalayan nila ng mister na si Jason Hernandez
- Dahilan ng paghihiwalay ni Moira at kaniyang mister
Pahayag ni Moira dela Torre sa hiwalayan nila ng mister na si Jason Hernandez
Larawan mula sa Instagram account ni Moira
Nitong nakaraang Martes ay marami ang nagulat sa naging rebelasyon ng singer-songwriter na si Jason Hernandez sa kaniyang social media accounts. Ayon kay Jason na kilalang mister ng Hugot Queen ng Pilipinas na si Moira dela Torre, sila ng singer ay hiwalay nila.
Ito ay matapos ang tatlo nilang taong pagsasama bilang mag-asawa. Ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ayon kay Jason ay dahil sa naging unfaithful siya kay Moira.
“3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.”
Ito ang sabi ni Jason na inako ang pagkakamali sa kinahantungan ng relasyon nila ni Moira. Humingi rin siya ng tawad sa mga taong kaniyang nasaktan lalong lalo na sa kaniyang misis na si Moira.
Matapos ang rebelasyon na ito ay marami ang nalungkot sa naging takbo ng love story ng mag-asawa. Lalo pa’t marami ang kinilig at sumubaybay sa naging engagement at pagpapakasal nila. Naging hit nga rin ang mga kantang kanilang ginawa ng magkasama.
Kaya naman ang mga netizens may kaniya-kaniyang theory sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila. May mga kumalat na intrigang pati raw si Moira ay nagloko rin umano sa kanilang relasyon. Ito ay agad namang nabigyan ng linaw na hindi totoo.
Para matapos na ang isyu ay nagsalita na si Moira. Ayon sa singer, naging masakit para sa kaniya ang mga nangyari sa kanila ng mister niyang si Jason. At ito umano ay nagsimula dalawang taon na rin ang nakakaraan.
“For those of you who know my story, you can imagine the long journey of grieving and healing I have ahead of me. The revelations of things that happened over the last two years have been difficult, painful and heartbreaking to process.”
Ito ang bungad ni Moira sa kaniyang pahayag.
Dahilan ng paghihiwalay ni Moira at kaniyang mister
Sa kabila ng sakit na pinagdadaanan, paglilinaw ni Moira ni minsan ay hindi siya nagloko sa pagsasama nila ni Jason. At umaasa siyang sa pamamagitan ng pahayag niyang ito ay matigil na ang mga gawa-gawang kuwento ukol sa hiwalayan nila.
“In spite of the pain I’m experiencing, let me set the record straight, while our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason.”
“This has not been easy on either of us and our families. I only wish to put an end to the speculations regarding what happened between Jason and I. Though we’re no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us —most of which are so far from the truth.”
Sa ngayon, ayon kay Moira ay nasa healing process na siya sa lahat ng nangyari bagamat alam niyang ito ay matatagalan pa. Pero mananatili siyang malakas at inspirasyon sa marami sa pamamagitan ng mga kanta niya.
May mensahe rin siyang iniwan para sa mga dumadaan sa tulad niyang sitwasyon sa ngayon.
“My heart, though still navigating this unexpected season, feels full because of all your comforting messages. To those who are going through the same journey as me, I hear you and I send you love.”
View this post on Instagram
Sa panayam naman kay Moira sa ‘Magandang Buhay’, sinabi niya na may mga pagkakataon na sinisisi niya ang kaniyang sarili sa paghihiwalay nila ni Jason.
“Sa lahat naman ng pinagdadaanan ko sa buhay, palaging ‘yun ‘yong initial reaction ko. I always say, ‘What did I do wrong?’”
“So especially now, ‘Saan ba ako nagkulang?’”
Wika ni Moira dela Torre, madalas tanungin ng mga tao sa sarili kung saan sila nagkamali. Ngunit naniniwala siya na may rason ang Panginoon kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay.
Paglalarawan pa ni Moira, kahit siya ay ‘broken glass’ sa ngayon, naniniwala siyang darating ang panahon na muli siyang mabubuo at magiging ‘diamond’ sa pamamagitan ng Diyos.
BASAHIN:
Jason Hernandez umaming hiwalay na kay Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”
Idinawit sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, nagsalita na: “Umiwas tayo sa mga speculations.”
LOOK: Donita Rose engaged na sa kaniyang boyfriend na si Felson Palad!
Larawan mula sa Instagram account ni Moira
Ang isyu ng hiwalayan sa pagitan ni Moira at mister niyang si Jason ay nagsimula nitong Abril. Ito ay matapos burahin ni Moira ang mga larawan nila ni Jason ng magkasama sa kaniyang mga social media accounts.
Ganoon rin ang pag-alis ng apelyido nito sa pangalan niya sa kaniyang Facebook at Instagram accounts.
Pero ang ispekulasyong hiwalay na sila ni Jason ay natigil ng i-tag ni Moira si Jason sa kaniyang Instagram stories. Naglabas rin ng pahayag si Jason noon sa mga balitang si Moira ay nangaliwa sa pagsasama nila.
Sabi niya sa kaniyang Twitter post noong April 16 nitong taon, sila ay kasal pa rin ni Moira. Hindi nangaliwa ang singer sa kaniya at walang nakawan ng perang naganap sa pagitan nilang dalawa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!