X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Idinawit sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, nagsalita na: "Umiwas tayo sa mga speculations."

5 min read
Idinawit sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, nagsalita na: "Umiwas tayo sa mga speculations."Idinawit sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, nagsalita na: "Umiwas tayo sa mga speculations."

Alamin din kung ano ang iba't ibang realizations ng mga netizen tungkol sa hiwalayan ng dalawa.

Nagulat ang mga netizen matapos kumpirmahin nina Moira dela Torre at husband niyang Jason Hernandez ang kanilang paghihiwalay nitong May 31. At dahil dito, ilang tao ang idinamay sa break-up ng dalawang singer. 

Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Pag-amin nina Moira dela Torre at kaniyang husband tungkol sa hiwalayan
  • Handler nina Moira at Jason, nadamay sa issue
  • Reaction of the netizens
moira dela torre husband break-up

Larawan mula sa Instagram account ni Jason Marvin Hernandez

Pag-amin nina Moira dela Torre at kaniyang husband tungkol sa hiwalayan

Noong Martes ay nag-post sa social media si Jason Hernandez, husband ni Moira dela Torre, na pinuputol na nilang dalawa ang kanilang relasyon. Sa naturang post, mababasa na nagkaroon ng pagkakataon na naging ‘unfaithful’ si Jason kay Moira.

“Though my love for her has always been genuine. a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.”

Ayon sa husband ni Moira dela Torre, pinili nilang mag-break kaysa ituloy ang nilarawan niyang ‘peaceful but dishonest path’. Humingi naman ng tawad si Jason sa mga nasaktan niya, lalong lalo na kay Moira.

“From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi.”

Ang pahayag na ito ay naka-post hindi lamang sa kaniyang Instagram account, kundi maging sa kaniyang Twitter account na siya namang ini-retweet din ni Moira. Makikita rin sa Facebook account ni Jason ang pahayag na siya ring ibinahagi ni Moira ng walang dagdag na anumang pahayag.

Handler nina Moira dela Torre at Jason Hernandez, nadamay sa issue

Samantala, sinabit naman sa break-up nina Jason Hernandez at Moira dela Torre ang isang larawan kung saan may katabing iba si Jason.

Ang naturang larawan ay nai-post ng social media influencer na si Xian Gaza sa kaniyang Facebook account. Binigyan itong kulay ng mga netizen.

moira dela torre mac merla

Larawan kuha mula sa Facebook account ni Mac Merle

Kaya naman nagsalita na at nagpakilala ang lalaking katabi ni Jason Hernandez sa naturang larawan. Napag-alaman na ito ay si Mac Merla, ang handler nina Moira dela Torre at kaniyang husband.

Sa pahayag ni Merla, nilinaw niya na ang larawan ay kuha sa eroplano patungong Dubai. Ito ay papunta noon para sa event na dadaluhan ni Moira. Aniya pa, mismong si Moira ang nag-take ng naturang picture.

“This was taken during our flight to Dubai for Moira’s event which was taken by Moira herself.”

Nakiusap din si Merla sa publiko na ipagdasal sina Moira at Jason. Bukod pa rito, nanawagan din siya na huwag maniwala sa mga haka-haka tungkol sa break-up ng dalawa.

“This is a very difficult time and we continue to pray for both of them.”

“Pakiusap ko lang sana sa inyo bilang malapit nilang kaibigan na sana umiwas na tayo sa mga speculations na hindi nakakatulong sa napakahirap na sitwasyon na pinagdaraanan ni Moi and Jason.”

BASAHIN:

Jason Hernandez umaming hiwalay na kay Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

Jason Hernandez nagsalita na sa break-up rumor: “Hindi nangaliwa si Moira”

Are you cheating? 10 ways you are unknowingly being unfaithful

Reaction of the netizens

Samantala, napa-react naman ang iba’t ibang celebrities at netizens hinggil sa nakakabiglang paghihiwalay nina Moira dela Torre at Jason Hernandez. Sa Twitter, hindi pa nawawala sa trending list ang pangalan ni Moira, na kilala sa paggawa ng mga heart-breaking songs.

Isa sa naglabas ng saloobin ay ang social media influencer at voice actress na si Inka Magnaye. Saad niya, ang pagloloko sa isang relasyon ay hindi lang basta nangyayari. Aniya, choice ito ng isang tao.

“Cheating never “just happens”. It’s a series of choices that keeps being made. That’s why I hardly believe people when they were sorry for cheating.”

Nagpaabot din ng yakap si Inka para kay Moira at maging sa mga taong alam ang ganitong pakiramdam. 

“This Moira/Jason thing is probably triggering many people. Hugs to Moira, and hugs to all the people who know how it feels to be her.”

Nasaktan din ang dating beauty queen at actress na si Ruffa Gutierrez sa break-up nina Moira dela Torre at kaniyang husband.

Partner Stories
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)

“Heartbroken for one of my favorite couples.”

moira dela torre and jason hernandez

Larawan mula sa Instagram account ni Jason Marvin Hernandez

Bukod pa diyan, ilang netizens din ang nagkaroon ng realizations tungkol sa pag-ibig. Marami ang naapektuhan sa paghihiwalay nina Moira at Jason dahil nauwi rin sa hiwalayan ang matagal nang pinagsamahan ng dalawa.

Heto ang ilan sa komento ng mga netizen:

“I commend Moira for leaving Jason. Cheating should never be tolerated, justified, nor romanticized. And marriage should never be an excuse for staying in a toxic relationship.”

“The breakup of Jason and Moira hurts more than anything. they’ve put Jesus in the center of their marriage, made love songs together. And embodied what a kind couple is pero hindi pa rin talaga.”

“Moira and Jason‘s marriage made me realize na breaking up is better than staying in a relationship where you both know you are not happy.”

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

theAsianparent Philippines

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Idinawit sa hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, nagsalita na: "Umiwas tayo sa mga speculations."
Share:
  • Parents' Guide: 7 important things you need to know about newborn screening

    Parents' Guide: 7 important things you need to know about newborn screening

  • 5 Best Free Pregnancy Apps For Your Mommy Journey

    5 Best Free Pregnancy Apps For Your Mommy Journey

  • Baby genius? Listening to music in the womb

    Baby genius? Listening to music in the womb

app info
get app banner
  • Parents' Guide: 7 important things you need to know about newborn screening

    Parents' Guide: 7 important things you need to know about newborn screening

  • 5 Best Free Pregnancy Apps For Your Mommy Journey

    5 Best Free Pregnancy Apps For Your Mommy Journey

  • Baby genius? Listening to music in the womb

    Baby genius? Listening to music in the womb

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.