Eula Valdez at Rocky Salumbides naghiwalay matapos ang 13-year relationship

Isinapubliko na rin ni Rocky Salumbides ang kaniyang bagong iniibig, na anak ng aktres na si Pilar Pilapil.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang halos lagpas isang dekadang pagsasama, hiwalay na ang aktres na si Eula Valdez sa long-time partner nitong si Rocky Salumbides. Paano nga ba maka-move on matapos ang breakup. At paano ba mapapanatili ang long-term relationship? Alamin dito!

Rocky Salumbides may bago nang karelasyon

Kalagitnaan pa lang ng 2022 ay marami nang balita tungkol sa hiwalayan ng mga celebrity couple.

Kabilang na diyan ang aktres na si Eula Valdez at actor/model na si Rocky Salumbides. Mapapansin sa social media ng dalawa na tila naputol na ang ugnayan nila sa isa’t isa.

Ito ay nang mag-post si Rocky sa Facebook na ‘in a relationship’ na siya sa ibang babae. Makikita sa post ni Rocky na girlfriend na niya ngayon si Pia Pilapil, anak ng beteranang aktres na si Pilar Pilapil.

Sa profile picture pa nito sa kanyang Facebook account at maging Instagram acccount ay makikitang kayakap na ni Rocky si Pia, kumpirmasyon na hiwalay na sila ng kaniyang dating partner na si Eula Valdez.

Larawan mula sa Facebook account ni Rocky Salumbides

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa Instagram account naman ni Eula Valdez ay mapapansing burado na ang ilang larawan nilang dalawa ni Rocky. Makikita rin na naka-unfollow na sina Eula at Rocky sa social media account ng isa’t isa.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang dalawa tungkol sa kanilang paghihiwalay. Tumagal din ng lampas 13 taon ang kanilang pagsasama.

Sa kabila ng break-up, ilang kaibigan naman ni Rocky Salumbides ang masaya para sa kaniyang bagong relationship. Habang si Eula naman ay busy sa kaniyang work dahil magkakaroon ng pagbibidahang drama series sa isang TV network.

BASAHIN:

Moira dela Torre sinisi ang sarili sa hiwalayan kay Jason Hernandez: “Saan ba ako nagkulang?”

Zeinab Harake inaming hiwalay na sila ni Skusta Clee: “Nandidiri ako sa sarili ko!”

Mom Confession: “It’s heartbreaking to see your child living without a father”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Eula Valdez

Unang paghihiwalay nina Eula Valdez at Rocky Salumbides

Labis na pinakilig nina Eula Valdez at Rocky Salumbides ang mga fans at friends nila noong muli silang magbalikan matapos na maghiwalay nang halos isang buwan noong taong 2016.

Sa dating panayam kay Eula Valdez noong 2016, sinabi niya na ipinaglaban niya raw talaga ang relasyon nila ni Rocky. Paglalarawan pa niya sobrang bait daw ng kanyang partner kaya hindi niya magawang magalit dito.

Ito rin daw ang kauna-unahang pagkakataon na kaniyang inuna ang puso niya at piniling ipaglaban si Rocky.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi naman nila nabanggit ang rason ng kanilang hiwalayan noon. Ngunit ayon kay Eula, matapos niyang kausapin ang malalapit na pamilya at kaibigan niya ay doon niya lang na-realize na hindi niya kayang mabuhay nang wala si Rocky.

Matatandaan ding taong 2017 nang inamin ni Rocky na may plano na raw siyang pakasalan ang aktres. Pagbabahagi pa ri, niya tinuturing daw nila ang isa’t isa bilang ‘equal’.

“As far as marrying her is concerned, I have every intention. I guess the secret to having a happy relationship with her is the fact that we treat each other as equals.”

Sa kabila ng parehong mayroon na silang anak sa nauna nilang mga karelasyon, suportado naman ang mga ito sa kanilang pagsasama noon.

Paano mapapanatili ang long-term relationship

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Business photo created by tirachardz – www.freepik.com

Isa sa pinakamahirap na dahilan upang makipaghiwalay na ay ang tagal ng pagsasama. Kasama na kasi diyan ang panghihinayang sa lahat ng mga nabuong nang alaala at maging relasyon labas sa relasyon ninyo kabilang ang pamilya at mga kaibigan.

Sa paglipas ng panahon, hindi naman kasi talaga parating makararamdam ng pagmamahal sa partner lalo kung matagal nang nagsasama.

Para sa mga may karelasyon diyan na nasa long-term na, narito ang ilang tips upang mapanatili ang relasyon ninyong dalawa:

  • Siguraduhing gumagawa pa rin ng paraan upang magkaroon ng joyful date nang kayong dalawa lang.
  • Maging bukas para sa mga bagong karanasan at ideya na kapwa maeexplore ninyo.
  • Huwag mahiyang ipakita pa rin ang love and care sa isa’t isa sa kabilang ng tagal na ninyong ipinaparamdam ito.
  • Panatilihin pa rin ang healthy na communication lalo na sa tuwing may pagtatalo at hindi pagkakaunawaan.
  • Hindi dapat nawawala ang honesty at loyalty sa isa’t isa dahil ito ang pangunahing pundasyon ng masaya at healthy na relationship.
  • Unawain kung paano nga ba nagi-express ang partner ng pagmamahal niya at kung paano mo ito gusto matanggap.
  • Matutuong magbigay ng space pana-panahon lalo kung mainit na ang pagtatalo upang kumalma kayong dalawa.
  • Palaging tandaan ang pagmamahal sa iyong karelasyon at kung bakit kayo umabot na nang ilang taon.

Paano maka-get over mula sa breakup?

Iba’t iba ang coping mechanism ng bawat tao, kaya naman iba’t iba rin ang angkop na paraan para mag move on. Kumbaga sa daan, walang iisang daan patungo sa paghilom.

Pero mayroong mga bagay na maaari mong gawin upang kahit paano ay maging maayos ang iyong pakiramdam matapos ang hiwalayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Bigyan ng sapat na space ang iyong sarili. Hindi mo kailangang alisin sa buhay mo nang tuluyan ang iyong ex. Pero maaaring makatulong na iwasan muna siya matapos ang breakup. Iwasan din muna ang pagkuha ng update mula sa kaniyang social media.
  • Gawing busy ang sarili. Gumawa ng mga bagay na mae-enjoy mo. Basta’t huwag lang kalimutan na alagaan pa rin ang sarili sa kabila ng pagiging abala.
  • Makipag-usap sa pamilya o malalapit na kaibigan para ma-suportahan ka nila. Pwede rin naman na maglaan ng panahon para ma-relax ang sarili.
  • Iwasang gumamit ng ilegal na droga o ng alcohol para maibsan ang sakit. Panandaliang solusyon lamang ito sa umpisa pero magdudulot ito ng hindi maganda kapag naglaon.
  • Give it time. Huwag madaliin ang iyong sarili na maka-move on agad. Hayaan mong pagdaanan mo ang proseso ng paghilom hanggang sa mawala ang sakit at makapagsimula kang muli.

Sinulat ni

Ange Villanueva