Sa panahon ngayon, nauuso na ang iba’t-ibang natural na gamot at mga therapy. Isa na rito ang paggamit ng evening primrose oil for pregnant women upang mapadali ang kanilang labor.
Ngunit ligtas ba ang ganitong paraan ng pag-induce ng labor? Posible ba itong makasama sa kalusugan ng ina, o ng sanggol? Atin itong alamin.
Epektibo ba ang paggamit ng evening primrose oil for pregnant women?
Sa bulaklak na ito nakukuha ang evening primrose oil. | Source: Maxpixel
Ang evening primrose oil ay nakukuha mula sa bulaklak ng evening primrose. Ngunit alam niyo ba na ang benefits ng evening primrose oil ay hindi lang para sa labor?
Ito rin ay ginagamit para gamutin ang skin diseases tulad ng psoriasis at eczema. Bukod dito, nakakabawas daw ito ng wrinkles, nakakatulong para bawasan ang nerve damage, at binabalanse ang hormones.
Pagdating naman sa mga nagbubuntis, ginagamit ito para mapadali ang labor ng mga ina. Mayroong 2 paraan ng paggamit ng evening primrose oil for pregnant women, ang una ay oral, o ang pag-inom ng capsules ng oil. Pangalawa, puwede itong ipahid sa vagina upang makatulong daw na mag induce ng labor.
Epektibo ba ang evening primrose oil for pregnant women?
Bagama’t maraming nagsasabing epektibo raw ang evening primrose oil pagdating sa labor, wala pang malakihang pag-aaral ang nakapagsabi na nakakatulong ito sa labor.
Ngunit mayroong mga pag-aaral na nagsasabing nakakatulong daw ito upang palambutin ang cervix ng babae. Ayon naman sa ibang pag-aaral, ang linolenic acid daw na nasa evening primrose oil ay nakakapagpababa ng haba ng labor.
Bagama’t ang ebidensya ng pagiging epektibo ng evening primrose oil ay hindi pa napapatunayan, marami pa ring ina ang gumagamit nito dahil madali itong mahanap, ito ay mura, at simple lang ang paggamit nito.
Ngunit kung natural na paraan ng pag-induce ng labor ang pag-uusapan, maraming mga natural na paraan para gawin ito. Kabilang na ang mga sumusunod:
- pag-ehersisyo
- pakikipagtalik
- pagkain ng maaanghang na pagkain
- pag-inom ng raspberry leaf tea
May masamang epekto ba ito sa mga buntis?
Siguro ay natatanong ninyo, “may masama bang epekto ang primrose oil sa buntis?” At tulad ng maraming alternative forms ng medicine, may pros at cons ang paggamit nito.
Pagdating sa mga cons, kabilang na rito ang pagnipis ng dugo kapag umiinom ng oil. Bukod dito, posible rin itong maging sanhi ng komplikasyon sa panganganak, at minsan nagiging sanhi ito ng sakit ng ulo, o pananakit ng tiyan.
Pero siyempre, desisyon pa rin ng ina kung ano sa tingin niya ang pinaka-angkop na paraan ng pag-induce ng labor. Ngunit mahalaga na magpakonsulta sa doktor at huwag sumubok ng kung anu-anong gamot para siguradong ligtas ang iyong anak.
Source: Healthline
Basahin: Accupressure points para makapag-induce ng labor
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!