Kung ikaw ay tatanungin kung paano manganak ang babae, paano mo ito sasagutin? Napakaraming bagay na kailangang isipin at alamin, kaya’t hindi madaling sabihin sa isang ina kung paano siya dapat manganak
Kaya’t para sa mga inang nagbubuntis, mahalagang malaman kung ano ang puwede nilang gawin para mapadali ang kanilang panganganak. Kaya’t heto ang ilang mga tips upang mapadali ang panganganak!
Paano manganak ang babae? Heto ang dapat mong malaman
Ang acupressure ay isang uri ng alternative medicine na nagsasabing nagkakaroon ng iba’t-ibang epekto ang pagpisil o pagmasahe ng iba’t-ibang pressure points ng katawan. Halos kaparehas din ito ng acupuncture na gumagamit naman ng karayom.
Sa acupressure naman, pagmamasahe ang ginagamit, kaya’t maraming mas gusto ito, lalo na ng mga takot sa karayom.
Sa pamamagitan ng pagpisil sa mga pressure points na ito, ay napapaganda ang kalusugan, at nakakapagpagaling sa mga sakit. Ito ay dahil binabago ng acupressure ang mga chi points kung saan dumadaloy ang energy ng katawan.
Kasama na rito ang pagbubuntis. At mayroon daw 4 na acupressure points na makakatulong upang mapadali ang panganganak ng mga ina. Ating alamin kung anu-ano ang mga ito.
Anu ano ang mga pressure point na ito?
Sa gitna ng hintuturo at hinlalaki
Ang unang acupressure point ay tinatawag na LI4. Ito ay matatagpuan sa gitna ng iyong hintuturo, at ng iyong hinlalaki.
Ang acupressure point daw na ito ay nakakaapekto sa large intestine, at nakakapaginduce ng labor. Sinasabi ng ilang eksperto na makakatulong daw ang pagmasahe ng acupressure point na ito upang mabawasan ang labor pain.
Sa loob ng iyong binti, sa bandang taas ng bukung-bukong
Ang SP6 na pressure point naman ay matatagpuan sa bandang taas ng bukung-bukong, sa loob na bahagi ng iyong binti.
Ito raw ay konektado sa kalusugan ng spleen ng isang tao. Ngunit ang pagmasahe daw sa bahaging ito ng katawan ay nakakatulong upang pabilisin ang labor at bawasan ang labor pain.
Sa gitna ng dulo ng spine, at taas ng dimple ng iyong puwit
Ito naman ang tinatawag na BL32 na pressure point. Ang pressure point na ito ay karaniwang nagkakaroon ng epekto ng pamamanhid, at madalas itong minamasahe upang mapawala ang lower back pain.
Hindi pa napapatunayang nakakatulong ito sa labor pain, pero marami ang nagasasabi na nakakabawas daw ito ng sakit sa panganganak.
Sa likod ng bukung-bukong, bandang taas ng Achilles tendon
Ito naman ang tinatawag na BL60 na pressure point. Ito ay makikita sa likod ng bukung-bukong, sa bandang taas ng Achilles tendon.
Ito raw ay nakakatulong na makabawas ng labor pain, pero hindi pa rin napapatunayan kung epektibo nga ba o hindi.
Importanteng malaman ng mga ina na ang acupressure ay bahagi lang ng pain relief sa panganganak. Minsan kung hindi talaga kaya ng ina ang sakit ng panganganak, mas mabuting gumamit ng epidural upang hindi maging labis ang sakit ng panganganak.
Desisyon naman ng ina kung ano ang angkop na paraan ng panganganak para sa kaniya. Mahalaga rin ang kumonsulta sa iyong doktor upang malaman kung anu-ano ang mga uri ng pain relief na makakatulong sa iyong panganganak.
Source: Medical News Today
Basahin: Tamang pag ire sa panganganak: Hindi pala ito dapat minamadali!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!