Ex ng asawa o partner mo, dapat bang maging kaibigan mo? Alamin dito ang sagot ng mga eksperto.
Mababasa sa artikulong ito:
- “Nakikipagkaibigan na ex ng partner ko”
- Advice ng ibang moms
- Dapat bang makipag-kaibigan sa ex ng asawa o boyfriend mo?
- Paliwanag ng Psychology tungkol dito
“Nakikipagkaibigan na ex ng partner ko”
Isang momshie na miyembro ng ating theAsianparent community ang humingi ng payo sa kapwa niya mga momshies.
Ang gumugulo sa isip ni momshie ay ang pakikipag-kaibigan umano ng ex ng kaniyang boyfie na humihirit pa ng bonding time sa pagitan nilang dalawa. Ang tanong ni momshie, dapat bang maging friend sila ng ex ng boyfriend niya?
Pero kung ikaw ang mapupunta sa ganitong sitwasyon, makikipag-kaibigan ka ba sa ex ng asawa o boyfriend mo? Bakit hindi at bakit oo?
Tanong ni Mommy:
Ito naman ang naging sagot at payo ng iba pang momshies na napagdaanan na ang parehong sitwasyon. Habang ang iba naman ay nagbahagi ng kanilang espekulasyon.
Payo ng iba pang mommies
Isang mommy ang nagsabi na hindi raw dapat umano siya makipagkaibigan dahil baka umano may maitim na balak ito at ahasin pa ang kaniyang partner.
Samantala sabi naman ng isang mom, “Friends pwede, pero ‘yong makipag-bond(bonding), ‘wag na lang. May hidden agenda ‘yan for sure.”
Sabi pa ng iba pang mommy,
Pero kung ikaw ang mapupunta sa ganitong sitwasyon, makikipag-kaibigan ka ba sa ex ng asawa o boyfriend mo? Bakit hindi at bakit oo?
Kung hindi pa buo ang isip mo, maaring makatulong ang mga payo at paliwanag na ito ng mga eksperto.
Dapat bang makipag-kaibigan sa ex ng asawa o boyfriend mo?
-
Oo, kung mismong partner mo ang naglalapit sa inyo at matagal na silang naghiwalay.
Ayon sa relationship expert at psychotherapist na si Denise Limongello, kung ang iyong partner ay friends pa rin sa kaniyang ex ay dapat mo ring maging kaibigan ito.
Dahil kailangan mong tanggapin na ito ay may mahalagang parte sa buhay niya. Kung ano man ang mayroon sila noon ay tapos na. Dagdag pa niya ay kailangan mong pagkatiwalaan ang partner mo lalo na ang pagsasama ninyo.
Sapagkat hindi naman daw makikipag-kaibigan ang partner mo sa kaniyang ex ng walang dahilan. Kung ang partner mo mismo ang naglalapit sa ‘yo sa kaniyang ex ay isang palatandaan ito na sila ay walang masamang ginagawa. At ang pakikipag-ibigan sa kaniyang ex ay hindi makakasama sa pagsasama ninyo.
-
Hindi, kung fresh pa ang hiwalayan o breakup nila.
Ngunit, kung fresh pa raw ang breakup ng iyong partner at kaniyang ex ay hindi mo dapat payagan ito. Dahil may tendency na manumbalik ulit ang kanilang feelings na isang malaking threat sa relasyon ninyo. Payo ni Limongello, kausapin ang iyong partner tungkol dito at maging honest sa nararamdaman mo.
Sinang-ayunan naman ito ng breakup coach na si Trina Leckie. Ayon sa kaniya, hindi raw dapat maging malapit sa ex ng asawa o partner mo. Lalo na kung ang kanilang naging breakup o hiwalayan ay maituturing na bago o kailan lang nangyari.
Sapagkat maaaring hindi pa tuluyang nakakamove-on ito sa kanilang naging relasyon bagamat para sa partner mo ay finished and over na ito.
-
Kung makikipagkaibigan ay iwasang maging too close o limitahan ang friendship ninyo.
Larawan mula sa Shutterstock
Kung sakali naman daw na makikipag-kaibigan sa ex ng asawa o boyfriend mo ay dapat limitahan ito. Sa madaling salita ay iwasan ang pagiging too close sa kaniya. Sapagkat maaari raw itong simulan ng drama o jealousy issues kahit na naging maganda ang simula ng pagkakaibigan ninyo.
Pero kung wala naman umanong nagiging problema sa friendship sa pagitan mo at sa ex ng asawa o boyfriend mo, isaisip lang na dapat may mga bagay sa relasyon o pagsasama mo ng iyong partner na hindi mo na ikinukwento sa kaniya.
Hindi mo rin umano dapat ikinukumpara ang sarili mo sa kaniya o ‘yong relasyon ninyo sa naging relasyon nila. Ang problema sa pagitan ninyong mag-asawa o mag-partner ay dapat nilulutas ninyong dalawa. Hindi na kailangan pa ng tulong ng ex niya.
Anuman ang maging desisyon mo sa ganitong sitwasyon ay laging tandaan na maliban sa pagtitiwala sa partner mo ay dapat pagkatiwalaan mo rin ang instinct mo.
Paliwanag ng Psychology tungkol dito
Kung hindi pa buo ang isip mo, maaaring makatulong ang mga payo at paliwanag na ito ng mga eksperto.
Isinulat ni Dr. Gary Lewandowski Jr., isang dating propesor at pangulo ng Department of Psychology sa Monmouth University, ang isang artikulo tungkol sa kung dapat ka bang makipagkaibigan sa iyong ex.
Sila ay nagsagawa ng pag-aaral upang makita kung ano ang mga dahilan kung bakit nananatiling nakikipagkaibigan ang isang tao sa ex niya.
Upang matukoy ang mga dahilan ng mga tao sa patuloy na pakikipagkaibigan sa dating karelasyon. Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng 288 kalahok na nasa hustong gulang (edad 18–62 taong gulang) at kanilang sinuri ang isang listahan ng 29 na posibleng dahilan para manatiling magkaibigan sila ng kanilang ex.
Lumabas sa pag-aaral na may 4 na motibasyon ang tao kung bakit sila nakikipag-kaibigan sa dating karelasyon.
- Seguridad: Ang pananatiling magkaibigan ay upang hindi mawala ang emosyonal na suporta, payo, o tiwala ng dating karelasyon. Gusto mo na manatili ang ex mo malapit sayo dahil sa pinanghahawakan mo ang dati ninyong pinagsamahan.
- Praktikal: Pananatiling magkaibigan upang maiwasang mawalan ng suportang pinansyal ng dating karelasyon. O kaya naman ang katayuan sa lipunan na nauugnay sa relasyon, o dahil mayroon kang anak o magkabahagi kayo ng mga ari-arian.
- Pagiging civil: Pananatiling magkaibigan para lang maging magalang. Para hindi masaktan ang damdamin ng dating kapareha, maiwasan ang komprontasyon. Pwedeng dahil rin nakokonsensya ka sa pakikipaghiwalay sa kanila.
- Hindi pagkakaintindihan sa damdamin ng isa’t isa: Pinapanatili ang pagkakaibigan dahil ayaw mong mag-isa. Upang mapanatili ang sekswal na pakikipag-ugnayan, at dahil umaasa ka pa rin na muling buhayin ang isang romantikong relasyon sa pagitan ninyong dalawa.
Kung ikaw naman mismo na kasalukuyang partner ang gustong kaibiganin ng ex ng asawa o boyfriend mo. Siguraduhing hindi nagtapos sa hindi pagkakaintindihan si boyfie at ang ex niya. Maaari itong pagmulang ng selos.
Karagdagang ulat mula kay Kyla Zarate
Source:
Elite Daily, Pschology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!