Exercise para sa mga bata, ano nga ba ang naitutulong sa kalusugan at development nila ng martial arts?
Mababasa dito ang sumusunod:
- Mga epektibong exercise para sa mga bata.
Ang mga bata ngayon ay pinapaligiran ng mas maraming bata kumpara sa mga dating henerasyon. Habang nakakatulong sa buhay ang maraming kagamitan, maaari silang magdulot ng negatibong epekto kapag dito na umiikot ang mundo. Makikita ito sa mga bata na tila sa lahat ng oras ay nakatutok lang sa mga gadgets, at tila ay kulang ng mga exercise para sa mga bata.
Marami online ang hindi dapat sa mga bata, at nakabuo din ito ng bagong uri ng harassment na tinatawag na cyberbullying.
Hindi ibig sabihin nito ay lahat ng mga makabagong kagamitan ay masama. Ang smartphones at iba pang modernong tech ay nagpapadali rin ng buhay ng mga magulang. Nakakatulong itong makausap ang mga bata ano mang oras at may ilang apps na nakakapag-track gamit ang GPS!
Anu-ano ang mga epektibong exercise para sa mga bata?
Pagdating sa karamihan ng mga makabagong kagamitan na ito, katamtaman lamang dapat. Walang masama sa pagbalita ng mga bata sa kanilang mga kaibigan o pag de-stress sa paglalaro nang isang oras. Ang hindi dapat ay ang paggawa ng mga ito buong araw.
Ito ang ilang epektibong exercise para sa mga bata para maging mas-aktibo sila. Malalayo sila nito sa kanilang mga screen nang hindi nila napapansin ang ginagawa mo:
1) I-enroll sila sa martial arts
Image source: iStock
Maraming mga bata ang nahuhumaling sa pambatang martial arts classes kapag nasimulan nila ito. Ano bang hindi magugustuhan? Masaya ang martial arts at walang dalawang klase ang nagkakapareho. Marami silang makikilalang iba pang bata at magkakaroon ng bagong kaibigan agad.
Napapabuti ng martial arts ang kanilang personal fitness habang natututo ng magagarang techniques na magagamit para depensahan ang sarili panghabangbuhay. Natuturuan din sila ng iba pang mahahalagang turo tulad ng disiplina, pagti-tiyaga, respeto, at lohikal na pag-iisip kapag nahihirapan.
Matutunan lahat ito ng mga bata habang nag-eenjoy. Hindi sila kailangang piliting pumunta sa kanilang martial arts class. Ito ay aktibidad na aabangan nila at sila mismo ang magbababa ng kanilang mga phone at magpapa-alala sayo na oras na para pumunta sa martial arts gym.
Ang pag-aaral ng martial arts ay naghahanda sa bata sa mga maaari nilang harapin sa paaralan at sa pagtanda. Sila ay magiging mastiwala sa sarili dahil sa training, at dahil dito ay masmababa ang tsansang maging biktima ng bullying. Ang kanilang pakikisama sa ibang mga bata sa dojo at magiging oportuniyang mapabuti ang kanilang social skills. Ito ay mahalaga sa mga bata na nahihirapang gumawa ng mga bagong kaibigan sa paaralan.
2) Hikayatin sila na magkaroon ng mga hobby o maging bahagi ng mga extracurricular activity
Karamihan sa mga paaralan ay naghahandog ng maraming extracurricular activity, at sguradong may ilan ditong ikakatuwa ng iyong anak. Hikayatin silang sumali sa mga hilig nila tulad ng paglangoy, basketball, at gymnastics. Natutulungan nito ang bata na makabuo ng social bonds sa iba nang hindi gumagamit ng teknolohiya. Epektibo at enjoyable rin na exercise para sa mga bata mga sports na ito.
Pinipigilan din sila nitong mainip sa kanilang daily routine – na isa sa mga rason kung bakit madalas sila sa mga smartphones o paglalaro ng video games.
3) Mag-schedule ng mas maraming oras sa pamilya
Image source: Evolva MMA
Ang pag-schedule ng masmaraming oras sa pamilya ay nakakatulong sa iyong obserbahan ang gawain ng mga anak at mapansin kung masyado na silang madalas sa kanilang smartphones o iba pang distractions. Kung ito ang kaso, maaaring ipagbawal ang paggamit ng teknolohiya. Siguraduhin lamang na susundan mo rin ang iyong sariling rules at maging mabuting halimbawa.
Ang oras sa pamilya ay hindi dapat sa pagkain lang. Maaaring bumuo ng masasayang laro at aktibidad na ikakatuwa ng buong pamilya. Ang pag-enjoy sa teknolohiya kasama ang mga bata ay makakatulong maturuan sula kung paano ito gamitin nang tama.
4) Magtalaga ng mga gawain
Kakailanganing ibaba ng iyong anak ang mga gadgets kapag gumagawa ng gawaing bahay. Nakakatulong din itong bumuo ng sense of responsibility. Natutulungan din nito ang iyong buhay sa pagiging magulang. Kaya siguraduhin na bawat bata ay may kahit isang bagay na responsibilidad nila sa bahay araw-araw. Best exercise para sa mga bata rin ang paggawa ng mga gawaing-bahay.
Kung posible, subukang ipagawa ang mga gawaing bahay nang sabay-sabay. Sa ganitong paraan, maaaring maging mabuting halimbawa sa kanila at maaaring mag-enjoy ang buong pamilya na nakikinig ng mga tugtugin habang naglilinis.
5) Gawing bahagi ng araw-araw ang exercise
Image source: Evolva MMA
Ayon nga sa kasabihan, ‘ang masiglang katawan ay daan sa masiglang pag-iisip’. Ang mga batang physically fit ay masbihirang makadevelop ng emotional issues na kadalasang nagiging daan sa bata na gustuhing gumamit gadgets.
Laging humanap ng paraan para mapanatili silang aktibo. Kung ligtas sila na maglakad o mag-bisikleta papuntang paaralan araw-araw, hikayatin silang gawin ito. Kung mapagkumpitensya ang bata, masmalamang na lumaki silang masaya at may self-control.
6) Magtalaga ng mga hangganan
Image source: Evolva MMA
Ikaw ang magulang, kaya magtalaga ng hangganan kung tingin mo ay sobra na ang nabubuhos na oras online o sa paglalaro ng video games. Siguraduhin lamang na makatarungan ang iyong hangganan. Ang pagtalaga ng hindi makatarungan na hangganan ay mas malamang na makapagpa-rebelde at magpahanap ng paraan na gawin ito nang hindi mo alam.
Hayaan ang batang gawin ang mga bagay na ikinatutuwa nila, basta bigyan sila ng time limit. Halimbawa, isang oras ng video games matapos gawin ang mga homework.
Isang magandang paraan para ipaintindi sa bata ang halaga ng oras at ang pagpapakita sa kanila ng ibang bagay na maaari nilang gawin. Kaya mahalaga na hikayatin ang bata na lumahok sa ibang aktibidad dahil napapakita nito sa kanila kung gaano kasaya ang ibang bagay na mas makakatulong sa kanila.
Kung hindi maalis sa smartphone o video game console ang bata, bigyan sila ng martial arts para makita kung ito ang sagot para matulungan silang mag-enjoy sa ibang bagay. Mag sign-up na para sa trial class!
Ang article na ito ay unang na-publish sa Evolve MMA at ini-republush sa theAsianparent nang may pahintulot.
Basahin: 7 reasons why you should introduce exercise to your kids early on
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!