Expanded maternity leave benefits para sa mga working mom, tax-free na ayon sa BIR.
Expanded maternity leave benefits
May magandang balita ang BIR o Bureau of Internal Revenue sa mga working moms! Tax-free na ang expanded maternity leave benefits na makukuha nila matapos ang panganganak.
Mula rin sa 100% average daily salary credit ay makukuha na ng buo ng mga working moms ang kanilang sahod sa isang buwan. Ito ay sa oras na sila ay gumamit ng kanilang expanded maternity leave benefits. Dagdag rin dito ang salary differential na itinuturing ng BIR na isang benefit kaya naman exempted narin sa withholding at income tax.
“The maternity benefit of the female worker has been expanded from the previous 100% of the average daily salary credit to a full pay or salary which includes now the salary differential as its component, aside from the added duration of the maternity leave. Accordingly, it is therefore clear that salary differential is considered as a benefit.”
Ito ang pahayag ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay sa inilabas na sirkular ng ahensya.
Ikinatuwa naman ang balitang ito ni Senator Risa Hontiveros na principal author at sponsor ng Expanded Maternity Leave Law.
“Ito ay isang maagang pamasko sa lahat ng mga working nanay at kanilang mga babies. Sa isang panahon na kaliwa’t kanan ang ating mga binabayarang buwis, tax-free na ang expanded maternity leave benefits ng mga kababaihan!”
Ito ang pahayag ni Hontiveros.
Expanded Maternity Leave Law
Sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law o Republic Act No. 11210 ay naging 105 days ang maternity leave credit ng isang working mom mula sa dating 60 days. May option din silang i-extend ito ng dagdag na 30 days bagamat ito ay hindi na babayaran.
Habang may dagdag na 15 days leave credits naman ang mga solo mothers sa ilalim ng batas.
Kaya naman maliban sa pagkakaroon ng mas mahabang oras ng isang working mom na maalagaan ang kaniyang anak, ay napalaking tulong ng bagong balita na ito sa mga nanay na sapat lang ang kinikita para sa kanilang pamilya.
“Healthy hindi lamang si nanay at ang kanyang baby, healthy din ang bulsa natin.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Hontiveros.
May probisyon rin sa ilalim ng Expanded Maternity Leave benefits na mabigyan ng 7 days paternity leave ang mga ama sa oras ng panganganak ng kanilang misis. Ito ay tinatawag na “daddy quota provision”.
Samantala, ang mga working moms na covered ng tax exemption ay ang mga nagtratrabaho at may sweldo na mas higit pa sa nakukuhang SSS benefit. At ang may mga employer na required na magbayad ng difference sa pagitan ng kanilang SSS benefit at aktwal na sahod.
Source:
Senate of the Philippines, Business World, GMA News
Photo: Freepik
Basahin: 8 facts tungkol sa Expanded Maternity Leave Law
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!