Kalituhan sa expiration date sa mga pagkain

Sa bawat kabahayan, umaabot sa nasa 20% ng mga pagkain ay nasasayang dahil sa kalituhan pagdating sa expiration date na nakikita sa mga pagkain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Use before,” “best before,” “sell by,” at iba pa — Marami na tayong nakitang iba’t ibang mga naka sulat o tatak sa mga pagkain. Kadalasan, isang tema lamang ang ginagamit ng mga kabahayan upang basahin ang mga ito, expiration date. Ngunit, ito ang dahil dito, maraming pagkain ang nasasayang mula sa mga kabahayan. Ang salarin, ay ang kalituhan sa mga ibig sabihin ng mga petsa na nakalagay sa mga nabibiling pagkain.

Sayang na pagkain

Marami ang nalilito sa iba’t ibang mga nakatatak sa mga lalagyan ng pagkain. Ang akala ng iba ay expiration date ang nakikitang petsa ngunit ito pala ay kung hanggang kailan mananatili ang kalidad ng pagkain. Ibig sabihin, hindi pa sira ang pagkain, nagbago lamang nang bahagya ang lasa o texture ng nasabing pagkain.

Ayon kay Nathan Arnold, press officer ng Food and Drug Administration, marami ang nalilito sa iba’t ibang format. Sa totoo, nasa 20% ng nasasayang na pagkain sa mga kabahayan ay dahil sa pagkakalito na ito pagdating sa ‘expiration date.’ Upang maka-iwas na magkasakit o kaya ay ma-food poison, maraming pagkain ang naitatapon dahil sa hindi pagkakaintindi sa petsa. Ang nasasayang na pagkain ay dulot ng pag-iingat.

Ayon naman sa Center for Disease Control, tinatayang aabot ng 48 milyon na kaso ng sakit mula sa pagkain ang natatala sa United States. Ibig sabihin nito, isa sa anim na mamamayan duon ay nagkakasakit dahil sa pagkain.

Upang maiwasan ang pagkalitong ito, sinusuportahan ng FDA ang isang unipormadong format. Sa mungkahing ito para sa mga gumagawa ng pagkain, sinasabi na ang ilagay sa petsa ay “Best if used by.” Sa paraan na ito, malaki ang mababawas sa mga nasasayang na pagkain sa mga kabahayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gamitin ang FoodKeeper app

Isa pang paraan upang malaman ng mga konsumer kung maaari pang kainin ang kanilang pagkain. Isa na dito ang FoodKeeper na app. Ito ay mula sa Department of Agriculture ng United States. Sila ay tinulungan ng Cornell University at Food Marketing Institute.

Ang FoodKeeper ay nagsisilbing patnubay sa mga gumagamit nito. Tumutulong ito upang matukoy kung hanggang kailan ang itatagal ng mga pagkain depende kung paano ito itatago. Maaaring sa pantry, sa refrigerator o sa freezer, halos lahat ng klase ng pagkain ay may ibinibigay na kaalaman ang nasabing app.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbibigay din ang app ng mga payo kung paano itatago ang mga pagkain upang mapanatili ang kalidad nito. Layunin nitong mapanatili ang sarap ng mga pagkain habang binabawasan ang nasasayang na pagkain. Ganun pa man, nais ipaalala ng mga developers nito na ito ay isang gabay lamang at hindi kasiguraduhan.

Isa sa mga pinakamabisang paraan para maiwasan ang sayang na pagkain ay nagsisimula sa pagbili ng pagkain. Dapat ay bumili ng risonableng dami lamang at huwag masyadong patagalin ang mga pagkain sa pinagtataguan nito. Sa pamamagitan ng pagbili ng tamang dami, tamang pagtatago, at pagluluto ng sapat na dami, makakapagtipid ang mga mamimili at makakabawas sa mga nasasayang na pagkain.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: USA Today

Basahin: 4 na dahilan kung bakit hindi dapat uminom ng antibiotic nang walang reseta