Naranasan na ba ng iyong anak na ma-irita ang mga mata at naitanong mo na rin ba kung safe ba ang Eye Mo o iba pang eye drops para sa kids? Dapat ba silang patakan ng eye drops kaagad kung irritated ang kanilang mata? Alamin ‘yan dito!
Safe ba ang eye mo para sa bata at baby?
Ang Eye Mo na isang uri ng eye drops ay ginagamit para basain ang mata ng isang tao at para gamutin ang ilang eye condition katulad ng dry eyes, red eyes, pangangati at burning.
Kapag gumamit ng eye drops, normal lamang na maramdaman ang pagiging blurry ng paningin at kaunting pamumula. Ito naman ay tatagal lang ng ilang minuto at babalik din sa normal.
Image from Freepik
Kung ang eye drops ay prescribed ng inyong doktor, ipatak lamang ito sa mata na infected, maliban na lang kung sinabi ng doktor na parehong mata ang papatakan.
Maghugas din muna ng kamay at siguraduhing maikli ang iyong kuko bago patakan ang bata ng eye drops. Dahil hahawakan mo ang mata ng iyong anak at may posibilidad na siya ay pumiglas, maaring magdulot ng aksidente kung mahaba ang mga kuko mo.
Safe ba ang Eye Mo para sa kids?
Maari lang na makasama ang eye drops sa oras na mali ang pagkakagamit mo nito o kung ito ay nabuksan na at itinabi nang matagal. Hindi kasi advisable na patagalin ang eye drops dahil maikli lamang ang shelf life nito. Bagama’t mayroon itong expiration date na 12 months, ipinapayo pa rin ng mga eksperto na magbilang ng kahit 3 buwan mula sa araw na ito ay nabuksan.
Image from Freepik
Dahil ang madalas lang naman na eye injury na natatamo ng mga bata ay kapag nalalagyan sila ng sabon o dumi sa mata — maaring gumamit ng eye drops para maibsan ang hapdi o pangangati nito.
Pwede ba ang Eye Mo sa bata?
Ayon sa drug information na nakasaad sa website ng MIMS, ang bawat milliliter ng Eye Mo ay mayroong 0.5 g Tetrahydrozoline HCI. Ginagamit ito para agad na maibsan ang pamumula ng mata at ilang minor discomfort na dulot ng mga irritant.
Pwede ba ang Eye Mo sa mga bata at baby? Nakasaad sa dosage at direction for use ng Eye Mo, maaaring magpatak ng 1 hanggang 2 drops sa bawat mata nang tatlo hanggang apat na beses araw-araw ang mga nakatatanda at mga batang higit anim na taong gulang na ang edad.
Subalit, ang mga bata naman na wala pang anim na taon ay huwag pagagamitin ng eye drop na ito. Kung sanggol o batang edad 1 hanggang 5 ang makaranas ng eye irritation, mabuting kumonsulta na lamang sa doktor para malaman kung ano ang maaaring gamot para dito.
Tandaan din na huwag lalampas sa nakasaad na dosage ang paggamit nito. Kung kokonsulta sa doktor, mahalagang sundin ang prescription nito kung ilang beses sa isang araw dapat magpatak depende sa inyong kondisyon.
Isa pa, kung ang pasyente ay allergic sa tetrahydrozoline o iba pang ingredients tulad ng boric acid at benzalkonium chloride, bawal din itong gumamit ng Eye Mo. Pati na rin ang mga pasyente na mayroong glaucoma o scratched cornea.
Iba pang puwedeng gawin kung irritated ang mata ng bata o baby
Image from Freepik
Sa oras na makaramdam ng discomfort ang iyong anak sa mata, huwag gawin na first aid ang eye drops. Subukan munang alisin ito gamit ang running water. Paano ito gagawin? Itapat lang siya sa lababo o shower at buksan nang marahan ang tubig. Subukang tamaan ang parte na mahapdi o makati habang hinahawakan pababa ang kanyang lower lid. Maari itong gawin nang paulit-ulit hanggang mawala ang discomfort.
Siguraduhin lamang na hindi lang nito pinapalala ang sakit ng mata na nararamdaman ng iyong anak. Pigilan din silang kamutin ang mata dahil maari naman itong magdulot ng scratched eye o corneal abrasion kung saan magkakasugat ang loob ng kanilang mata dahil sa dumi na pumasok dito.
Para hindi na kailanganing hawakan ang kanilang mata, puwede mo ring subukan na hipan ang kanilang mata kung saan nila itinuturo ang makati o masakit.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Sa oras na lumala ang kanilang nararamdaman o magdulot na ito ng pamamaga, dito mo na kailangang dalhin siya sa eye doctor o ophthalmologist upang mapatignan. Kung makaranas din sila ng panlalabo ng mata, maaring sanhi na ito ng iba pang eye infection kaya naman huwag lang silang basta-bastang bibigyan ng eye drops o eye medication.
Paano maiiwasan ang eye irritation sa bata
Upang maiwasan ang eye irritation sa mga bata, maaaring sundin ang mga sumusunod na hakbang:
Panatilihing malinis ang kamay
- Siguraduhing laging malinis ang kamay ng bata. Turuan sila na huwag kusutin o hawakan ang kanilang mga mata nang madalas.
Iwasan ang alikabok at polusyon
- Panatilihin ang kapaligiran ng bata na malinis at walang alikabok. Iwasan din ang mga lugar na may mataas na antas ng polusyon.
Gamitin ang tamang mga produkto
- Gumamit ng hypoallergenic na mga produkto sa paligid ng mata ng bata, tulad ng mga sabon at shampoo. Iwasan ang mga produktong may malalakas na kemikal.
Protektahan ang mata
- Kapag nasa labas, maaaring gumamit ng sombrero o sunglasses para protektahan ang mata ng bata mula sa sikat ng araw, alikabok, at iba pang mga irritants.
Limitahan ang oras sa harap ng screen
- Limitahan ang oras ng bata sa harap ng mga screen tulad ng computer, tablet, at TV upang maiwasan ang digital eye strain.
Ipaghinga ang mata
- Turuan ang bata na ipahinga ang mata pagkatapos ng ilang oras ng pag-aaral o pagbabasa.
Regular na pagbisita sa doktor
- Regular na ipasuri ang mata ng bata sa isang pediatrician o ophthalmologist para matukoy agad ang anumang problema at maagapan ito.
Iwasan ang Exposure sa Allergens
- Kung ang bata ay may allergy, iwasan ang mga allergens na maaaring magdulot ng eye irritation, tulad ng pollen, alikabok, at pet dander.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito, makakatulong kang mapanatili ang kalusugan ng mata ng iyong anak at maiwasan ang eye irritation.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Basahin: Inakalang sore eyes ng baby, herpes na pala
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!