Eyedrops ginamit na lason ng misis upang patayin ang kaniyang mister!

Hindi pa rin alam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen, ngunit umamin na ang asawa na nilason niya ang kaniyang mister gamit ang eyedrops

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas nakakarinig tayo ng mga kwento kung saan ginagamit ang mga pampatak sa mata, o eyedrops bilang lason. Kung tutuusin, nakakagulat isipin na ang isang produkto ginagamit natin sa mata, ay posible palang maging nakamamatay na lason. Kaya’t minsan ang ibang tao ay hindi naniniwalang puwedeng gamitin ang eyedrops sa ganitong paraan.

Ngunit ang katotohanan ay lubhang mapanganib ang eyedrops kapag nakain o kaya naman ay nainom. At ito ang naging sanhi ng pagkamatay ng isang mister, na nilason ng kaniyang misis gamit ang mga pampatak sa mata.

Eyedrops, nakamamatay nga ba?

Nilason di umano ni Lana Clayton ang kaniyang asawang si Stephen gamit ang eyedrops. Source: Washington Post

Hinula sa South Carolina, sa Amerika ang isang misis matapos mapag-alaman na nilason niya ang kaniyang mister gamit ang pampatak sa mata.

Ang 64-anyos na si Stephen Clayton ay natagpuang patay noong July 21. Matapos ang autopsy, napag-alaman na mayroong mataas na lebel ng tetrahydrozoline sa kaniyang katawan. Ang tetrahydrozoline ay ang active ingredient na nilalaman ng mga pampatak sa mata. Ang kemikal na ito ay nakakatulong upang makawala ng pamumula sa mata, ngunit kung ito ay inumin o kainin, ito ay nagiging lason.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Agad namang umamin ang asawa ni Stephen na si Lana Clayton sa krimen. Sinabi niya na ilang araw bago mamatay ang asawa ay nilalagyan niya ng pampatak sa mata ang tubig nito.

Hindi makapaniwala ang pamilya ni Stephen sa pangyayari. At mas lalong hindi nila inasahan na ang mismong asawa ni Stephen ang magiging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Sa kasalukuyan, wala pa ring natagpuan na motibo ang mga pulis tungkol sa krimen. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Huwag hayaang abutin ng mga bata ang gamot

Ang mga gamot ay nakakasagip ng buhay ng tao, at nakakatulong upang mapawala ang mga sakit. Ngunit kung mali ang paggamit dito, ay siguradong makakasama sa kalusugan ng tao.

Kaya’t importante sa mga magulang na huwag hayaang abutin ng mga anak ang mga gamot, dahil posible itong maging lason sa kanila. Kadalasan, inaakala ng mga bata na kendi o laruan ang mga gamot. At kapag sinubo na nila ito, makakasama ito sa kanilang kalusugan.

Heto ang ilang tips para masiguradong safe ang inyong mga anak:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Huwag ilagay ang mga gamot o kemikal sa lugar na madaling maabot ng mga bata.
  • Lagyan ito ng mga warning label, at i-lock sa cabinet o lalagyan kung kinakailangan.
  • Turuan ang inyong mga anak na umiwas sa ganitong mga kemikal dahil makakasama ito sa kanila.
  • Huwag hayaang nakabukas ang takip ng gamot o mga kemikal, dahil baka matulak o maabot ito ng mga bata at may mangyaring aksidente.
  • Kung malason ang iyong anak, o makainom ng sobra-sobrang gamot, dali daling dalhin sa ospital. Huwag agad pasukahin, lalo na kung nakainom ng bleach o kaya mga lason na nakakasugat sa lalamunan.

Source: Time

 

Basahin: Masama nga ba o mabuti ang paggamit ng coconut oil?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara