Kapag bumisita kayo sa aking tahanan, ay makikita ninyo ang aking 91-year-old na lola na nagpapahid ng coconut oil sa kanyang itim na buhok. Medyo naiinis ako dito, dahil kung saan-saan napupunta ang coconut oil! Ngunit naiinggit din ako sa kaniya, dahil mas marami pa akong itim na buhok. Dahil dito, inakala ko na mabuti ang paggamit ng coconut oil. Ngunit ayon sa Harvard professor na si Dr. Karin Michaels, ito raw ay lason.
Mabuti nga ba o masama ang paggamit ng coconut oil? Heto ang aking natagpuan.
Sa Asya, ginagamit ang coconut oil pangmasahe, pati na rin sa pagluluto.
Niyog: Ang ‘swiss knife’ ng mga puno!
Bilang mga Asyano, hindi lang sa pagluluto at pagkain natin ginagamit ang coconut oil. Ito rin ay ginagamit natin sa pagmamasahe pati na rin sa buhok.
Sabi nila na bawat bahagi ng niyog ay mayroong silbi. Pwedeng inumin ang tubig nito, makakakuha ka ng langis sa laman, pwedeng gawing kubo ang dahon, at makakakuha ka din ng coir mula sa niyog. Ang mga troso ng niyog ay ginagawang bangka, at pwedeng gawing asukal ang dagta galing sa bulaklak nito. Sa India, tinatawag itong “Kalpavriksha” o puno ng buhay.
Kaya’t nakakagulat nang biglang sabihin ni Dr. Karin Michaels sa isang speech na in-upload saYouTube na lason ang coconut oil.
Dali-dali naman siyang humingi ng paumanhin, at sinabing mali ang kaniyang mga salitang ginamit. Ang gusto niyang sabihin ay isang uri ng saturated fat ang coconut oil, at dahil dito, dapat hindi sumobra ang paggamit dito.
Ngunit wala namang itinatago si Dr. Michaels sa kaniyang sinabi. Kung tutuusin, inuulit lang niya ang naging resulta ng napakaraming pag-aaral na ginawa sa iba’t-ibang bansa.
Masama nga ba o mabuti ang paggamit ng coconut oil?
Mahalaga sa katawan ng tao ang fat. Kailangan ito ng ating katawan upang mapanatili ang ating kalusugan. Ngunit syempre, kung sumobra naman, hindi rin ito makabubuti sa atin.
Ayon sa isang presidential advisory mula sa American Heart Association, katumbas ng pag-inom ng gamot na nakakababa ng high blood ang pagbawas ng saturated fat sa pagkain.
Ang coconut oil ay may 87% na unsaturated fat. Ang olive oil, o vegetable oil naman, ay mayroong 14% na saturated fat. Dito sa Pilipinas, karamihan ng vegetable oil ay 100% na pure coconut oil ang ingredient, maliban sa vegetable palm oil.
Ngunit hindi naman masama ang paggamit ng coconut oil. Marami itong vitamin A, D, E, at K na kailangan ng ating mga katawan.
Napapanis ba ang gata ng niyog?
Mayroong dalawang paraan para malaman kung safe pa ba ang niyog at para maiwasan ang food poisoning.
Kung ito ay nakatabi sa inyong refrigerator, puwede mong amuying para malaman kung panis na ito. Ang karaniwang shelf life nito ay 2 and a half weeks. Pero hindi katulad ng fresh milk, ang gata ng niyog ay may fats at asukal kaya naman mabilis itong maka-absorb ng bacteria.
Ano ang dapat nating gawin?
Mabuting kumain ng mga pagkain na mayroong “good” fat.
Heto ngayon ang ating problema. Kailangan ng katawan natin ang fat, ngunit kapag sumobra, ito rin ay nakakasama. Kaya’t mahalagang piliin natin ang tamang dami, at tamang uri ng fat.
- Gumamit ng tamang mantika. Pinakaligtas na uri ng fat ay ang polyunsaturated fat. Ito ay matatagpuan sa sunflower oil, olive oil, soya bean oil, o safflower oil. Siguraduhing gumamit lang ng tamang dami ng mantika kapag nagluluto.
- Bawasan ang paggamit sa saturated fats. Siyempre, hindi mo naman puwedeng lagyan ng mantika ang iyong tinapay. Okay lang naman gumamit ng saturated fat tulad ng butter paminsan minsan. Hindi naman masama ang magluto nito, ngunit dapat huwag itong araw-arawin.
- Piliin ang tamang pagkain. Mayroong mabuting fat ang mga abokado, pati sunflower seeds. Kaya’t sa halip na kumain ng butter o gumamit ng ibang saturated fat, mas mabuting isama ang mga ganitong uri ng pagkain sa iyong diet.
Kahit na nakakatulong ang fat upang mapasarap ang pagkain, hindi naman ito ibig sabihin na dapat lagi natin itong kinakain. Mahalaga pa rin ang pagkain ng tama, at alagaan ang ating kalusugan.
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/coconut-oil-good-or-bad
Basahin: Coconut oil and more: Amazing health benefits of the coconut
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!