Alamin sa artikulong ito kung bakit mahalagang malaman ng asawa mo na fake lang ang iyong orgasm o kung hindi na satisified sa sex.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ano nga ba ang orgasm?
- 4 reasons kung bakit dapat ipaalam na pinepeke ang orgasm
Ano nga ba ang orgasm?
Sex ang isa sa pinakamasaya na ginagawa ng magkarelasyon. Ito ang nagbibigay madalas ng spice at nagpapatindi ng bonding ng mga magkasintahan. Sex should make you feel good also. Lalo pang nasa-satisfy ng sex ang pakiramdam ng isang tao sa tuwing naaabot nito ang “orgasm.”
Ayon sa Planned Parenthood, ang orgasm ay ang pangyayari kung saan naabot ng isang tao ang pinakamataas na antas ng kaniyang sexual arousal.
“An orgasm is what usually happens when you reach the height of sexual arousal. It usually feels really good. When you have an orgasm — aka cum or climax — sexual tension increases until it reaches a peak, and pressure in your body and genitals is released.”
Malalaman mo kung na-reach mo na ang orgasm sa tuwing makararamdam na ng pleasurable feeling sa iyong ari at buong katawan. Magko-contract kasi ang iba’t ibang muscles sa vagina, penis, at maging sa anus nang halos 5 hanggang 8 na beses. Bukod dito mararamdaman mo ring bumibilis at tumataas ang iyong heart rate at breathing levels.
Sa kalalakihan, madalas na nararanasan nila ang orgasm. Karaniwang nangyayari ito sa tuwing maglalabas ng small amount ng kanilang semen ang kanilang ari.
Sa kababaihan ay mas madalang ito nangyayari. Malalaman mong nararanasan mo na ang orgasm kung sobrang basa na ng vagina. May pangyayari pang maglalabas ng fluid na para bang ihi ang vulva. Ito ang tinatawag na female ejaculation o ang ‘squirting’.
Iba’t iba ang halos pakiramdam nito sa iba-ibang tao. Mas marami ang nagsasabing satisfying ito kaya naman ito ang goal nilang maabot sa tuwing nakikipagtalik. Lalo na sa kababaihan, mas madalas na hindi nakakaranas nito everytime they are having sex.
Sa iyong kalagayan, madalas mo bang pinepeke iyong orgasm? Kung oo, alamin ang iba’t ibang rason kung bakit ito malaman ng iyong asawa.
BASAHIN:
Does having sex while pregnant harm the baby and other pregnancy sex questions, answered!
Nabibitin ang pagtatalik? Ito ang ilang dapat tandaan kung mayroong erectile dysfunction
Tumatamlay ba ang pagtatalik niyong mag-asawa? 4 tips para maging masigla muli ang inyong sex life ayon sa experts
4 reasons kung bakit dapat ipaalam ang fake orgasm
Larawan kuha mula sa Pexels
Sa isang pag-aaral tungkol sa satisfaction ng kababaihan sa pakikipagtalik, napag-alaman ng mga eksperto na maraming kababaihan pa rin ang fake ang kanilang orgasm.
Sa data ng halos humigit kumulang 1,008 kababaihang may edad 18 hanggang 94 taong gulang, 58.8 percent dito ang nagsabing hindi totoo ang kanilang nararamdamang orgasm sa sexual intercourse.
Karaniwang pinepeke ito ng mga kababaihan dahil nais nilang ma-satisfy ang partner na sila ay napa-peak nito sa ‘climax’. Ang ganitong pangyayari ay maaaring magdulot ng epekto sa iba’t ibang aspeto ng inyong relasyon.
Kung madalas mo na itong ginagawa kailangan mo nang sabihin sa asawa mo dahil:
Larawan kuha mula sa Pexels
1. Maaaring magkaroon ng serious health condition
Kung ang dahilan ng iyong pagpepeke ng orgasm ay pagkakaroon ng pananakit sa kahit anong parte ng katawan maaaring health related na ang issue na ito. Maaari kasing nanggagaling ang sexual pain na ito sa medications, hormonal disorders, nerve damage, chronic pelvic pain o kaya iba pang seryosong sakit. Bukod dito, may malaking factor din ang past sexual experiences na maaaring pagmulan ng psychological issues.
Kaya nga mahalagang malaman ng iyong asawa upang matulungan ka niya kung sakaling health related na nga ito.
2. Pagkakaroon ng healthy communication
Kasama sa dapat pinag-uusapan ng mag-asawa ang iba’t ibang issues sa sex. Ito kasi ang madalas na gagawin ng magkarelasyon at malaking parte rin ito ng iyong pakikitungo sa isa’t isa. Mahalaga na nabubuksan din ang ganitong usapin upang mapabuti pa ang communication ninyong dalawa. Sa pamamagitan din ng pag-uusap malalaman kung paano masasatisfy ang needs ninyo when it comes to bed.
3. Pagtibay ng trust at pagpapakita ng honesty
Ang healthy na relasyon ay nakabase sa trust niyo sa isa’t isa ng partner mo. Kaya nga mahalagang honest ka sa iyong karelasyon upang makita niyang sa lahat ng bagay ay open kang sabihin ito sa kanya. Ang fake orgasm kasi ay posibleng ma-misinterpret at maaaring nasasaktan mo ang feelings ninyong dalawa.
Sa pagtatago mo nito mayroon kang hindi sinasabi sa partner mo at tanda ito ng hindi pagiging open, transparent at tapat sa kanya.
4. Pagkakaroon ng mas masarap na sexual experience
Once na napagdesisyunan mo nang sabihin ito sa iyong partner, maaari na ninyo i-explore na dalawa kung paano ninyo mae-explore na maabot ang orgasm. Sa pagbubukas ng usapin, maraming sexual exploration ang maaari ninyong malaman na maglilead upang maging mas masarap pa ang pagsasama ninyong dalawa sa kama.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!