Felicia Singson Para sa Edukasyon donation drive nakapamahagi ng gadgets at tuition fees para sa pag-aaral ng mga anak ng mga jeepney drivers sa Katipunan Avenue, Quezon City.
Felicia Singson Para sa Edukasyon donation drive
Pinatuyan ng 18-anyos na si Felicia Santos na walang tinitingnang kwalipikasyon at limitasyon ang pagtulong. Dahil kahit siya ay kakagraduate lang sa highschool ay nasimulan niya ang Para sa Edukasyon charity project. Ito ay isang donation drive na naglalayong magbigay ng tulong at suporta sa pangangailangan sa pag-aaral ng mga anak ng jeepney drivers sa Katipunan Avenue, Quezon City.
Ang proyekto niyang ito ay nag-ugat sa thesis na ginagawa ng kaniyang pinsan tungkol sa jeepney modernization project. Ito ang naging daan upang malaman niya ang hinaing at pinagdadaanan ng mga ito partikular na ang mga jeepney drivers sa Katipunan. Dahil maliban sa pagtumal ng byahe bunsod ng ipinatutupad na community quarantine sa Maynila ay maaring tuluyang bumagsak ang kanilang kita sa ngayon. Ito ay dahil sa darating na pasukan ay magsisimula na ang pagpapatupad ng online learning. Kaya naman hindi tulad ng nakasanayan ng mga estudyanteng nag-aaral sa Katipunan noon ay hindi na nila kailangan pang bumayahe at sumakay sa jeep. Ito ay mag-reresulta sa kabawasan ng kita ng mga jeepney drivers. At magiging malaking dagok sa pagbibigay ng pangangailangan ng kanilang pamilya partikular na sa pag-aarla ng kanilang mga anak.
“What we are doing in Para sa Edukasyon is we want to build relationships with these drivers so we really called them. I have a group of people who will call them regularly asking them of what they are going through. So, there’s more of a personal connection that happens.”
Ito ang pahayag ni Felicia tungkol sa kaniyang Para sa Edukasyon donation drive.
Tuition fee at gadgets para sa kanilang mga anak ngayong pasukan
Ayon nga sa kaniya, isa sa labis na ikinababahala ng mga Katipunan jeepney drivers ay kung paano magiging possible ang pag-aaral ng kanilang mga anak ngayon sa gitna ng COVID-19 pandemic. Dahil sa matumal na byahe ay wala silang pambayad ng tuition fee ng mga ito. At wala silang pambili ng gadgets para maging possible ang online learning na isinusulong na isa sa alternative learning methods ng DepEd ngayong may pandemya.
Kaya naman sa pamamagitan ng kaniyang initiative ay sinimulan niya ang proyekto. HIningi niya ang tulong ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Nangalap siya ng mga second hand gadgets na maari nilang i-donate sa mga anak ng Katipunan jeepney drivers na nag-aaral. Tumatanggap rin sila ng perang donasyon na gagamiting pambili pa ng gadgets at dagdag pambayad sa kanilang tuition fee.
Nilalayon ng Felicia Singson Para sa Edukasyon donation drive na matulugan ang 47 Katipunan jeepney drivers at pati na ang kanilang 75 na nag-aaral na mga anak.
“We are able to raise around P85,000. We have given 5 laptops, we have 2 cellphones. And we were able to help with the tuition fees of 12 children. We have 13 tablets and we are also giving face shields to all these drives.”
Mula umano noong magsimula ang proyekto nitong nakaraang buwan ay ito na ang kanilang nakalap na donasyon. Ang mga ito naman ay unti-unti ng nakarating sa mga jeepney drivers at kanilang mga anak.
Dagdag na tulong at suporta
Pero ayon kay Felicia, hindi natatapos dito ang tulong na gustong niyang maipaabot sa kanila. Dahil marami pa silang magiging pangangailangan maliban rito. Pero handa siya at kaniyang mga kasama na umisip at humanap ng paraan na sila ay matulungan sa abot ng kanilang makakakaya.
“The thing is we can’t rely for people keep giving money. This donation drives there’s a limit to it. Right now, we are trying to think for a sustainable solution. Not just keep giving money and expel. We are thinking of expanding. Because we can’t just them a gadget then ok bahala na kayo. It’s up to you guys now. Because they have other needs. They have WIFI needs, tuition fee needs, books and school supplies.”
Kaya naman maliban sa pangangalap ng donasyon ay tumatanggap rin si Felicia ng ideya sa kung paano pa mas magiging sustainable ang kaniyang Para sa Edukasyon project. Malugod niyang tatanggapin ang sinumang nais maging bahagi nito. Lalo na ang mga makakatulong na mas mapalawak pa ang reach at suportang maibibigay nito sa ibang tao.
Pagtulong na mula sa puso at nakasanayan na
Ang adbokasiyang ito ni Felicia ay hindi lamang dahil sa kinukuhang niyang kurso sa kolehiyo ngayong pasukan sa Ateneo na Development Studies. Bata pa lang raw siya ay expose na siya sa mga charity projects at events. At masaya at nai-enjoy niya ang paggawa nito.
“At a young age my parents will always tell me I am a people person. I like surrounding myself with people. I am blessed that the community I’ve been in are exposed in these things. So ever since I was Grade 7 and Grade 6. I was going to rural areas and expend a week there. At a young age I am exposed with the reality outside my sheltered environment and it’s hard not to act.”
Ito ang pahayag pa ni Felicia. Para nga sa kaniya ang pagtulong ay isang bagay na kapag nasimulan mo na ay mahirap ng tigilan pa.
“This are acts of love, acts of charity. It something that causes a ripple effect. Once you start, it is so hard to stop and not influence other people.”
Kaya naman sa mga kabataan at Generation Z na tulad niya na nais ring makatulong ay narito ang mensahe ni Felicia.
“If you have that desire to begin with the ball we’ll just keep on rolling if you decided to act. Never underestimate the power of engaging with someone and reaching out. You’ll never know who you’ll meet who you’ll touch. So really just make the first move and channel your gifts into something bigger.”
Sa mga nagnanais mag-bigay ng donasyon ay makipag-ugnayan lang sa mga numerong 09 175085801 o bisitahin ang bit.ly/parasaedukasyon.
Source:
ANC News, Manila Bulletin
DepEd TV Channel mapapanood na simula August 11 hanggang 21
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!