Fenugreek breastfeeding benefits: Narito kung paano nakakatulong sa breastmilk supply ng isang ina ang fenugreek at ang mga fenugreek breastfeeding side effects for baby.
Fenugreek breastfeeding benefits
Ang fenugreek ay isang annual herb na native sa mga bansa sa southern Europe at West Asia. Kilala ito bilang isang medicinal plant at ginagamit na pampalasa. Pinaniniwalaang nakakatulong ito upang malunasan ang mga digestive at respiratory ailments. At nakakapagpababa ng sugar level ng may mga diabetes.
Pero maliban rito ang fenugreek ay sinasabing nakakatulong rin upang mas lumakas ang produksyon ng gatas ng mga nagpapasusong ina. Ang benepisyo na ito ay makukuha umano sa mga buto o seeds ng fenugreek.
Ayon sa mga eksperto ang mga buto ng fenugreek ay nagtataglay ng hormone precursors na nakakatulong sa dagdag na milk supply ng mga babae. Bagamat hanggang sa ngayon ay hindi pa tukoy kung paano ito nangyayari.
Paano nakakatulong sa breastmilk supply ng isang babae ang fenugreek?
May ilang nagsasabi na nakakatulong ang fenugreek na ma-stimulate ang sweat production sa mga sweat glands sa suso ng mga babae. Ito ang dahilan kung bakit mas lumalakas ang kaniyang milk supply sa loob ng 24 hanggang 72 hours matapos makainom ng tsaang gawa sa mga buto nito.
Pero maliban sa tsaa, may mga fenugreek narin ang ibinebenta sa form na ng isang pill. Ito ay upang mas madali itong inumin at masigurong tama lang ang amount na maiinom ng sinumang mag-iintake nito. Ang pill na ito ay mabibili sa mga vitamin at nutrition stores. Pati na sa iilang mga supermarkerts at natural foods stores sa bansa.
Ang benepisyo ng fenugreek sa breastfeeding ay napatunayan naman ng totoo ng ilang pag-aaral. Tulad nalang ng isang 2018 study na isinagawa sa 122 na nanay na uminom ng fenugreek tea at nagkaroon ng significant increase sa kanilang breastmilk supply.
Ito rin ang natuklasan naman ng isa pang 2018 study na isinagawa sa 25 na inang uminom ng supermix ng fenugreek, ginger at turmeric.
Ayon sa Food and Drug Administration o FDA, ang fenugreek ay ligtas para sa mga breastfeeding moms basta’t ito ay gagamitin in moderation. Kaya naman bago uminom o mag-take ng fenugreek, ipinapayong magpakonsulta muna sa isang doktor. Dahil ito rin ay may kaakibat na side effects.
Base sa karanasan ng mga inang sumubok mag-take ng fenugreek ay narito ang fenugreek breastfeeding side effects for baby pati na kay mommy.
Fenugreek breastfeeding side effects for baby at mommy
- Maaring mangamoy maple syrup ang ihi at pawis ni baby pati na sayo. Mahalagang maipalam sa iyong doktor na ikaw ay nag-tetake ng fenugreek. Dahil may mga urine disease ang iniiugnay sa pagkakaroon ng ihi na amoy maple syrup.
- Maaring maging gassy si baby kung umiinom ng fenugreek ang kaniyang mommy.
- Kung magsisimula agad sa mataas na dose ng fenugreek may tendency na makaranas ka at si baby ng diarrhea at nausea. Ngunit ang mga stomach issues na dulot ng fenugreek ay maaring maiwasan kung sisimulan ang pag-tetake nito sa mababang dose.
- Hindi dapat umiinom o nag-intake ng fenugreek ang mga buntis, Dahil sa ito ay nakakapag-induce ng labor, nakakapagdulot ng contractions na maaring mauwi sa premature labor at miscarriage.
- Ang fenugreek ay umaakto rin na parang estrogen sa katawan kaya naman hindi ito safe para sa mga babaeng may hormone-sensitive cancers.
- Kung umiinom ng diabetes medications ay dapat magtanong muna sa iyong doktor bago mag-take ng fenugreek. Dahil ang fenugreek ay nakakapagpababa ng blood sugar levels na maaring masobrahan kung isasabay mo sa gamot na iyong iniinom.
- Ang fenugreek ay isa ring blood thinner. Kaya naman hindi rin ito pwedeng isabay na inumin sa mga blood thinners na walang supervision ng doktor.
- Posible rin ang allergic reaction sa pag-tetake ng fenugreek. Kung allergic sa soy o peanuts maaring allergic rin sa fenugreek.
- Maaring mas palalain ng fenugreek ang asthma ng isang tao.
Paano ang tamang pag-inom ng fenugreek?
Para maiwasan ang breastfeeding side effects for baby and mommy ng fenugreek ay dapat alam ang tamang pag-inom nito. Kaya naman mas mabuting magtanoong muna sa iyong doktor, lactation consultant o herbal specialist bago gumamit o uminom nito. Lalo na kung gagamitin ito bilang pampalakas ng iyong breastmilk.
Pero base sa mga health experts, ligtas na magsimula sa pag-inom ng 580-610 milligram capsule ng fenugreek tatlong beses sa isang araw. At saka maari ng dahan-dahaning dagdagan ang dosage nito. Ito ay kung hindi naman nakakaranas ng kahit anumang side effects na idinudulot nito.
Kung iinom naman ng fenugreek tea, ay maglagay ng isa hanggang tatlong teaspoon ng fenugreek sa 8 ounces o isang tasa ng kumukulong tubig. Maaring uminom ng tsaa nito ng tatlong beses sa isang araw. Mas maganda nga umano ang resulta nito kung ihahalo o isasabay ito sa iba pang breastfeeding herbs.
Pero muli bago uminom o mag-take nito ay ipinapayong kumonsulta muna sa iyong doktor.
Source:
Healthy Options, Breastfeeding Online, Healthline
Basahin:
Antibodies sa breastmilk, maaaring gamiting panlaban sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!