X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Fil-Am binastos at naging biktima ng racism sa US!

3 min read
Fil-Am binastos at naging biktima ng racism sa US!

Isang Fil-Am ang binastos ng isang babae dahil muntik na niyang mabangga ang sasakyan nito. Tinawag pa siyang "illegal" at hindi raw marunong mag-drive

Isang Fil-Am binastos ng isang babae dahil di umano muntik na niyang mabangga ang sasakyan nito. Tinawag pa siyang “illegal” ng babae, at sinabing hindi raw siya marunong magmaneho dahil maliit ang mata ng mga Asian.

Fil-Am binastos at naging biktima ng racism!

fil-am binastos

Nakuha ni Selina sa video kung paano siya binastos ng isang babae sa parking lot. | Source: Facebook.com

Ang 22-year-old na si Selina Cairel ay binastos kamakailan dahil sa kaniyang pagiging Pilipina. Ingles ang kaniyang ama, at Pilipina naman ang kaniyang ina. 11 na taong gulang pa lang si Selina ay nakatira na siya sa US, at isang citizen nito.

Nangyari ang insidente habang lumalabas sa parking space si Selina. Bigla na lang niyang napansin na tumunog ang parking sensors niya dahil muntik na niyang mabangga ang isa pang sasakyan.

Dahil dito, lumapit ang babaeng nagmamaneho ng sasakyan, binaba ang kaniyang bintana, at sinimulang bastusin si Selina.

Sinabi niya na hindi raw marunong magmaneho si Selina ay dahil isa siyang Asian, at maliit ang kaniyang mga mata. Bukod dito, tinawag pa siyang illegal at binastos rin ang kaniyang mga magulang.

Ayon sa isang website, ang babaeng bumastos kay Selina ay si Sierra Dawn Measelle. Siya daw ay isang stripper, at di umano’y nahuli noong 2013 para sa disorderly conduct at drug possession.

Panoorin ang buong video ng pangyayari:

 

Kumalat agad ang video sa social media

Sa isang Facebook post, naikwento ni Selina na nauna daw ang babae na kuhanan siya ng video, at sinabing dapat daw itong ilagay sa Instagram.

Dahil dito, kinuhanan din ni Selina ng video ang babae at inupload ito sa Facebook, kung saan umabot sa 20,000 ang mga shares nito.

Pagkatapos mag-viral ng video, humingi agad ng paumanhin sa Instagram ang babaeng nambastos sa kaniya:

fil-am binastos

Source: Facebook.com

Sana ay natutunan na ng babae ang kaniyang leksyon, at pigilan na niya ang kaniyang racist na pakikitungo sa ibang tao.

Maaga pa lang, pigilan na ang racism

Alam niyo ba na sa edad na 3, ang mga bata ay nagsisimula nang matuto ng racism? Ibig sabihin, mabuting ituro agad sa mga bata na mali ang ganitong pag-iisip at pag-uugali.

Pero paano ba maiiwasan ang racism? Heto ang ilang tips:

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
  • Sanayin ang iyong anak na makihalubilo sa iba-ibang mga tao. Kapag nasanay sila makipag-ugnayan sa iba’t-ibang mga tao, mas maiintindihan nila na lahat ng tayo ay unique at kakaiba.
  • Huwag pagtawanan ang mga may ibang lahi, o gawin itong biro. Sa mga maliliit na bagay nagsisimula ang racism, at sa ganitong paraan din natututo ang mga bata ng racism.
  • Ituro sa mga bata na mali ang racism at hindi nila dapat husgahan ang ibang tao dahil lang sa kanilang hitsura o pinagmulan.

 

Source: Daily Mail

Basahin: Exposure to racism and violence hampers children’s learning, behavior, and health

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Fil-Am binastos at naging biktima ng racism sa US!
Share:
  • 11 Taong gulang na babae, patay matapos mabangga ng sasakyan

    11 Taong gulang na babae, patay matapos mabangga ng sasakyan

  • 3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

    3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • 11 Taong gulang na babae, patay matapos mabangga ng sasakyan

    11 Taong gulang na babae, patay matapos mabangga ng sasakyan

  • 3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

    3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.