Anak nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma na si Fiore Ledesma isang taon na!
- 1st birthday ni Fiore Ledesma.
- Development and milestones ni Fiore Ledesma.
1st birthday ni Fiore Ledesma
Nitong October 23, ay nag-celebrate ng 1st birthday ang anak nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma na si Fiore Ledesma o si Giulia Fiorentina Alessandra Ledesma sa buo nitong pangalan. Sa kaniyang Instagram ay binati ni Assunta ang anak na muli ay tinawag niyang “little miracle”.
“Everyday, we thank the Lord for you. Happy birthday, little miracle!”
Ito ang caption ng Instagram post ni Assunta na kung saan makikita ang kaniyang little baby girl na si Fiore habang cute na cute na nakaupo sa sofa.
Image from Assunta de Rossi’s Instagram account
Sa nasabing post ay bumaha naman ang pagbati ng mga celebrities sa birthday ng baby girl ni Assunta. At siyempre nangunguna na rito ang kapatid ni Assunta at tiyahin ni Fiore na si Alessandra de Rossi na sinabing ang cute-cute ng pamangkin niya.
Nitong November 1 ay nag-share si Assunta ng mga larawan sa naging birthday celebration ni Fiore. Makikita sa larawan na napaka-intimate lang ng ginawang birthday celebration ng anak nila Assunta at Jules.
Siyempre hindi mawawala ang family photo nila Assunta, Jules at baby nilang si Fiore.
Image from Assunta de Rossi’s Instagram account
Sa nasabing post ay pinasalamatan ni Assunta ang mga taong naging parte ng celebration ng first birthday ng baby niya.
“We are so grateful to all of you for helping us with celebrating the life of our answered prayer. God bless you!”
Ito ang pagpapasalamat ni Assunta.
Baby Fiore as a little miracle to Assunta
Matandaang May 2020 ng ianunsyo ni Assunta na siya ay buntis sa anak nila ni Jules Ledesma. Ito ay matapos ng higit sa 18 na taong nagsasama sila bilang mag-asawa at sinusubukan nilang magkaanak.
Ito ang bahagi ng pahayag at announcement ni Assunta sa kaniyang pagbubuntis.
Tinawag ni Assunta na little miracle ang anak na si Fiore dahil akala niya noon ay hindi na siya mabubuntis pa. Ito ay dahil sa kondisyon na myoma at endometriosis na nararanasan niya.
“Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult.”
“Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!”
Ito ang nasabi pa ni Assunta na nabuntis sa edad na 37-anyos.
Sa kaniyang 5th month ng pagbubuntis ay very happy rin na ibinahagi ng aktres na maayos niyang nalagpasan ang 1st at ganoon rin ang 2nd trimester ng kaniyang pagbubuntis. Ito ay sa kabila ng nararanasan nating lockdown at pandemic.
“My little miracle from heaven is being pasaway. Alam na kung kanino nagmana! But seriously, I’m feeling a bit emotional because the last time I had a scan, the baby was as small as a jellybean, if not smaller.”
“It’s the fear of not knowing. But I survived my 1st and 2nd trimester during a pandemic and lockdown without any complications! Cheers!”
BASAHIN:
LOOK: Ryzza Cenon, ipinagdiwang ang first birthday ni Baby Night
Joyce Pring on weight gain: “I have days when I feel insecure… But I’m embracing the change”
Baby Fiore as a princess to father Jules Ledesma
Hanggang noong October 23, 2020 ay isinilang na ni Assunta ang kaniyang miracle baby na sinabi ng kaniyang kapatid na si Alessandra na “almost 20 years in the making”.
Mula ng maipanganak si Fiore ang happy mommy na si Assunta ay pinupuno ang Instagram niya sa mga updates at developments ng kaniyang baby.
Hindi lang si Assunta ang aliw na aliw sa kaniyang anak. Dahil ang kahit ang mister nitong si Jules Ledesma ay napupuno rin ang Instagram na mga cute na larawan nito. Ibinabahagi rin ng dating congressman ang mga developmental milestones ng kaniyang anak.
Image from Jules Ledesma’s Instagram account
Si baby Fiore ay tinatawag ring little princess ng daddy niya.
“My little princess may you grow up to be as grounded and kind as you Achie and ahia. You Ma & I will be here to guide you along your path, it Is however your to make like we all are. The Lord Be With You always.”
Ito ang isa sa mga mensaheng ibinigay ni Jules Ledesma sa kaniyang anak.
Ito naman ang iniwan niyang mensahe sa naging first birthday nito.
“To my youngest Princess Buon Compleanno dozens more Palangga!” sabi ni Jules Ledesma.