X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Nanay, itinapon ang mga anak sa bintana ng condo para maisalba sa sunog

4 min read
Nanay, itinapon ang mga anak sa bintana ng condo para maisalba sa sunog

Isang nanay sa China ang inihagis ang mga anak niya sa bintana para maisalba sa nasusunog nilang apartment building.

Sa isang viral video, makikita ang isang nanay sa China na itinapon ang kaniyang dalawang anak mula sa bintana ng apartment building nila para maisalba ang mga ito sa sunog. Basahin ang kaniyag storya at kumuha ng fire prevention tips para maiwasan ang sakuna na ito.

Sakripisyo ni Nanay

fire prevention tips

Sa Xuchang sa Henan Province ng China, isang nanay at ang kaniyang dalawang anak ay na-trap sa kanilang nasusunog na apartment building. Ipinapalagay na sa kapal ng usok, hindi makatakas ang mag-iina mula sa bahay nila sa ikalimang palapag.

Mabilis na naisip ng nanay na ang tanging paraan para makalabas ay sa pamamagitan ng bintana. Itinapon niya ang mga malaking kumot at kobre kama sa mga naka-abang na pedestrian sa baba ng building. Ginamit ng mga nag-aabang na mga tao ang mga kumot bilang pang-salo sa mga biktima.

Kitang-kita sa video ang mag-iina mula sa kanilang bahay na napupuno ng makapal na usok. Unang tumalon mula sa bintana ang 9-taong gulang na bata. Maririnig ang sigaw ng mga tao nang tumalon ang bata. Agad naman itong nasalo ng mga tao gamit ang kumot.

Sunod, kinarga ng nanay ang kaniyang 3-taong gulang na anak. Inilambitin muna niya ito sa bintana, na tila inaasinta ang kumot na pang-salo. Nang mahulog ang bata, muntik na itong tumama sa aircon ng unit sa ibaba. Sa kabutihang palad, ligtas naman itong nasalo ng mga tao sa ibaba ngunit nabali ang paa nito sa pagkakahulog.

fire prevention tips

Tila nagamit ng nanay ang lahat ng lakas niya sa paghagis sa kaniyang bunso dahil nahimatay na ito pagkatapos. Ayon sa mga ulat, matapos maisalba ang mga anak, namatay ang nanay dahil sa dami ng usok na na-inhale nito.

Narito ang video ng pangyayari. Warning: Distressing Content

Fire prevention tips

May tatlong P’s na kailangang tandaan lalo na kung may kasamang bata sa bahay:

Prepare. Mas maige nang handa bago pa naman mangyari ang sakuna.

  • Mag-install ng smoke alarm sa bahay.
  • Lagyan ng smoke alarm sa labas ng mga kuwarto na tinutulugan.
  • Palitan ang mga smoke alarms tuwing 10 taon. Siguruhing gumagana ang mga smoke alarm. Palitan ang mga baterya tuwing 6 na buwan.
  • Iwasan ang octopus connection sa mga outlet at extension cords.
  • Huwag mag-iwan ng buhay na mga kandila.
  • Itago ang mga posporo at lighter sa mga bata.
  • Kapag mag clothes dryer, huwag hayaan na maipon ang mga himulmol.
  • Itapon ang mga lumang electrical appliances.

Practice. Siguruhin na mayroon kayong escape plan sakaling may mangyaring sakuna. Mag-practice kasama ang mga anak. Kung nakatira sa condo o apartment building, alamin kung saan ang mga fire escape.

Turuan ang mga anak ng mga sumusunod:

  • Turuan sila ng Sto, Drop, and Roll technique kapag nasusunog ang damit nila.
  • Turuan silang gumapang sa sahig palabas ng fire escape para maiwasan na makalanghap ng usok.
  • Turuan na kailangan hawakan muna ang pinto bago ito buksan. Kapag mainit ang pinto, ibig sabihin may apoy sa kabilang side ng pinto at hindi ito dapat buksan.
  • Turuan na huwag nang pumasok ulit sa nasusunog na building kapag nakalabas na.

Prevent. Kalimitan sa mga sunog, ang pinakamapanganib ang init ng apoy at ang usok. Kapag nakakalanghap ng mainit na hangin, nasusunog din ang baga. Habang ang usok naman ay masama sa baga at pinipigilan tayong makahinga ng maayos. Madalas, namamatay ang mga biktima ng sunog dahil sa paglanghap ng madaming usok.

Laging tandaan na ang nakakalasong usok ay pumupunta sa kisame muna bago nito punuin ang buong lugar, kaya importante na matutunan na gumapang para hindi ito malanghap.

Kapag may dalang baby, protektahan ito gamit ang iyong katawan, sakaling may mga mahulog na debris galing kisame. Sigurihin din na yumuko para hindi makalanghap ng usok si baby.

Kapag napuno na ng usok at apoy ang lahat ng lagusan, huwag nang umalis sa kuwarto. Takpan lahat ng siwang ng basang tela. Gumamit ng flashflight at itutok ito sa bintana. Pahigain ang mga bata sa kama. Unang tinitignan ng mga bumbero ang paligid ng kama ng bata kaya mas malaki ang tsansa na matagpuan sila agad.

 

Sources: New Strait Times, Safety

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Lim Venturanza
https://sg.theasianparent.com/apartment-fire-safety-checklist

Partner Stories
UNIQLO: FALL / WINTER 2022
UNIQLO: FALL / WINTER 2022
MR.DIY Celebrates 4 Years With Super Anniversary Salebration This July!
MR.DIY Celebrates 4 Years With Super Anniversary Salebration This July!
PLDT Home, Google launch Be Internet Awesome online series
PLDT Home, Google launch Be Internet Awesome online series
How a Mother Cares for a Child with Type 1 Diabetes
How a Mother Cares for a Child with Type 1 Diabetes

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Rosanna Chio

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Nanay, itinapon ang mga anak sa bintana ng condo para maisalba sa sunog
Share:
  • Fire in Russian mall kills 64: How can you keep your family safe in a mall fire?

    Fire in Russian mall kills 64: How can you keep your family safe in a mall fire?

  • 500 Families lose their homes in massive Cavite fire

    500 Families lose their homes in massive Cavite fire

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Fire in Russian mall kills 64: How can you keep your family safe in a mall fire?

    Fire in Russian mall kills 64: How can you keep your family safe in a mall fire?

  • 500 Families lose their homes in massive Cavite fire

    500 Families lose their homes in massive Cavite fire

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.