Narito ang first 100 words for baby na dapat niyang matutunan. At mga tagalog baby books na makakatulong para matutunan niya ang mga salitang Tagalog.
Paano natututong magsalita si baby?
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga baby o sanggol ay natututong magsalita sa pamamagitan ng pakikinig o paggaya sa kanilang mga naririnig. Sa una, sila ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng mga tunog. Tulad ng pag-iyak na palatandaan na sila ay nagugutom, nasasaktan o may hindi magandang nararamdaman. At ang pagtawa na palatandaan naman na sila ay masaya at natutuwa. Sa pagdaan ng buwan nagsisimula na silang makapagsabi ng paisa-isang salita. Ito ang mga salitang madalas nilang naririnig tulad ng Mama, Papa o Dada.
Paliwanag ng mga eksperto, ang mga sanggol ay nagsisimulang matuto tungkol sa linggwahe o languages bago pa man sila maipanganak. Ito ay sa pamamagitan ng mga naririnig nilang rhythm at melody mula sa boses ng kanilang ina habang sila ay nasa loob pa ng sinapupunan. Mas na-dedevelop lang nila ito kapag sila ay naipanganak na at natututo ng unti-unting manggaya.
Paraan kung paano mabilis na matuturuang magsalita si baby
Para nga daw mas mapibilis ang pagkatuto nila sa mga salita ay makakatulong ang pakikipag-usap sa mga sanggol gamit ang mataas na tunog o pitch at mabagal na pagsasalita. Gamit ang style of speech na ito ay mas mabilis nilang nagagaya ang mga salitang iyong sinasabi. Ayon sa mga researchers, ito ay tinatawag na infant directed speech.
Dahil ang mga mataas na tunog o pitch ay pumupukaw sa kanilang atensyon. Habang ang mabagal na pagsasalita naman ay binibigyan sila ng pagkakataon na marinig ang pagkakaiba ng bawat salita tulad ng “mama” sa “papa”. Mas nagiging epektibo nga raw ang pagtuturo sa kanila ng mga salita kung ito ay sasabihin ng exaggerated, pinasimple at paulit-ulit.
Kaya naman dagdag na payo ng mga eksperto makipag-usap sa iyong sanggol ng mas madalas. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-nanarrate na inyong ginagawa. Tulad ng, “Halika na, paliliguan ka na ni Mama para ma-preskuhan ka.” Sa ganitong paraan ay mas mapapabilis ang pagkatuto niya sa mga salita. At mas mahahasa ang language at vocabulary skills niya.
Maliban sa pagnanarrate, makakatulong rin ang madalas na pagkanta at pagbabasa ng libro sa sanggol. Ito ay upang mas dumami pa ang mga salita na matutunan niya.
First 100 words for baby – English
Ayon nga sa highfrequency.org, isang online word at game resource, narito ang first 100 words for baby sa salitang Ingles na maaring maituro sa kaniya. Kung agad nga daw na matutunan ito ng isang bata ay mas mabilis na matutunan nito ang iba pang mga salita.
Ang mga salitang ito ay ang sumusunod na binabasa mula sa unang salita na “the” pababa:
the | that | not | look | put |
and | with | then | don’t | could |
a | all | were | come | house |
to | we | go | will | old |
said | can | little | into | too |
in | are | as | back | by |
he | up | no | from | day |
I | had | mum | children | made |
of | my | one | him | time |
it | her | them | Mr | I’m |
was | what | do | get | it |
you | there | me | just | help |
they | out | down | now | Mrs |
on | this | dad | came | called |
she | have | big | oh | here |
is | went | when | about | off |
for | be | It’s | got | asked |
at | like | see | their | saw |
his | some | looked | people | make |
but | so | very | your | an |
Para naman sa first 100 Tagalog words na dapat matutunan ni baby ay narito ang mga tagalog baby books na maaring basahin sa kaniya. Taglay nito ang mga salitang Tagalog na magpapayaman ng Filipino vocabulary ni baby.
Tagalog baby books para sa First 100 words for baby
Maliban sa mga tagalog baby books na ito ay may iba pang libro ang maari mong bilhin at basahin kay baby na siguradong magugustuhan at kapupulutan niya ng mga bagong salita. Ito ay ang sumusunod na perfect para sa mga batang 3 taong gulang pababa:
Iba pang tagalog baby books
Ang Una Kong Alpabeto ng Adarna House P135.00
Ang Maliit na Kalabaw ng Adarna House P250.00
Dumaan si Butiki by Gigi Constantino P250.00
Kokak! Kokak! ni Ana de Borja Araneta P175.00
Ang Dilim-Dilim! ni Ana de Borja Araneta P175.00
Florante at Laura: Aklat ng Kulay (Board book) ni Eisen V. Bernardo P295.00
Kumilos Tayo, Ate! (Board book) ni Ompong Remigio P150.00
Prrrrrt… Utot! ni Ana de Borja Araneta P175.00
Kilikili! ni Ana de Borja Araneta P175.00
Mmmmm… Sarap! ni Ana de Borja Araneta P175.00
Source:
WebMD, The Conversation, The Learning Basket, Adarna PH, High Frequency
Basahin:
21 best books na dapat mong basahin kay baby