Ang pagbabasa sa mga bata ng mga libro na may mga pambatang kwento ay maraming benepisyo. Bukod sa nasasanay ang mga bata sa tunog ng mga salita at paggamit nito, lumalawak din ang kanilang imahinasyon.
Narito ang 21 sa mga pinakamagandang mga pambatang kwento na maaaring basahin sa mga anak base sa kanilang mga edad:
0-3 taong gulang
Goodnight Moon (Margaret Wise Brown)
Sa malumanay na pamamaraan, ang isang kuneho ay nagsasabi ng goodnight sa mga bagay sa kuwarto.
Nakasulat ang libro sa paraan kung paano nakikita ng bata ang mundo. Ang librong ito ay magandang basahin bilang parte ng ritwal sa pagtulog ng bata.
The Very Hungry Caterpillar (Eric Cale)
Ang pambatang kwento ay tungkol sa isang uod na kumakain bago maging paru-paro.
Ang pisikal na libro nito ay puno ng makukulay na artwork na gawa sa tisyu paper. Mayroon din itong mga butas na maaaring gamitin sa pagbabasa ng kwento. Ibinabahagi ng librong ito ang mga araw ng linggo at ang life cycle.
The Snowy Day (Ezra Jack Keats)
Isang libro na naisulat nuong 1962, ikwine-kwento dito ang siyudad na puno ng niyebe. Ipinapakita rito ang buhay sa syudad na binubuo ng iba’t ibang kultura.
Chicka Chicka Boom Boom (Bill Martin Jr. at John Archambault)
Itinuturo dito ang mga letra ng alpabeto sa pamamagitan ng pambatang kwento ng pag-akyat sa puno ng buko. Gumagamit ito ng rhymes na ikinatutuwa ng mga bata kasabay ng makukulay na mga larawan.
Pambatang kwento | Image from Unsplash
4-5 taong gulang
Green Eggs and Ham (Dr. Seuss)
Sa dami ng magagandang pambatang kwento ni Dr. Seuss, ang librong ito ang isa sa mga paborito ng mga bata. Ipinapakita dito ang hindi pagkain ng mga bagong pagkain para sa mga bata. Matapos pilitin nang paulit-ulit, malalaman na magugustuhan ng karakter ang pagkain na hinahain sa kanya. Ang paggamit nito ng simpleng mga salita ay nakakatulong sa mga bata.
If You Give a Mouse a Cookie (Laura Numeroff)
Itinuturo ng circular story na ito ang aspeto ng sanhi at bunga. Kapag nabigyan ng cookie ang daga, manghihingi ito ng gatas. Sunod, manghihingi naman ito ng straw. Tuloy-tuloy ito hanggang sa manghingi muli ang daga ng cookie.
Harold and the Purple Crayon (Crockett Johnson)
Sa pambatang kwento na ito, ipinapakita sa mga bata ang kalawakan ng imahinasyon. Sa libro, bumuo si Harold ng sariling mundo gamit lamang ang lila na crayon. Ipinapakita rin dito ang ganda ng pagkakaroon ng kakayahan sa paglutas ng prulblema.
The Little Engine That Could (Watty Piper)
Ang pambatang kwento na ito ay ipinapakita ang isang maliit na makina na humila sa isang tren paakyat ng bundok. Itinuturo nito sa mga bata ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip, sipag, pakikipag-tulungan, tiwala sa sarili, at tiyaga.
Knuffle Bunny (Mo Willems)
Ang bida sa pambatang kwento na ito ay napunta sa sitwasyon na siguradong alam ng mga bata. Ipinapakita dito ang maaaring mangyari kapag nawala ang paboritong laruan. Gamit ang pinaghalong mga larawan at drawing, napanalunan nito ang 2005 Caldecott Honor.
Corduroy (Don Freeman)
Ito ang pambatang kwento ng isang teddy bear na nawawalan ng isang butones. Matapos halughugin ang isang department store sa paghahanap ng butones, natutunan ng teddy bear na dapat niyang mahalin ang kanyang sarili sa kung sino siya.
Where the Wild Things Are (Maurice Sendak)
Naipapakita sa kwento na ito ang halaga ng pamilya. Ang paggamit nito ng iba’t ibang emosyon, pagkilala sa mga pinagdadaanan ng kabataan, at sagot sa mga prublemang ito, nabibigyan ng masmalalim na kahulugan ang isang simpleng pambatang kwento.
Winnie-the-Pooh (A. A. Milne)
Isa sa mga pinaka-sikat na pambatang kwento mula pa nung 1926. Ipinapakita sa libro ang kamusmusan ng mga bata kasama ang pag-unawa sa kanilang pag-iisip at tugon sa mga pangyayari.
Madeline (Ludwig Bemelmans)
Ito ang istorya ng isang batang babae na nag-iikot sa Paris kasama ang mga ka-klase na biglang kailangan tanggalan ng appendix. Kahit na siya ang pinaka-maliit sa klase, siya ang pinaka-matapang. Ipinapakita kung paano niya harapin ang mga nakakatakot na sitwasyon nang may buong tapang at tiwala sa sarili.
The Tale of Peter Rabbit (Beatrix Potter)
Ito ang kwento ni Peter na nalagay sa panganib matapos hindi sundin ang payo ng magulang. Pinapakita sa kwentong ito ang maaaring maging kalalabasan ng mgadesisyon. Ang kwentong ito ay mapaglaro at hindi nakakatakot para sa mga bata.
Pambatang kwento | Image from Unsplash
6-9 taong gulang
Alexander and the Terrible, Horrible, No Good, Very Bad Day (Judith Viorst)
Ang mga bata ay nakaka-ugnay sa pagkakaroon ng araw na tila walang nangyayaring tama. Sa pambatang kwento na ito, kinikilala ang mga problema at kabiguan ng mga bata.
Ramona series (Beverly Cleary)
Si Ramona ay hindi laging mabuti ang ugali ngunit natututo sa pagkakamali. Tulad ni Alexander, ang kwento ni Ramona ay kwento na nararanasan ng mga bata. Tinatalakay dito ang mga pinagdadaanan sa araw-araw pati na ang relasyon sa pamilya.
Where the Sidewalk Ends (Shel Silverstein)
Ito ay koleksyon ng mga gawa ni Shel Silverstein na nagpapakilala sa mga bata sa mga tula. Hinahasa sa mga pambatang kwento na ito ang imahinasyon ng mambabasa.
Charlotte’s Web (E. B. White)
Ito ang kwento ng pagkakaibigan ng isang gagambang si Charlotte, isang baboy na si Wilbur, at isang batang babae na si Fern. Ang kwento ay nailulugar sa pamumuhay sa bukid. Kailangang alalahanin na ang librong ito ay tumatalakay sa paksa ng pagkamatay.
Pambatang kwento | Image from Unsplash
Matilda (Roald Dahl)
Ipinapakita sa librong ito kung paano nagiging hindi makatarungan ang mundo para sa mga bata. Sa kwento, ginamit ni Matilda ang kanyang talino upang maka-takas mula sa mga malulupit na matatanda sa buhay niya.
A Wrinkle in Time (Madeleine L’Engle)
Ito ang kwento ng isang batang babae na naglakbay sa kalawakan upang iligtas ang ama. Binigyang buhay dito ang paggiging bida ng mga kababaihan.
Harry Potter and the Sorcerer’s Stone (J. K. Rowling)
Pinapalawak ng librong ito ang imahinasyon ng mambabasa sa pagpapakilala sa mundo ng mahika. Ipinapakita dito ang kakaibang mga karakter at pagsubok na pinagdadaanan ng bida. Paalala na ang mga unang libro sa serye na ito ay magandang ipabasa sa mga bata. Ang mga huling bahagi ng kwento ay tumatalakay na sa mga mas pang-matandang paksa.
Alice’s Adventure in Wonderland (Lewis Carroll)
Ang kwento ni Alice at paglalakbay sa isang alternatibong mundo ay nakaka-engganyo ng imahinasyon. Ang eksaktong ibig sabihin ng libro ay hindi parin malinaw sa mga mambabasa.
Because of Winn-Dixie (Kate DiCamillo)
Ang bidang si Opal ay umampon ng aso na si Winn-Dixie. Tinulungan siya nito magkaroon ng mga bagong kaibigan sa isang bagong lugar. Tinulungan din siya nito sa pakikipag-ayos sa problema sa ina. Ang librong ito ay nakaka-tunaw ng puso ngunit hindi nawawala ang pagiging makatotohanan.
The Lion, the Witch and the Wardrobe (C. S. Lewis)
Pinapakilala ng libro ang mga mambabasa sa mundo ng Narnia. Ang apat na magkakapatid ay napadala sa isang bahay upang malayo sa gulo ng gyera sa England. Dito nila natagpuan ang isang aparador na daan patungong Narnia. Nagiging paksa ng kwentong ito ang mga aspeto ng pagkakanulo, pagpapatawad, kamatayan, at muling pagka-buhay.
Anne of Green Gables (L. M. Montgomery)
Ang bida ay isang batang babae na hindi umaasa sa iba, matalino, at malawak ang imahinasyon. Siya ay madalas nakakagawa ng nakaka-tawang pagkakamali kahit pa mabuti ang layunin. Siya ay magandang role model sa mga kabataan dahil sa mga katangian nito.
Source: Reader’s Digest, Time
Basahin: 17 Filipino story books children should read
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!