Ipinakilala na sa publiko ang first Harvard Filipino teacher na si Lady Aileen Orsal na nagmula sa Cavite.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kilalanin ang first Harvard Filipino teacher na si Lady Aileen Orsal.
- Paano napili si Orsal na maging kauna-unahang Filipino language instructor sa sikat na unibersidad.
Kilalanin ang first Harvard Filipino teacher na si Lady Aileen Orsal
Marami ang kinilig at mas naging proud pa na maging Pinoy ng inanunsyo ng Harvard University sa Cambridge, Massachusetts na ituturo na sa eskwelahan ang Filipino language. Ito ay dahil ang Tagalog o Filipino ay pang-apat sa pinaka-ginagamit na wika sa United States.
Nitong nakaraang araw ay opisyal ng ipinakilala ng Harvard University Asia Center at Department of South Asian Studies si Lady Aileen Orsal. Siya ay ang kauna-unahang Pinoy na magtuturo ng mga kurso sa Filipino sa Harvard. Siya ay nakatakdang magturo sa sikat na unibersidad ngayong Setyembre.
Paano napili si Orsal na maging kauna-unahang Filipino language instructor sa sikat na unibersidad
Larawan mula sa Facebook account ni Lady Aileen Orsal
Ayon sa isang statement ni Harvard University Asia Center (HUAC) Faculty Director James Robson, si Orsal ay ang perfect fit para sa posisyon. Dahil ito ay may expert knowledge hindi lang sa Filipino language kung hindi pati narin sa kulturang Pilipino.
Si Orsal ay isang teacher mula sa Cavite State University . Doon rin siya nagtapos ng kursong B.A in Mass Communications noong 2012. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral at nakakuha ng Master’s degree sa Philippine Studies noong 2017. Naging Fulbright Foreign Language Teaching Assistant siya sa Center for Southeast Asian Studies sa Northern Illinois University noong 2018. At naka-earn ng kaniyang PhD sa Philippine Studies Language, Media, at Culture mula sa De La Salle University. Ito umano ang naging qualifications ni Orsal para siya ang mapili na unang magturo ng kurso sa Filipino sa sikat na eskwelahan.
“Lady Aileen is a dedicated, creative, and effective teacher who is committed to being a leader in Filipino language pedagogy. She also has an impressive background in Philippine Studies, including Philippine culture, history, and politics.”
“She has conducted research and published on traditional tattoo art, the coffee culture of the Philippines, and the use of music in political campaign jingles.”
Ito ang bahagi ng pahayag ni Harvard University Faculty Director James Robson sa pagkakahire ni Orsal sa sikat na unibersidad.
Larawan mula sa Facebook account ni Lady Aileen Orsal
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!