Dalawang scholar mula sa International School Manila ay nakapasa sa Harvard at Columbia University sa U.S.A.
Si Romnick Blanco, isang anak ng magsasaka ng gulay at bigas mula sa Bulacan, ay natanggap sa Harvard University para sa full scholarship, kasama na dito ang kanyang tuition, titirahan sa Boston, plane ticket, at pati na rin wardrobe allowance.
Ayon sa GMA News, si Romnick ay pang-pito sa siyam na magkakapatid. Masipag siyang mag-aral at, ayon sa Rappler, noo’y naglalakad siya ng dalawang oras para makarating sa iskwela sa Sierra Madre, Bulacan.
Si Jessica Cuadro naman, na anak ng pulis ay makakatanggap din ng full scholarship mula sa Columbia University sa New York. 13 na ga-graduate sa ISM ngayong taon ay natanggap din sa mga prestihiyosong Ivy League schools sa Amerika.
Sobrang inspiring!
Paano tutulungan ng maging mas masipag ang anak mo mag-aral?
Tandaan na importante ang pag-suporta mo bilang magulang upang maging mas masipag at matiyaga ang anak mo. Ayon sa mga eksperto, mas malaki ang impact ng “good parenting” sa pagiging mahusay na mag-aaral ng mga anak mo. Siyempre, kailangan na matiyaga at may angking talino sila, pero lalo pa iton mai-improve kapag ang isang magulang ay supportive.
Ayon sa Scholastic.com, narito ang mga paraan upang ma-encourage ang “love for learning” sa iyong anak.
1. Mag-basa ng magkasama
Kahit na 15 minutos lang kada araw, basahan mo ng libro ang iyong anak at engganyohin mo din siyang magbasa.
2. I-encourage siya na magkwento
Huwag mo siyang pigilan na i-express ang opinyon at feelings niya. Ito ay makaka-build up ng confidence niya.
3. I-equip mo siya upang ma-pursue ang mga interes niya
Suportahan mo ang anumang hobby at interes niya na mag-e-enhance sa learning niya.
4. Mag-share ng natutunan mo
Kapag nakita nila ang magulang nila na may enthusiasm sa mga bagong kaalaman, mas mai-inspire sila na maging kagaya mo!
READ: Yaya nagtapos ng cum laude sa kolehiyo
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!