Bilang mga magulang, isa sa mga obligasyon natin ay ang tiyaking may maayos na pagkain ang ating mga anak. Alam mo ba, malaki ang epekto ng food availability sa ating mga tahanan sa nutrient intake ng bata. Paano nga ba nakaaapekto ang mga uri ng pagkain na mayroon sa ating bahay sa kalusugan ng ating anak?
Food availability sa tahanan, mahalaga sa kalusugan ng mga bata
Larawan mula sa Shuterstock
Sa early childhood o pagkabata pa lang ng ating mga anak ay importante na na matutunan nila ang tungkol sa nutrisyon at healthy eating behaviors. At nakadepende sa ating mga magulang, sa pagkaing ibinibigay natin sa kanila ang magiging dietary choices ng ating mga anak habang sila ay tumatanda.
Ayon sa artikulo ng Science Daily, isang pag-aaral ang isinagawa kung saan ay tiningnan ang pagbabago sa food availability sa mga tahanan at sa nutrient intake ng mga batang edad 2 hanggang 4 na taon.
Importante umanong maunawaan na ang environment kung saan lumalaki ang bata ay naka-aapekto sa kaniyang diet at nutrion.
Larawan mula sa Shuterstock
“It’s important to understand how the environments that children are in can influence their diet and nutrition. What types of foods and beverages are available in the home? And how accessible are those items for the young child? It’s about the likelihood of exposure to foods and having the opportunity to try foods, and also whether they may be able to access or grab foods themselves,” saad ng lead author ng nasabing study na si Jennifer Barton, assistant research professor sa Pennsylvania State University.
Giit ng mga researcher ng nasabing pag-aaral na ang punto ng kanilang study ay hindi bigyan ng label ang certain foods bilang good o bad food para sa ating mga anak. Dahil lahat naman umano tayo ay may mga pagkaing hindi “recommended” sa ating mga tahanan. Pero ang mahalagang punto ay tiyakin na nakakukuha ng sapat na nutrisyon mula sa mga masustansyang pagkain. At kumain lamang in moderation ng ibang pagkain na walang gaanong nutrisyon.
Larawan mula sa Shuterstock
Sa resulta ng pag-aaral, malinaw na naipakita ang pagkakaugnay ng food availability sa nutrient intake ng mga bata. Ibig sabihin, nakadepende talaga sa mga pagkaing iniintroduce natin sa kanila sa kanilang pagkabata, ang magiging food choices nila sa pagtanda. Kaya mahalagang tiyakin na nakakukuha ng sapat na nutrisyon ang ating mga anak mula sa kanilang mga pagkain.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!