Nakakaligtaan mo bang isama sa iyong skin care routine ang iyong mga paa? Kung oo, marahil ay nakakaranas ka ng isa sa mga common concerns sa paa gaya ng pagkakaroon ng dry skin, kalyo o di kaya ay pangingitim.
Hindi pa huli ang lahat para mapangalagaan ang iyong mga paa at gawin itong mas makinis, malambot at maputi. May mga foot care products na mabibili sa market na tiyak makakatulong upang mabigay mo ang TLC na deserve na deserve ng iyong mga paa.
Keep on scrolling para malaman mo ang aming recommended brands ng foot care products. Plus, kumuha ng tips kung paano maaachieve ang malambot at makinis na paa.
Best Foot Care Products in the Philippines
Foot Care Products
| Hisoka Electric Foot Grinder Best callus remover | | View Details | Buy Now |
| The Body Shop Peppermint Reviving Pumice Foot Scrub Best Foot Scrub | | View Details | Buy Now |
| Dr Teal's Pure Epsom Salt Foot Soak Best foot soak | | View Details | Buy Now |
| Dr Teal's Moisturize & Soften Foot Cream Best foot cream | | View Details | Buy Now |
| The Face Shop Smooth Foot Peel Best foot peel | | View Details | Buy Now |
| Nature Republic Real Squeeze Aloe Vera Peeling Foot Mask Best foot mask | | View Details | Buy Now |
Best callus remover
Foot Care Products Para Maachieve Ang Makinis At Malambot Na Paa | Hisoka
Problema mo ba ang kalyo sa iyong paa? Matutulungan ka ng Hisoka electric foot grinder na solusyonan ‘yan! Gawa ang grinding heads ng device na ito sa natural quartz material na available sa iba’t ibang texture gaya ng coarse sand, middle sand at fine sand.
Kasama na rin sa set na ito ang data cable na ginagamit para i-charge ang device at isang cleaning brush. Hindi rin ito mahirap linisin dahil bukod sa may cleaning brush ito ay waterproof din ito kaya’t ito ay washable. Lightweight din ang foot grinder na ito at easy-to-grip kaya naman hindi nakakangalay gamitin.
Tiyak na mas magugustuhan mo lalo ang device na ito dahil sa two-gear adjustment feature nito. Ang 1st gear ay para sa daily care at panglinis ng paa upang maalis ang dry skin at ang 2nd gear naman ay para sa mga matitigas na kalyo sa paa.
Features we love:
- Rechargeable
- Lightweight at easy-to-handle
- Two-gear adjustment
Best foot scrub
Foot Care Products Para Maachieve Ang Makinis At Malambot Na Paa | The Body Shop
Kung nais naman mapanatili ang malambot at makinis na paa, magandang isama sa iyong skin care routine ang The Body Shop Peppermint Reviving Pumice Foot Scrub. Gawa ang foot scrub na ito sa all natural ingredients na nakakatulong sa pagtanggal ng dead skin cells sa paa.
Nagtataglay ito ng peppermint essential oil na nagbibigay ng cooling effect sa balat kaya’t nakakarelax ito sa paa. Sinamahan pa ito ng volcanic rock granules na nakakatulong sa pag exfoliate ng balat para maachieve ang silky-smooth texture nito.
Maaari itong gamitin once a week para maiwasan ang build up ng dry skin.
Features we love:
- Gawa sa natural ingredients
- Relaxing at refreshing
- Nakakatanggal ng dry skin
Best foot soak
Foot Care Products Para Maachieve Ang Makinis At Malambot Na Paa | Dr. Teal’s
Matapos ang mahabang araw sa trabaho man, sa paggawa ng household chores at iba pang gawain, malaking ginhawa sa pakiramdam ang pggamit ng foot soak. Kaya naman maganda ring isama ito sa iyong foot care products na bibilhin para always ready ka kapag nais mong mag relax. At ang magandang brand para dyan ay ang Dr. Teal’s Pure Epsom Salt Foot Soak.
Gawa ito sa pure magnesium sulfate o kilala bilang epsom salt, na epektibong nakakapagparelax ng foot muscles at nakakatulong maibsan ang pananakit ng paa. Bukod doon ay nagtataglay din ito ng peppermint essential oils at baking soda na nag-iiwan ng cool at refreshing feeling. Nakakatulong din ito sa pagtanggal ng di kaaya-ayang amoy sa paa.
Features we love:
- Pure epsom salt
- Cooling at refreshing
- May baking soda na nakakatanggal ng amoy sa paa
Best foot cream
Foot Care Products Para Maachieve Ang Makinis At Malambot Na Paa | Dr. Teal’s Foot Cream
Hindi rin naman makukumpleto ang foot care routine kung walang foot cream. Kaya naman ang magandang choice para dyan ay ang Dr. Teal’s Foot Cream. Ang kombinasyon ng shea butter, aloe vera at vitamin E ay nakakatulong sa pagbibigay ng intense moisturization sa balat.
Higit pa riyan ay maiiwasan ang pagkakaroon ng dry skin dahil tiyak na lalambot ang iyong balat kapag ginamit ang foot cream na ito. Nag-iiwan din ito ng mabango at relaxing scent na siguradong magugustuhan mo. Hindi rin malagkit sa pakiramdam kaya naman komportable ito gamitin.
Features we love:
- Shea butter, aloe vera at Vitamin E
- Intense moisturization
- Relaxing scent
Best foot peel
Foot Care Products Para Maachieve Ang Makinis At Malambot Na Paa | The Face Shop
Kung ang problema mo naman ay ang pangingitim ng iyong paa, swak para sa’yo ang The Face Shop Smooth Foot Peel. Isa itong foot spray na may kakayahang mag exfoliate ng dead skin cells. Napakadali nitong gamitin dahil sa isang spray lamang, maaari mo nang kuskusin ang parte na nalagyan ng solution. At ang resulta ay instant smooth at glowing skin!
Ang solution na ito ay naglalaman ng pure Damyang Bamboo Charcoal na kadalasang ginagamit sa mga korean skin care/peeling products. Mayroon din itong antibacterial at antifungal properties na makakatulong din kung may iba pang concerns sa paa gaya ng pagbaho nito o di kaya ay mild irritation.
Features we love:
- Damyang Bamboo Charcoal
- Easy-to-use
- Antibacterial at antifungal properties
Best foot mask
Foot Care Products Para Maachieve Ang Makinis At Malambot Na Paa | Nature Republic
Hindi lamang sa pang mukha ang mask dahil may mabibili ka ring mga foot masks na talaga namang makakatulong sa iyo upang maachieve ang smooth, glowing at magandang paa. Isa na riyan ang foot mask na ito mula sa Nature Republic. Mayroon itong natural AHA acids na may peeling properties at nakakatulong upang maireveal ang iyong glowing skin sa paa.
Karagdagan, effective rin ito bilang pangtanggal ng corns, calluses at flaky dead skin. Matapos gamitin ang mask na ito ay nag-iiwan din ito ng moisturized feet dahil sa aloe vera extract na taglay nito.
Features we love:
- AHA fruit acid
- Moisturizing aloe vera extract
- Nakakatanggal ng kalyo at iba pang skin concerns sa paa
Price Summary
|
Brands |
Pack size |
Prices |
Hisoka electric foot grinder |
1 set |
Php 599.00 |
The Body Shop Foot Scrub |
100 ml |
Php 695.00 |
Dr. Teal’s Epsom Salt Foot Soak |
909 g |
Php 399.00 |
Dr. Teal’s Foot Cream |
227 g |
Php 351.00 |
The Face Shop Smooth Foot Peel |
240 ml |
Php 550.00 |
Nature Republic Foot Mask |
23 ml |
Php 225.00 |
Foot Care Tips
Foot Care Products Para Maachieve Ang Makinis At Malambot Na Paa
Kung nais mong mapanumbalik o mapanatili ang malambot, makinis, maputi at magandang paa, narito ang ilang foot care tips na maaari mong sundin:
- Huwag kalimutang sabunin at kuskusin ng banayad ang paa at mga daliri nito tuwing naliligo.
- Gumamit ng foot cream o foot lotion matapos hugasan at patuyuin ang paa.
- I-exfoliate ang paa once a week upang maiwasan ang dead skin build up.
- Lagyan ng sunscreen ang paa tuwing lalabas, lalo na kapag nakatsinelas o sandals.
- Magsuot ng footwear na naaayon sa sukat ng iyong paa upang maging komportable at maiwasan ang pagkakaroon ng paltos, kalyo, at iba pang concerns.
- Bigyan ng relaxing massage ang iyong mga paa at gumamit ng essential oils na nakakapagpalambot at refresh ng balat gaya ng peppermint at lavender oil.
Tiyak na maaachieve mo ang iyong feet goals sa tulong ng mga foot care tips na ito at paggamit ng mga foot care products na akma para sa iyong pangangailangan.