Foralivit Capsule: Ano ito at bakit ito nirereseta sa mga buntis?

Ano nga ba ang benepisyong naibibigay ng pag-inom ng foralivit sa mga buntis? Alamin dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Foralivit capsule: Narito kung bakit inirereseta ito sa mga buntis. Pati na ang mga benepisyong makukuha sa pag-inom nito at side effects na maaring maranasan.

Foralivit capsule, ano ito?

Ang foralivit capsule ay isang uri ng vitamins and supplement na nagtataglay ng ferrous sulfate, vitamin B complex at folic acid. Ito ang ilan sa pangunahing mga nutrients na kinakailangan ng mga babaeng nagdadalang-tao.

Image from Freepik

Kahalagahan ng ferrous sulfate sa pagbubuntis

Ayon sa mga health experts, ang ferrous sulfate ay isang uri ng iron na nakakatulong upang lunasan at maiwasan ang iron-deficiency anemia. Isa ito sa mga kondisyon na madalas na nararanasan ng isang buntis.

Mahalaga rin na may sapat na iron sa katawan ang isang buntis. Dahil ang iron ay kinakailangan sa pagsusupply ng nutrients at oxygen sa lumalaking fetus sa loob ng kaniyang tiyan.

Kung ang isang babaeng buntis ay may kakulangan ng iron sa katawan siya ay mas mabilis mapagod na pangunahing sintomas ng iron deficiency anemia.

Kahalagahan ng folic acid sa pagbubuntis

Samantala, ang folic acid naman ay tumutulong sa katawan sa pagproproduce at pagmemaintain ng mga bagong cells. Tumutulong din to sa pagbuo ng neural tube at mahalaga upang makaiwas na makaranas ng mga major birth defects ang sanggol. Tulad nalang ng defect sa utak o anencephaly at sa spine na kung tawagin naman ay spina bifida. Ayon sa mga eksperto kung magkaroon ng deficiency o kakulangan rito habang nagbubuntis ay maaring magresulta ito ng fetal harm o peligro sa buhay ng dinadalang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahalagahan ng vitamin B complex sa pagbubuntis

Pinapababa rin ng vitamin B complex ang tiyansa na makaranas ng birth defects ang isang sanggol. Tumutulong rin ito para maibsan ang ilang sintomas ng pagbubuntis tulad ng nausea o pagduduwal.

Ang vitamin B complex ay kilala rin sa tawag na B vitamins.

Image from West Wing Pharma

Ang bawat piraso ng foralivit capsule ay nagtataglay ng mga sumusunod na nutrients:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • 1mg ng folic acid
  • 50mg ng ferrous sulfate
  • 15mg ng thiamine (vitamin B1)
  • 10mg ng riboflavin (vitamin B2)
  • 10mg ng Pyridoxine hydrochloride (vitamin B6)
  • 10mcg ng Cyanocobalamin (vitamin B12)

Benepisyo at paraan ng pag-inom ng foralivit

Ayon sa MIMS.com, maliban sa nakakatulong ang foralivit capsule na maiiwas ang isang buntis na makaranas ng prenatal hematinic, ito rin ay inirereseta bilang treatment sa mga nakakaranas ng iron deficiency anemia at vitamin-B complex deficiency.

Ito ay iniinom isang beses sa isang araw na ipinapayong may preskripsyon mula sa doktor. Maari itong inumin ng wala pang laman ang tiyan. Ngunit maari rin namang inumin pagkatapos kumain para maiwasang makaranas ng discomfort sa tiyan.

Ngunit sa kabila ng ibinibigay nitong benepisyo sa mga babaeng nagdadalang-tao, ito ay may kaakibat ring side effects. Bagamat ito naman ay bibihira lang na nararanasan.

Side effects ng pag-inom ng foralivit

Ang mga side effects ng pag-inom ng foralivit capsule ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pagsusuka
  • Pananakit ng sikmura
  • Hindi o hirap sa pagdumi
  • Pagtatae
  • Pagka-iritable
  • Allergic na reaksyon
  • Kawalan ng gana kumain
  • Pagkawala ng gana
  • Pag-utot
  • Mapait o masamang panlasa
  • Pagbabago sa sleeping pattern
  • Hirap magconcentrate o mag-isip
  • Overactivity
  • Depresyon
  • Pagkalito
  • Pakiramdam ng pamamaga ng buong katawan

Kung ang mga nabanggit na sintomas ay hindi agad nawala o mas lumala pa, mas mabuting magpa-konsulta na sa doktor.

Samantala, isa naman sa common o madalas na napapansin ng mga babaeng buntis na umiinom ng foralivit ay nagkukulay itim ang kanilang dumi.

Mahigpit na ipinapayo na magpa-konsulta muna sa doktor bago uminom ng foralivit. Lalo na kung umiinom ng iba pang medikasyon o herbal na gamot. Dahil maaring tumaas ang tiyansa na makaranas ng side effects kung isasabay ito sa pag-inom ng iba pang gamot. Tulad nalang ng mga sumusunod:

  • Barbiturates
  • Ciprofloxacin
  • Demeclocycline
  • Diphenylhydantoin
  • Doxycycline
  • Levofloxacin
  • Methotrexate
  • Minocycline
  • Nitrofurantoin
  • Alcohol

Mga pagkaing rich in vitamins para sa buntis

Image from Freepik

Maliban sa pag-inom ng supplements tulad ng foralivit, mas mabuti ring kumain ng mga pagkaing rich in vitamins para sa mga buntis. Tulad ng mga sumusunod na good source of iron.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iron-rich foods

  • Karne
  • Manok
  • Isda
  • Itlog
  • Dried beans
  • Fortified grains
  • Broccoli’
  • Green leafy vegetables

Folic acid rich food

Ito naman ang mga pagkaing good source ng folic acid:

  • Leafy green vegetables tulad ng spinach
  • Citrus fruits tulad ng oranges
  • Beans
  • Cereals
  • Tinapay
  • Kanin
  • Pasta

Foods rich in B-vitamins

Habang ang mga sumusunod naman ay good source ng vitamin B complex o B-vitamins:

  • Salmon
  • Leafy Greens
  • Liver at iba pang organ meats
  • Itlog
  • Gatas
  • Beef o karne ng baka
  • Oyster
  • Clams
  • Mussels
  • Legumes
  • Chicken meat
  • Turkey meat
  • Yogurt
  • Cereal

Maliban sa healthy eating, laging ipinapaala ng doktor kapag nagdadalang-tao ay ang uminom ng prenatal vitamins tulad ng foralivit capsule. Dahil sa ito ay nakakatulong sa paglaki ni baby at pagpapanatili ng magandang kalusugan ni Mommy.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

MIMS, Healthline, American Pregnancy Org, NHS

Basahin:

Paano maiiwasan ng buntis ang magkaroon ng stretch marks?