Free online doctor consultation ini-ooffer ng DOH, PMA at iba pang organisasyon ngayong may COVID-19 pandemic. Narito kung paano mate-take advantage ang free medical consultation online na inihahandog nila.
Free online doctor consultation
Dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, ay nag-ooffer ng free consultation online ang ilang organisasyon tulad ng Philippine Medical Association at Department of Health. Ito ay upang ma-address ang pangangailangan ng mga Pilipinong hindi makapunta sa ospital bunsod ng community quarantine. At upang mabawasan ang mga taong magpupunta sa ospital at ma-kontrol ang pagkalat ng sakit.
PMA
Ang free online doctor consultation ng Philippine Medical Association o PMA ay naging possible sa pamamagitan ng kanilang programa na DOCPH o Digital Online Consultation for our People’s Healthcare.
Para magpa-konsulta ay kailangan lang bisitahin ang kanilang website na https://www.docph.org/. Kapag nakita ang start consulting button ay i-tap ito na mag-reredirect sayo papunta sa Facebook messenger ng DOCPH.
Sila ay nag-ooffer ng free medical consultation, partikular na sa mga nakakaranas ng sintomas ng COVID-19. Ang kanilang clinic hours ay nagsisimula tuwing alas-9 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi araw-araw.
DOH
Nagbibigay rin ng libreng konsultasyon ang Department of Health o DOH sa mga Pilipinong may katanungan tungkol sa sakit na COVID-19. Sila ay makokontak at makakausap sa pamamagitan ng kanilang hotline numbers na (02) – 894-26843 o toll fee number 155.
Maari rin magpakonsulta sa kanila ng libre tungkol sa iyong mental health concerns. At magagawa ito sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numerong 0917-899-USAP (8727) o (02) 899-USAP (8727).
UP Diliman Psychosocial Services
Nagbibigay rin ng libreng tele-psychotherapy para sa mga nakakaranas ng depression at anxiety ngayong panahon ng COVID-19 pandemic ang UP Diliman Psychosocial Services.
Ang kailangan lang ay i-message sila sa kanilang Facebook Messenger profile. O kaya naman ay i-text sila sa mga numerong 0906-374-3466 o 0916-757-3157 para magpa-appointment.
CARD e-Doctor
Ang CARD e-Doctor ay isang Facebook page na nagbibigay ng libreng live webinars na pinangungunahan ng mga doktor. Maari rin silang i-message kung may katanungan upang mapagbigyan ka ng libreng konsultasyon.
Ang kanilang free consultation ay nagsisimula mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes. Ngunit dahil sa napakaraming nais magpakonsulta sa kanila, ipinapayo nilang sumubaybay sa kanilang Facebook page at manood ng kanilang live webinars tuwing alas-7 ng gabi. Dito ay tinatalakay ang iba’t-ibang isyu sa kalusugan na maaring maging sagot na sa iyong katanungan.
Iba pang nag-ooffer ng medical consultation online
May mga app at online services rin naman ang makakatulong sayo ng paghahanap ng doktor na maari mong mapa-konsultahan online. Ilan sa mga ito ay ang sumusunnod:
HealthNow
Ang HealthNow ay isang healthcare app na maaring ma-download sa iyong smartphone o desktop. Sa pamamagitan nito ay makakahanap ka ng doktor na mas mabilis na tutugma sa pangangailangan mo.
Matapos mai-download ang HealthNow app ay mag-fifillup ka ng form. Saka mag-sesend ng text ang HealthNow bilang confirmation sa iyong appointment.
Sa oras na nag-confirm ka sa iyong appointment ay magpapadala ng Hangout link ang HealthNow na iyong gagamitin para sa video teleconferencing o online consultation.
Ang pag-dodownload ng HealthNow app ay libre. Habang ang fee naman ng mga doktor na magsasagawa ng konsultasyon ay iba-iba depende sa specialty nila.
KonsultaMD
Tulad ng HealthNow, ang KonsultaMD ay makakatulong rin sayo sa paghahanap ng doktor na makakasagot sa iyong mga medikal na katanungan. Ngunit para makagamit ng serbisyo nito ay kailangan mo munang i-download ang app at mag-signup ng iyong subscription. Ito ay maaring weekly o monthly na may sumusunod na halaga.
- Globe Postpaid: P150 monthly group plan (good for 4 katao)
- Globe Prepaid: P15 weekly o P60 monthly individual plan
- Other Networks: P150 (group plan) o P60 (individual plan) monthly for 1 year
Ang KonsultaMD ay nakipag-partner sa ilang health institutions bansa. Kabilang na ang AC Health, Generika Drugstore, FamilyDOC, QualiMed, at Hi-Precision Diagnostics. Kaya naman kung pediatrician., OB-Gyne, ophthalmologist o kahit ano pa ang kailangan mo ay dito mo matatagpuan.
MD Link Healthcare
Ang MD Link Healthcare Inc. ay isa rin sa mga pasilidad sa bansa na kasalukuyang nag-ooffer ng telemedicine o online consultation.
Noong una sa panahong ng enhanced community quarantine sa Maynila ay nag-ooffer sila ng libreng konsultasyon. Ngunit sa ngayon ang bawat konsultasyon online ay may bayad na.
Ang kanilang clinic ay nag-ooffer ng online consultation mula sa iba’t-ibang area of specialties ng mga doktor. Tulad ng obstetrics and gynecology, pediatrics, internal medicine, ear, nose and throat, head and neck surgery, surgical oncology, at ophthalmology.
Libre ang pagdodownload ng app at pag-signup sa MD Link Healthcare. Pero ang pagpapa-konsulta sa doktor online ay may bayad depende sa kanilang specialty.
Medifi
Tulad ng mga naunang online healthcare service provider, ang Medifi ay nag-ooffer rin ng online doctor consultation. Ang kailangan lang ay i-download ang kanilang app, gumawa ng account at simulan na ang consultation process.
Sa Medifi ay kailangan mo lang magbayad ng fixed amount na P699 para consultation fee. Pero kung nagnanais maghanap ng partikular na doktor ay maari ring gawin sa Medifi. Piliin lang ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga doktor at bayaran ang kanbiyang consultation fee upang masimulan na ang iyong pagpapakonsulta.
BASAHIN:
Listahan ng mga licensed COVID-19 testing centers sa Metro Manila
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!