X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Frontliners na magkasintahan nagpakasal sa hospital

4 min read

Magkasintahang frontliners nagpakasal sa hospital sa Bacolod City.

LOOK: Frontliners na magkasintahan nagpakasal sa hospital

Image from Adventist Medical Center Bacolod

Magkasintahang frontliners nagpakasal sa hospital

Hindi napigilan ng kumakalat na sakit na COVID-19 ang pagpapakasal ng magkasintahang sina Jim Gerona, 36 at Jehracel Torrentira, 30. Ang dalawa ay kapwa frontliners na nagtratrabaho sa Bacolod Adventist Medical Center o BAMC. Ang ospital na kung saan isinagawa rin ang seremonyas ng kanilang kasal.

Ayon sa pahayag ng Bacolod Adventist Medical Center sa kanilang Facebook account, si Jim ay nagtratrabaho umano sa diagnostics department ng ospital. Habang si Jerahcel naman ay nakatalaga sa records section.

Una na sanang nakatakdang isagawa ang kasal ng dalawa sa Cebu. Ngunit dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine o ECQ ay nagdesisyon silang hindi na gawin pa ang kasal roon. Ngunit hindi nila naisip na ipagpaliban ito lalo pa’t siyam na taon silang nagtiis sa long distance relationship. Kaya naman anuman ang mangyari ay itinuloy nila ang kasal nitong Abril 8. At ito ay isinagawa sa conference room ng Bacolod Adventist Medical Center.

Kasal sumunod sa precautionary measures at safety protocols

Pero dagdag na pahayag ng ospital, sila ay sumunod sa lahat ng precautionary measures at safety protocols na ipinatutupad ng Department of Health. Gaya nalang ng social distancing na makikita sa mga litrato ng ginanap na kasal. Limitado lang ang dumalo sa seremonyas ng kasal. Tanging apat na principal sponsors lang ang imbitado. Habang tanging ang pastor na nanguna sa kasal at ang photographer na kumuha ng larawan ng pag-iisang dibdib nila ang laman ng conference room maliban sa magkasintahan. Lahat rin sa kanila ay nakasuot ng face masks na ipinapayong gawin ng bawat isa kung sakaling makikihalubilo sa iba. Ang face mask ng magsintahan ay tinanggal lang ng saglit sa parteng kailangan na nilang selyuhan ang kanilang pag-iisang dibdib ng isang halik.

frontliners nagpakasal sa hospital

Image from Adventist Medical Center Bacolod

Pagkatapos ng seremonyas ng kasal ay saka naman sila nagikot-ikot sa ospital para sa kanilang post-nuptial photoshoot. At para narin maibahagi ang mahalagang yugto na iyon ng kanilang buhay sa mga katrabaho at kaibigan nila.

Kasalan sa panahon ng COVID

Una ng nakiusap si Inter-agency Task Force o IATF at Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga magpapakasal ngayon sa gitna ng COVID-19 pandemic na kung maari ay ipagpaliban muna ng kanilang plano. Lalo na kung ang kanilang gaganaping kasal ay engrande at dadaluhan ng maraming tao. Dahil ito ay lalabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine na nagbabawal ng mass gathering.

“Prohibited po. Arms length ang sinasabi namin lagi. Arms length ang distancing ng bawat isa. Sa wedding, paano magki-kiss ang couple? Paano ‘yung distansiya nung couple? Ang daming adjustments na kailangang gawin,” pahayag ni Nograles sa isang panayam.

Dagdag pa niya timeless naman daw ang pag-ibig at hindi naman magiging malaking kawalan ang isang buwang pagpopostpone ng kasal.

“Alam natin na timeless and boundless naman ang pag-ibig. What is a one-month postponement for love?” dagdag pa niya.

Iba naman ang paniniwala ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez tungkol sa usapin.

Puwede basta susunod lang sa social distancing

Para sa kaniya, hindi mapipigilan ang pag-ibig. Kaya naman mas mabuting mag-adjust nalang ang mga magpapakasal sa batas na kasalukuyang ipinatutupad sa bansa.

” Ako ang tingin ko ang kasal, hindi po mapipigilan ang pag-ibig. Bawasan na lang nila ‘yung guests, makakatipid pa sila. Yung social distancing kailangang ma-observe. Bawal ang mass gathering.”

Ito ang pahayag ni Lopez sa isang panayam.

Dagdag pang pahayag ni Lopez, makakasunod parin naman sa social distancing ang bagong kasal kahit na pagdating sa parte na kailangan ng halikan ng groom ang bride. Imbis na lips to lips, puwede naman daw muna ang flying kiss.

LOOK: Frontliners na magkasintahan nagpakasal sa hospital

Image from Freepik

Refund para sa mga na-cancel na kasal

Para naman sa mga magkasintahang nag-desisyon ng ipagpaliban muna ang kanilang kasal ay may siniguro naman si Sec. Lopez sa kanila. Ayon sa kaniya, kung nakapagbook na ng hotel, restaurant at iba pa, maari silang mag-request ng refund sa mga naibayad na nila.

“Dapat ho may refund kasi force majeure po yun so wag silang matakot na ‘naku paano ‘to nagdown na kami tapos ayaw irefund?”

Ito ang pahayag ni Lopez. Hindi rin daw dapat matakot ang mga magpapakasal na gawin ito. Dahil kung sakaling hindi sila pinagbigyan ng refund ng kanilang nakausap ng supplier o contractor ay maari silang magsumbong sa DTI upang ito ay agad na maaksyunan.

“Wag silang matakot kung ayaw i-refund. Puwede silang mag-file ng complaint sa DTI Consumer Complaint 1384 hotline. Papanigan po sila ng DTI para magrefund yung establishment”, sabi pa ni Lopez.

 

Partner Stories
H&M’s Newborn and Baby Ranges are Here — For Every Step of Your Parenting Journey
H&M’s Newborn and Baby Ranges are Here — For Every Step of Your Parenting Journey
Nami Officially Launches the First Water-based, 18-free, Vegan Nail Polish Brand in the Philippines
Nami Officially Launches the First Water-based, 18-free, Vegan Nail Polish Brand in the Philippines
Take your kids to experience Disney’s Frozen 2 in real life!
Take your kids to experience Disney’s Frozen 2 in real life!
Lea Salonga Instashines with a Musical Tribute
Lea Salonga Instashines with a Musical Tribute

Source: CNN, ABS-CBN News

Basahin: Hanggang kailan valid ang kasal kung walang record sa Civil Registry?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • LOOK: Frontliners na magkasintahan nagpakasal sa hospital
Share:
  • Nurse nakaranas ng harassment sa kanyang tinitirahang condominium

    Nurse nakaranas ng harassment sa kanyang tinitirahang condominium

  • Bukod sa mga doktor, ang mga grocery workers ay frontliners din

    Bukod sa mga doktor, ang mga grocery workers ay frontliners din

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Nurse nakaranas ng harassment sa kanyang tinitirahang condominium

    Nurse nakaranas ng harassment sa kanyang tinitirahang condominium

  • Bukod sa mga doktor, ang mga grocery workers ay frontliners din

    Bukod sa mga doktor, ang mga grocery workers ay frontliners din

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.