X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Hanggang kailan valid ang kasal kung walang record sa Civil Registry?

4 min read

How to check if your marriage is registered in the Philippines and steps on filing delayed registration of marriage.

How to check if your marriage is registered in the Philippines

Image from Freepik

Hanggang kailan valid ang kasal kung ito ay hindi rehistrado

Ikinasal ka ba sa iyong asawa ngunit nalamang hindi pala ito rehistrado? Hindi ka dapat mag-alala at isiping walang bisa ang inyong kasal. Dahil ayon sa Supreme Court case na Mariategui vs. Court of Appeals, (G.R. No. L-57062 January 24, 1992) ang kawalan ng record ng isang kasal ay hindi isang requirement para ito ay mapatanuyang naganap o valid. Bagamat ang marriage contract ay isang ebidensya na ikinasal ka at iyong asawa, ang kawalan nito ay hindi nagpapawalang-bisa sa kasal ninyo. Dahil maliban dito ay may iba pang paraan upang mapatunayan na kayo ay ikinasal. Tulad ng mga witness o bisita sa inyong kasal, pictures, videos pati na ang testimonya ng nagkasal sa inyo o solemnizing officer. Ang mga dokumento din tulad ng birth at baptismal certificate ng inyong mga anak na kung saan kayo ang nakasaad na magulang.

Ang dahilan lang upang masabing walang bisa o “null and void” ang isang kasal ay ang sumusunod:

  • Isa sa ikinasal na lalaki at babae ay wala pa sa wastong gulang na 18-anyos ng isagawa ang pagpapakasal. Ito ang tinatawag na legal capacity ng mga kinasal na ayon sa Family Code of the Philippines.
  • Walang consent ng solemnizing officer ang kasal tulad ng pari, judge, ministro, imam o mayor.
  • Kawalan o expired na marriage license ng isagawa ang kasal. Ang marriage license ay may validity at expiration period na 120 days mula sa araw na ito ay inisyu. Ito ay automatically na nakakansela sa araw ng expiration nito kung hindi ito ginamit

Bagamat hindi valid ang isang kasal dahil sa mga nabanggit na kondisyon, ay hindi nangangahulugan ito na maari ng mag-pakasal ang isang lalaki o babae sa iba kung kanilang gugustuhin. Dapat ay legal na munang ipawalang bisa ang kasal sa pamamagitan ng annulment o declaration of nullity of marriage. Na kung saan ang mga kondisyon na nabanggit ay maaring gamitin na ground.

How to check if your marriage is registered in the Philippines

Image from Freepik

How to check if your marriage is registered in the Philippines

Pagliliwanag ng batas ang marriage certificate at marriage license ay magkaiba. Ang marriage license ay ang ibinibigay na lisensya o pahintulot ng gobyerno sa isang lalaki at babae na puwede silang ikasal na naayon sa batas. Ibinibigay ito bago isagawa ang kasal. Habang ang marriage certificate naman ay ang kontrata ng ikinasal na may basbas ng batas at gobyerno. Ibinibigay ito pagkatapos maisagawa ang kasal.

Para naman malaman kung rehistrado ba ang kasal ng isang lalaki at babae ay magagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng kopya ng marriage certificate sa inyong munisipyo. Isang paraan rin ang pagkuha ng CENOMAR o Certificate of No Marriage mula sa PSA o Philippine Statistics Authority. Dahil sa pamamagitan nito ay malalaman kung may record ang kasal ninyo.

Sa oras na malamang hindi rehistrado ang inyong kasal ay maari itong iparehistro sa pamamagitan ng delayed registration. At ito ay masasagawa sa pamamagitan ng sumusunod na paraan.

How to check if your marriage is registered in the Philippines

Image from Montano-Flamiano Law

Pagpa-file ng delayed registration ng marriage certificate

Sa pagfifile ng delayed registration of marriage ay dapat kumpletuhin muna ang mga requirements na kakailanganin para dito. Ito ay ang sumusunod:

  • Affidavit of Delayed registration mula solemnizing officer ng kasal na nagsasaad ng exact plate at date ng isinagawa ang kasal. Pati na ang iba pang mahahalagang impormasyon at dahilan kung bakit na-delay ang pagpaparehistro ng kasal.
  • Kung wala o patay na ang solemnizing officer ay kakailanganin ang certification mula sa PSA para sa authority to solemnize marriage.
  • Latest copy ng Certificate of No Record mula sa PSA at LCR o Local Civil Registry.
  • Latest copy ng CENOMAR ng parehong babae at lalaki mula sa PSA.
  • Original o duplicate copy ng marriage contract na may pirma ng ikinasal.
  • Kung walang marriage certificate, kakailanganin ng certification mula sa simbahan o solemnizing officer na naisagawa ang kasal. At ito ay base sa kanilang record o logbook.
  • Affidavit mula sa magkabilang-parties na nagsasaad ng dahilan ng delayed registration.
  • Certified copy of application for marriage license na nakasaad ang petsa kung kailan inisyu ang marriage license ng ikinasal.
  • Certified copy ng mga birth certificate ng anak kung saan nakasaad ang date at place ng kasal ng mag-asawa.
  • Kung ikinasal sa labas ng simbahan, kaikailanganin ang letter of request to solemnize marriage outside of church.

Kapag kumpleto na ang mga nasabing documents ay dalhin ito sa Local Civil Registrar na kung saan naganap ang kasal. At saka mag-apply para sa delayed registration of marriage.

Ang proseso ng pagsasaayos ng delayed registration ay maaring tumagal ng 2 hanggang 4 na buwan.  At ito ay nagkakahalaga ng P240.00.

Source:

E-lawyers Online, PSA

Photo:

Freepik

Civil wedding: Step-by-step guide kung paano ikasal sa huwes

 

Partner Stories
LRMC partners with Binhi English Literacy Foundation for learning program
LRMC partners with Binhi English Literacy Foundation for learning program
The joys of Pinoy breakfast with Nutella
The joys of Pinoy breakfast with Nutella
3 ways for mom to better handle these extraordinary times
3 ways for mom to better handle these extraordinary times
Meet the Next Generation of Gifted Kids
Meet the Next Generation of Gifted Kids

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Hanggang kailan valid ang kasal kung walang record sa Civil Registry?
Share:
  • Nakabubuti ang pagiging nagger sa asawa, ayon sa pag-aaral

    Nakabubuti ang pagiging nagger sa asawa, ayon sa pag-aaral

  • All you need to know about civil wedding

    All you need to know about civil wedding

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

  • Nakabubuti ang pagiging nagger sa asawa, ayon sa pag-aaral

    Nakabubuti ang pagiging nagger sa asawa, ayon sa pag-aaral

  • All you need to know about civil wedding

    All you need to know about civil wedding

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.