Isa ang pagtatalik sa nagpapalakas at nagpapatibay ng bawat relasyon. Ito ang paraan na kung saan kadalasang naipapakita ang pagmamahal ng lalaki sa isang babae sa pamamagitan ng pagbibigay ng sexual gratification. Ngunit, hindi lahat—lalo na sa mga babae ang nakakaranas ng satispaksyon o ng totoong orgasm sa pakikipagtalik. Ayon nga sa isang pag-aaral, 18% lang ng mga babae ang nakakaranas ng totoong orgasm sa pakikipagtalik sa pamamagitan ng penetration. At isa sa mga tinuturong dahilan nito ay ang hindi pagpukaw ng lalaking partner sa G-spot ng babae.
Ano nga ba ng G-spot ng babae at saan ito mahahanap?
Ayon sa isang sexologist na si Dr. Beverly Whipple, ang Gräfenberg spot o G-spot ng babae ay ang sensitibong parte ng vagina na kapag napukaw ay naglalabas ng likido o katas na nagdudulot ng orgasm sa mga babae.
Ayon naman sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2017, sa 400 na babae, lahat sa kanila ay nakitaan ng sensitivity sa taas ng kanilang vagina na malapit sa clitorial network nito o ang parte kung nasaan ang clitoris.
Sa makatuwid, base sa pag-aaral ang paglalaro o pagpukaw sa clitoris ng babae habang nakikipagtalik ay siya ring pagpapasigla ng G-spot ng babae. Sa pamamagitan nito ay mas umiinit o nabubuhay ang sekswal na pagnanasa ng isang babae na maabot ang rurok na kasiyahan sa pakikipagtalik. At ito ang paraan para makamit niya ang sekswal na gratipikasyon o orgasm.
Ngunit maliban sa G-spot ng babae, may isa pang parte ng vagina ang nakakapagbigay din ng sekswal na gratipikasyon sa mga babae, ito ang A-spot.
Ano ang A-spot?
Ang A-spot o ang anterior fornix ay matatagpuan sa loob ng vagina, sa kailaliman nito malapit sa cervix ng mga babae. Pinananiwalaang sa pamamagitan ng A-spot ay maaring magkaroon ng multiple orgasm ang mga babae.
Dahil nasa loob ng vagina, ang A-spot ay hindi mapupukaw sa pamamagitan ng pagmamasahe nito tulad ng G-spot ng babae, kung hindi sa pamamagitan lamang ng pag-pasok ng ari ng lalaki sa vagina ng isang babae. Upang mas maintindihan, narito ang ilang paraan upang maabot ng bawat lalaki ang A-spot ng mga babae.
1. Isagad sa kailaliman
Dahil nasa dulo ng vaginal canal ang A-spot ng kababaihan, kinakailangan ng deep penetration para maabot ito, Ilan sa mga posisyon na nirerekomenda upang maabot ang A-spot ng babae ay doggy style at cowgirl position. Habang ang iba naman ay sinusubukan ang anal sex na kung saan isang magandang paraan rin para maabot ang A-spot ng mga babae.
2. Gumamit ng sex toys.
Ayon kay Andy Duran ng Good Vibrations, isang sexual health outreach group, makakatulong ang paggamit ng sex toys na hinulma para sa deep penetration. Ang paglalaro o paggamit nito bago ang akwal na penetration ay makakatulong upang mas maging “wet” o basa ang isang babae na mas nagpapasigla sa pagtatalik.
3. Laruin ang mga pleasure zones.
Maliban sa deep penetration, dapat ding pukawin ang iba pang pleasure zones habang nakikipagtalik tulad ng G-spot ng babae. Maaring laruin ang clitoris ng babae habang nagpe-penetrate sa loob ng vagina nito, Nakakatulong din ang paghalik o paghawak sa iba pang parte ng katawan nito na mas nakakapagbigay pa ng ibayong kasiyahan at kasiglahan habang nakikipagtalik.
Mga sex tips
Ilan lamang ito sa mga paraan para pukawin ang A-spot ng mga babae. Ngunit maliban sa A-spot at G-spot ng babae, isang mabisang paraan rin upang magkaroon ng totoong orgasm ang mga babae ay sa pagsasagawa ng foreplay o pagpapalitan ng intimate acts ng magkatalik. Maaring ito ay sa pamamagitan ng isang mainit na halik o ang paghimas sa mga sekswal na parte ng katawan ng bawat isa bago ang penetration.
Ngunit, upang mas lalong mabigyan ng gratipikasyon ang mga mag-partner sa pagtatalik, dapat lang na maging bukas o open ang isa’t isa mga isyu ng pagtatalik. Kinakailangang malaman ng bawat isa kung ano ang gusto at ayaw nila pagdating sa pakikipagsex. Sa ganitong paraan, mas nagiging maayos ang pagsasama ng isa’t isa at mas lumalalim ang samahan na kung saan ang pakikipagtalik ay nagiging magandang paraan ng pagbobonding.
Mapa-A-spot man o G-spot ng babae, marapat din na bago gumawa ng ibang aksyon o discoveries sa pagtatalik ay hingin rin muna ang approval o pahintulot ng bawat isa upang mas lalong masiyahan habang ginagawa ito. Maaring ang pagtatalik nga ay isang paraan upang mas mapatibay ang pagsasama ng isang mag-partner ngunit ang pagiging bukas sa komunikasyon ay isa ding importanteng bagay na dapat nating pahalagahan para maabot ang tunay na kasiyahan sa bawat pagsasama.
Sources: The Independent, HealthLine, Conscious Life News, Fatherly
Basahin: 10 Tips sa pagtatalik para manumbalik ang init ng inyong pagmamahalan ni mister
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!