How many days does it take to digest noodles? Narito kung gaano katagal matunaw ang instant noodles sa tiyan ayon sa isang pag-aaral.
Gaano katagal matunaw ang instant noodles sa tiyan
Ang instant noodles ay isa mga pagkaing hindi man kinahihiligan ngunit nakasanayan ng kainin ng marami sa ating mga Pilipino. Unang-una, dahil ito ay mura at pangalawa, dahil sa ito ay madaling lutuin.
Ngunit kahit na naiinitan nito at naitatawid sa gutom ang ating sikmura, ayon sa mga pag-aaral, ito ay hindi mabuti para sa ating katawan. Isa nga sa mga dahilan na sinasabi ng mga eskperto ay kung gaano katagal matunaw ang instant noodles sa tiyan kumpara sa mga fresh noodles na naipakita ng isang pag-aaral.
Sa pamamagitan ng isang pill sized camera ay naikumpara ang tagal ng pagkakatunaw sa tiyan ng instant at fresh noodles na ating kinakain. Ito ay isinagawa sa pangunguna ng gastroenterologist na si Dr. Braden Kou mula sa Massachusetts General Hospital.
Instant noodles vs fresh noodles
Ayon sa kaniya mula sa video na na-record ng pill-sized camera sa loob ng tiyan sa loob ng 32 oras, kitang-kita na mas matagal matunaw ang instant noodles kumpara sa fresh noodles. Dahil 1-2 oras matapos makain ang fresh noodles ay agad na itong natunaw ng tiyan. Habang ang instant noodles ay buo at intact parin sa loob ng tiyan.
“The most striking thing about our experiment when you looked at a time interval, say in one or two hours, we noticed a processed ramen noodles were less broken down that homemade ramen noodles.”
“At two and four hours, the particular size of the ramen noodle was much larger or formed than the homemade ramen noodle at each of those time points. Suggesting ramen noodles were difficult to break down into an infinite particulate matter during the process of digestion.”
Ito ang pahayag ni Dr. Kuo.
How many days does it take to digest noodles and the reasons why
Ang dahilan na tinuturo ng mga eksperto kung bakit nangyayari ito ay dahil sa ingredients na ginamit sa paggawa ng instant noodles na may masama rin umanong epekto sa ating kalusugan.
Ayon sa FDA, ang instant noodles ay gawa sa main preservative na kung tawagin ay terriary-butyl hydroquinone o TBHQ. Maliban sa instant noodles, ang preservative na ito ay ginagamit rin sa iba pang cheap processed foods tulad ng microwave popcorn. Ito ay may oil at fat content na maaring magdulot ng long term effect sa kalusugan tulad ng panghihina ng katawan. Pati na ang pagpapataas ng tiyansa na makaranas ng cancer at tumor sa katawan ang isang tao.
Para ma-maintain naman ang texture nito kahit na naluto na ay nagtataglay ng ingredient na kung tawaging propylene glycol ang mga instant noodles. Ito ay isang liquid alcohol na ginagamit rin sa paggawa ng mga tobacco.
Mayroon rin itong monosodium glutamate o MSG na nagbibigay lasa rito. At nagdudulot ng side effects sa taong makakain nito tulad ng nausea, headache, sweating at heart palpitations.
Masamang epekto ng instant noodles sa kalusugan
Paliwanag naman ng celebrity doctor na si Dr. Willie Ong, ang mga instant noodles ay masyadong maalat at mataas ang fat content. Dahilan upang magkaroon ng high blood at diabetes sa isang tao.
“May mga pag-aaraal na ginawa na nakita nila na posibleng tataba kayo, magkaka-high blood at magkakadiabetes. Unang-una mataas kasi ang fat content, sodium o yung asin. Maalat kasi masyado ang mga instant noodles. Bawat pakete umaabot ng 600-900 mg ng sodium. Ang limit natin sa isang araw ay 1500 mg a day lang kaya kapag kumain kayo ng 2 pakete nakuha ninyo na yung buong limit.”
Ito ang paliwanag ni Dr. Wille Ong.
Dagdag pa niya kung masyadong maraming asin o alat sa katawan ang isang tao ay mas maraming tubig ang maiipon sa kaniyang katawan. Dahilan upang siya ay mamanas, tumaas ang blood pressure, masira ang kidney at magkaroon ng sakit sa puso. Ito ay napatunayan ng isang pag-aaral sa Harvard School of Public Health. Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng instant noodles ng lagpas sa 2 beses sa isang linggo ay maaring magdulot ng mga nabanggit na kondisyon.
Paliwanag pa ni Dr. Ong, ang mga masamang epekto sa kalusugan na ito ay hindi naman agad na mararamdaman sa loob ng isang linggo o buwan. Kailangan ay paulit-ulit na munang kumain ng instant noodles bago ito maramdaman.
Puwede namang kumain ng instant noodles, huwag lang sosobra
Pero payo niya pwede namang kumain ng instant noodles basta’t huwag lang sosobra.
“Pwede naman kumain ng instant noodles kung gusto ninyo, pero lilimitahan lang natin sa dalawang beses kada linggo. Huwag na pong sosobra”, payo ni Dr. Ong.
Ngunit mas mabuting imbis na instant noodles ay kumain nalang umano ng masusustansiyang pagkain. Tulad ng karne, isda, prutas at gulay na puno ng nutrients. Ito ay upang makasigurado na hindi lang mabubusog ang tiyan kung hindi magdudulot rin ito ng mabuting epekto sa katawan.
Source:
Basahin: