Isang video ng galit na customer sa isang Pizza Hut service crew ang nagviral sa social media nitong nakaraang araw. Ang video ay kuha sa Araneta Coliseum na kung saan ginanap ang ice skating performance na “Magic on Ice” show.
Sa video makikita ang dalawang matanda na pinagsisigawan ang Pizza Hut service crew.
Ayon sa uploader ng video na si Olin Ovlac na nandoon rin para manood ng naturang ice skating performance, ang hindi pagkakaintindihan daw ay nag-ugat sa pagkakatanggal ng takip ng mineral na water na order ng mga customer.
“Sobrang naawa ako sa service crew dahil pinaliwanag nya naman sa customer na policy talaga for safety purpose yung pagtanggal ng takip sa mineral water.Aba nagwawala ang mag-asawa at binalikan pa ng anak at pinagbabato ang team member ng pagkain.”
Samantala, isang facebook user din na si Jernard Bariso ang nagcomment sa Facebook post ni Ovlac para maipaliwanag talaga ang nangyari.
Ayon sa kaniyang post bago pa man ang hindi pagkakaintindihan sa bottle cap policy ng Araneta Colisuem ay nauna ng pumila sa linya ng Pizza Hut ang matandang babaeng customer para bumili ng popcorn. Ngunit dahil hindi naman nagtitinda ng popcorn ang Pizza Hut ay nagalit ito ng maunang bigyan sa kaniya ang isang customer na umo-order ng pizza. Dito ipinaliwanag ng service crew na hindi sila nagtitinda ng popcorn kung hindi ang katabing stall nila at iba ang linya ng transaction para dito.
Matapos ang insidente ay sumunod na bumili ang asawa ng babaeng customer ng mineral water sa service crew. Ipinaliwanag ng service crew na kailangan tanggaling ang takip ng mineral water bilang ito ay kasama sa safety policy ng Araneta Coliseum at bawal ipasok sa loob.
(Policy kasi ng coliseum na tanggalin ang takip ng bote ng mga bottled drinks na ibinebenta sa loob ng lugar. Ito ay para sa safety ng mga manonood upang hindi magamit na weapon ang bottled drinks na ipambato sa mga performers o players ng mga concerts at laro na nagaganap sa coliseum.)
Dito na nagsimulang magalit ang matandang lalaki at pilit na kinukuha ang takip ng mineral water sa service crew.
Sinundan ito ng pamamato ng anak ng galit na customer ng pagkain sa service crew habang pinagsisigawan ito. Dito na lumaban at ibinatong pabalik ng service crew ang pagkain na ibinato sa kaniya. Ayon naman sa uploader ng video na si Ovlac ang kuha niyang video ay ang nangyari matapos ang food-throwing incident.
Sa video makikitang pinagsisigawan ng mga galit na customer ang service crew na umiiyak na dahil sa pangyayari,
Ang viral video na ito ay umani na ng 66 thousand reactions at nai-share na ng 117 thousand times sa Facebook. Kabi-kabila naman ang reaksyon ng mga netizens sa naturang pangyayari na isang halimbawa na hindi sa lahat ng oras ay customer is always right.
Dahil din sa dinanas ng kapwa nila fastfood crew ay naglabas din ng kanilang saloobin ang iba pang service crew na sila ay dapat ding respetuhin at intindihin.
Ang Pizza Hut service crew ay kinilalang si Rocel Salazar na hindi parin nagbibigay ng kaniyang pahayag patungkol sa pangyayari.
Samantala ang bottle cap policy o ang pagtatanggal ng takip ng mineral water o iba pang bottled drinks ay isang patakaran na ng mga events venue dito at sa labas ng bansa. Ito ay upang maiwasang magamit ito na pambato sa mga concerts, competitions at shows na maaring makasakit sa mga manonood at performers rito.
Bukas ang The Asian Parent sa panig ng parehong kampo.
Sources: Interaksyon, Yahoo
Basahin: Dahil sa galit sa mister, misis itinapon ang anak sa bintana!